Actually, mahirap talga mag gain ng merits. At yung pinag tataka ko ay bakit kadalsan ng mga high-rank members na mga PInoy ay hindi nag bibigay ng merit, para bang gusto lang nila solohin?
Marami akong nakikitang magagandang posts dito sa board natin pero sobrang bihira lang ma merit ang mga posts. Ano ba ang dahilan? or sadyang yung mga merits nila ay binibigay na lang nila sa mga alt accounts nila? hindi ko alam. Pero sobrang hirap na talga mag rank up.
Ang pinaka unang dahilan dyan ay wala ka namang makukuha kung mamimigay ka ng merits...ito ang big flaw ng system ng merit dapat may reward din yung nagbibigay para ganahan ka. Nasa human nature na natin generally yung tinatawag na WIIFM or What's In It For Me...sa madaling sabi ano ba ang makukuha ko dyan? Granted, meron talagang mababait na tulad ko na namimigay ng merits from time to time pero generally speaking kung walang incentive to do something matamlay talaga ang resulta...at yan ang nangyayari ngayon. Yung sinasabi na mag-expire o kukunin ang merits pag di ginamit sana lagyan ng time frame...