Bitcoin Forum
May 24, 2024, 10:14:07 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 [20] 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 »
381  Local / Pamilihan / Re: Exchange Alert: CoinExchange Ending its Services on: October 18, 2019, 02:17:16 AM
Hindi siya masyadong namarket sayang naman, sana full blast na nila, anyway, mahirap talaga makipagcompete now sa market, dahil magaganda talaga ang mga exchange now  na mga top exchange, sana soon bumalik sila, na mas pinaganda and mas mamarket ng ayos. Anyway, thank you po sa heads up, at least aware ang mga tao lalo yong may fund sa exchange na yon.
382  Local / Pilipinas / Re: Mining o Trading? on: October 17, 2019, 04:53:12 PM
trading of course, pero kung kasama sa choices ang long term holding mas preferred ko yon,lalo na sa mga tulad nating merong mga buhay sa labas ng crypto(di ko sinasabi ang iba ay wala ang mean ko ay yong iba kasi dito na nabubuhay sa crypto)at ginagawa lang ang pag iinvest ng time at pera dito para sa kinabukasan?
though sa mga meron ng malaking kaalaman sa trading napaka essential nito para pagkakitaan,dahil ang mining ay hindi akma para sa ating Climate kasi tayo ay tropical country.so its either Daytrading,shortterm or semilongterm ro Holdings

Trading din ang prefer ko, kasi pwede ko siya gawin anytime, pwede mong laruin ang pera mo and natututo ka pa na magcontrol ng emotions, masarap matuto ng trading dahil profitable to compare sa mining, na magastos sa capital, then malaki din ang magiging monthly fixed cost mo, day trading din ako kapag may time, kahit busy unti unti inaaral ko para may new learnings ako.
383  Alternate cryptocurrencies / Service Discussion (Altcoins) / Re: What makes you still join the bounty campaigns? on: October 17, 2019, 02:42:01 PM
Only hopes make and encourage me to join bounty campaigns. So far I have joined over two dozens bounty campaigns, but got nothing except for only around $ 300 worth of tokens. Some of the bounty campaigns turned out to be a scam, while others did not list on any exchange although they distributed tokens. This is the sad story of mine as a bounty hunter.

Because of that you have to think again, whether is it worth it to still join bounty campaigns or not, let us always remember, time is precious, don't waste your time, we can still earn in different way, like trading or mining which has return, rather than joining dozens of campaigns and with no return at all. Maybe if there is a legit project, I will also join, depends on the manager and bounty pool.
384  Local / Others (Pilipinas) / Re: Gabay sa Paggawa ng Malupit at Ligtas na Password on: October 16, 2019, 12:36:55 PM
Ako almost same lang mga passwords ko pero lagi naman akong nag-aupdate kada month. Madalas naka saved na lang sa browser ko, hehe..di sya secured kaso sa dami ng accounts na meron ang isang tao mahirap na din matatandaan..pero as long as you got access sa email mo, safe ka pa naman kahit makalimutan

Yes kahit na makalimutan mo basta may access ka sa email mo safe parin ang acc mo, wala kang dapat ikatakot kung makalimutan mo man pede mo ichange pass basta alam mo ang detalye ng email mo.

Okay lang na puro safe, basta unique and make sure hindi mo to name, okay lang yan, for as long as hindi makakalimutan, napakahirap din kasi ng maraming passwords na iba iba, akala mo hindi mo makakalimutan, pero makakalimutan mo pa din, kaya ayaw ko din ng napakaraming passwords, mas okay na ako sa isa pero yong walang nakakaalam at mahirap talaga.
385  Local / Pamilihan / Re: Bakit kailangang magingat sa application na pinapainstall sa mobile? on: October 16, 2019, 12:18:48 PM
Mostly mahilig tayong magclick or maginstall ng mga application sa mobile natin pero mero itong kaakibay na panganib
1. Hindi mo alam kung saan galing or sino ang original na source
maari na ngsspy na ang application sa mobile mo,
2. May mga application na malakas sa resources at kung minsan
ito ang nagging sanhi ng pagkasira ng ating mobile phones
3. Madaming requirement ang kailangan para maiinstall kung saan may mga need ipadagdag na application subalit ito ay delikado
ito ay mga totoong nangyayari magingat dahil maari masira ang mobile sa mga ganetong pangyayari, alamin muna ay mga kailangan lang ang iinstall
Parang mga ads lang yan sa illegal sites/porn sites. Akala mo advertisment lang nang mga magagandang babae o mga murang kagamitan, pero nagpapadala na yan ng malware or worms sa pc mo nang hindi mo nakakaalam. Lalo na sa mobile applications na nanghihingi ng permiso na gamitin ang gps, camera, at gallery mo. Siguraduhing katiwa tiwala ang mobile app na iyon bago mo aprubahan ng permisyo, Pero kung ako sa iyo, hindi ko ito papayagan kahit anong mangyari. Mas mabuti na maingat tayo kesa mag sisi sa dulo.
Yes at higit sa lahat sa bawat click mo sa mga advertisement ay maaaring ma access nila ang phone mo, email etc... Na pedeng ma hack nila manakawan ka ng pera etc... kaya minsan at hindi lang minsan kailangan panatilihin naten na mag ingat sa mga lumalabas na advertisement sa phone naten lalo na sa mga application, sa chrome/browser.

Alam naman natin ang consequences diba, kaya wag na tayo padalos dalos sa ating mga decisyon, gawin nating mga silbing aral mga ngyari sa iba, mas okay na yong maingat tayo kaysa naman magsisi pa tayo sa huli, ingatan natin ang lahat lalo na kung may mga naka save na importante sa ating cellphone and computer, be safe than sorry.
386  Local / Pilipinas / Re: Role of crypto (enthusiasts) in the increasing PH cashless transactions on: October 16, 2019, 12:02:00 PM
Unti unti ng lumilinaw at sumisikat ang mundo ng crypto sa bansa natin, dahil dito, lalong lumalakas ang loob ng mga pinoy para pasukin ang mundo nito, hindi tulad dati na takot pa tayong magcash out lalo na sa banko dahil baka silipin at imbestigahan tayo, pero ngayon ay unti unti na tayong kampante, kaya sumasaya ang lahat.
387  Local / Pamilihan / Re: Question for coins.ph account owners on: October 16, 2019, 11:38:00 AM
So far paps, wala pa naman akong nakikitang issue about sa coinsph. Okay naman talaga siyang gamitin. Kaya para sa akin okay siya paps kahit hindi mo hawak ang private key. Pero kung milyon ang ilalagay mo sa coins ay mas mabuti sigurong gumawa ka ng Bitcoin wallet na ikaw ang nagmamay-ari ng private key o phrase kasi walang nakakaalam nyan kondi ikaw lang.

Siguro magandang gawin nya ay ganito, since lumilipat sya ng bansa at nasa Pilipinas sya ngayon, maaari siyang bumili ng trezzor o kaya ng ledger nano na wallet, tapos kung magkano lang ang kailangan nyang pera, yun ang ilagay nya sa coins ph. Hindi din kasi natin masisiguro kahit alam natin safe naman lalo na't wala saatin ang private key na meron tayo sa ating sariling mga accounts.
perfect advice dahil wala naman talagang nakakasiguro ng bukas,at napakahirap mag iwan ng pera sa mga exchange dahil alam din natin na ito ang mga target ng mga hackers,kahit malaki ang tiawala natin sa Coins.ph ay iba nadin ang naniniguro ,tiwala din ang mga investors sa mga exchange nila bago sila na hack kaya doble ingat para sa mga pinaghirapan nating mga pera mga kababayan..kaya ako katulad ng sinabi mo ay halos limitado lang ang iniiwan ko sa coins.ph wallet ko safety measures na din para di magsisi sa huli

No safe fund sa mga exchange, kaya napakahirap talagang magbakasali, better to be safe na lang lalo na kung napakarami nyong btc na nakatago, ilagay na lang sa isang wallet then safe keep na din para sure talaga, ako kasi pang load lang iniiwan ko sa coins.ph ko, more on cash out agad ako para sure na yong kita ko, paikutin ko na lang sa ibang bagay.
388  Local / Pamilihan / Re: PSA: You can buy from Shopee using Bitcoin on: October 16, 2019, 11:12:15 AM
Wow!! Nakakatuwa naman isipin at makita na ang shopee ay tumatanggap na ng bitcoin upang ilambayas sa mga produktong ibinebenta nila. Kagaya na rin ng shopee ang lazada kung saan ay tumatanggap na rin ito ng bitcoin payment sa tulong ni coins.ph sa pamamagitan nito ay makikita natin ang maluwag na pagtanggap ng mga tao rito. Di maglaon sana sa mga susunod ay ang mga tindahan ay tumatanggap na rin ng bitcoin upang pambayad sa mga produkto na ibinibenta nila.

Hindi pa ako nakatry makapag shopee, pero laking bagay na din na nagaaccept na sila, meaning to say, mga magagandang online stores, kinoconsider na din nila ang pag tanggap ng cryptopayments, imaging bakit nila ginagawa yon? Meaning to say, nakita nilang maraming users na ng crypto sa bansa natin, and sa tingin nila makaka attract to para dumami ang users nila.
389  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: October 16, 2019, 09:47:36 AM
Tingin ko timely ito dahil paparating na malaking bull run, hopefully this year.

1.) Ano ang mga na enjoy ninyo sa last bull run? Sa anong coins kayo kumita at sa anong paraaan?


2.) May regret ba kayo sa last bull run? Ano yun?

Malaking profit noong nakaraang taon sa mga bounty, Malaki laki rin ang kinita ko noon kaya nakapag patayo ako pisonet dahil sa bull run, Kung may panghihinayang man ako ay yung hindi ako nakahanda noong nakaraang taon sa biglaang pagtaas ng presyo ng bitcoins kaya kaunti lang ang profit ko sa pag hold.

Sadyang napaka swerte ng mga nauna, may mga nabasa ako na mga nakapundar nung time na yon tulad ng negosyo at mga bahay and lupa. Hindi tulad now na sa dami ng bounties swerte nt sumahod ka, Kung sumahod ka man sweete na Kung may value. Kaya mas maganda kung kumita ng maliit man o malaki gamitin eto sa Tama.
390  Alternate cryptocurrencies / Service Discussion (Altcoins) / Re: Update List Scam Airdrop 2019 ...... on: October 15, 2019, 04:55:21 PM
That's why I don't want to participate in any airdrop anymore because of the fact that most are just scams. Since I started here, I joined some airdrops as some of my friends told me that it was worth it joining, but I never earned from it. So, after few months never tried to join again, also some airdrops are phishing sites too, so be careful.
391  Local / Pilipinas / Re: Watch out! The $5 Wrench Attack on: October 15, 2019, 02:31:28 PM
Itong-ito mismo ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko sabihin na nasa crypto ako, maski sa pamilya ko. It's better safe than sorry, yan ang motto ko sa buhay. Baka kasi bigla nilang mabanggit ng hindi sinasadya, hanggang sa kumalat na ng kumalat kung kani-kanino. Kaya nung may isang topic na Bitcoin ATM? Disagree ako kasi alam kong ma-cocompromise ang privacy ko. Baka yung ibang masamang tao pala is nag-babantay sa mga ATM nayan at naghihintay ng target.

Sa akin naman, aware naman sila pero alam nilang hindi naman kalakihan ang income dito and limited lang din, so, ayos lang din, baka kasi bigla silang magtaka kung saan ako kumukuha ng pera, sinasabi ko na lang na blogger ako ang nagpapart time bounty and nagttrade din minsan kapag may time magfocus, mahirap kasi mag trade ng hindi ka focus.
392  Local / Pamilihan / Re: May gumagamit na ba ng Abra at may Nakapag withdraw na ba dito on: October 15, 2019, 02:08:30 PM
So far, hindi ko pa po nattry ang Abra dahil okay naman ako sa coins.ph pero kapag patuloy na naghigpit ang coins.ph baka lumipat na din ako sa Abra dahil marami na din akong nababalitaang good feedback sa kanya, na mas mura daw po mga fee nito.

Kumusta po kaya ang feature nito? mas friendly user po ba sa coins.ph or same lang naman po sila?
393  Local / Pamilihan / Re: PSA: You can buy from Shopee using Bitcoin on: October 15, 2019, 01:53:59 PM
Lagi akong bumibili sya shoppee at laging COD lang ang mode of payment ko dahil ito ang nakasanayan ko. Ngayon ko lang ito nabasa dito sa forum na pwede na pala bumili ng mga items sa forum gamit ang bitcoin and coins.ph. siguro akin din itong susubukan at titignan ko kung mabilis ba ang transaction ng payment dito. Sana maraming pang mga online shop ang tumanggap ng bitcoin dahil makakatulong upang mas lalong makilala ang cryptocurrencies.

Medyo matagal ko na alam na pwede magbayad sa shopee ng mga orders mo thru coins.ph pero prefer ko pa din ang COD payment kasi kung magkaproblema man atleast hindi pa ko nakakabayad. Medyo maingat din kasi ako kahit sa online shopping, ayoko bayad muna bago ko makuha yung item ko
Same tayo na mas gusto ko ang Cash on delivery hindi naman sa ayaw kong gamitin ang coins.ph sa pagbili ng shopee pero depende naman sa sitwasyon iyon kung kailan at saan natin ito magagamit. Ako rin mas gusto ko na makukuha ko muna yung ITEM bago ko bayaran basta yan ang mas gusto ko. Peto good to know na ang shopee ay nag add na sila ng ganyang payment atleast sa mga taong mas gusto yan ay mapapadali ang kanilang pagbabayad.

For safety and assurance mas okay na din and Cash on Delivery, ako din, cod lagi, mahirap mag input ng iba't ibang uri ng cards sa online, minsan ng nabiktima online ang kawork ko, minsan lang gumamit online credit card pero nahack pa agad, kaya kahit may btc ako hindi ko din gagamitin as payment online yon, siguro for fund transfer pwede pa.
394  Local / Pamilihan / Re: Mga exchanges nag uumpisa ng umalis sa cryptoworld on: October 15, 2019, 01:19:22 PM
Depende siguro kung gaano kalaking exchange ang mawawala. Pero sa kabuuan wala itong malakaing epekto dahil sa daming nagsusulputang panibagong exchange. Habang tumatagal ang mga exchange ay mas lalong pinag iigihan ang kanilang seguridad at serbisyo para mas lalong makilala at maging competitive. Parami ng parami ang taong naiinvolve sa crypto at trading kaya kailangan ng mga exchange na ma meet ang expectation ng mga ito para lalo pa silang lunmago.


Pero papaano naman halimbawa kung sakaling ang mga malalaking exchange ang mawala? kung titignan natin, kung mag iimbak tayo ng cryptocurrency sa mga exchange katulad ng binance, at kung ito ay mawawala, paano na ang mga trader dito? Kung ating iisipin, hindi tiyak kung saang exchange sila lilipat kaya't madidiversify ang assets na meron sila, kung gayun din, maka babawas ito ng motibasyon para sa mga trader na mag patuloy sa pag ttrade ng kanilang mga coin.

Marahil ay hindi naman mawaala basta basta ang mga malalaking exchange, kaya dapat lang po na huwag tayong magimbak ng ating mga tokens sa exchange, lalo na kung busy tayo at hindi natin alam nagaganap sa crypto world, mas magandan iimbak na lang natin to sa isang wallet para mamonitor pa natin, hindi safe ang exchange, huwag po tayong magimbak dun.
395  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mga dahilan ng mga deleted posts sa forum on: October 14, 2019, 03:56:53 PM
Sa tingin ko ay yung mga dinedelete nila ay yung mga spammy tignan. Yung mga nonsensible posts gaya nung mga pag agree lang, pagdisagree at mga katulad nito. Kaylangan siguro ay may sense yung posts at may kinalaman doon sa mismong post na pinagquote-an or replyan para hindi siya madelete. Tapos kung kaya ay two liner pataas (pero hindi lahat ng two liner ay garantisadong hindi madedelete).

Hindi pwedeng sa tingin mo lang dahil may basis ang pagdedelete ng post, if out of the topic kahit sobrang haba pa yan mabubura at mabubura yan once na makita ng moderator natin na talagang malayo sa topic kasi kahit maiksi yan basta on point sa topic di yan mabubura.
Agree ako dito.Di naman talaga need na sobrang haba nung post mo para lang magmukhang contructive or hindi spam.
Kasi pag binasa yan nang mabuti makikita talaga kong relevant or off-topic yung reply mo at jan na dedelete pag nakita
kung walang kwenta ang sinasabi mo or malayong malayo sa pinag-usapan.Kung di natin gusto ma deletan ng post eh
Iwasan ang mega threads at stick lang sa mga bagong thread at be sure na mag popost ka nang akma sa pinaguusapan para
walang problema.

Dapat po talaga direct to the point ang iyong sagot, hindi naman need ng paligoy ligoy, ayusin na lang ng maayos ang sinasabi natin para po hindi madelete ang post natin. Better to open new topic din na makakatulong sa mga baguhan, gawin natin tong forum na maging sharing ng knowledge, open forum and give and take.
396  Local / Pilipinas / Re: Baguhan - gusto matuto mag trade on: October 14, 2019, 03:35:08 PM
Siguro boss pag aralan mo munang mabuti kung paano mag trade bago ka sumabak. Marami po sa youtube kung ano ano mga dapat mong gawin sa pag trade.
Marami namang trading site na mapagkakatiwalaan eh. Kaya ang mabuti mo pong gawin boss ay pag aralang mabuti ang mundo ng trading.
Para sa baguhan mas magandang magtrade siya ng sarili niya para maexperience niya mismo kung paano ang pakiramdam ng isang trader. Mas maganda na maranasan kung paano mag-manage ng sarili niyang pera at kapag susubukan na pwede naman na hindi ganun kalakihang halaga para sa lesson na matututunan. Kapag sa local website doon nalang muna sa coins.pro ayos naman sila kaso kailangan pa rin sumali sa waitlist ng mga gusto na magregister sa kanila, ewan ko ba ang tagal na niyan bakit ganun pa rin ang type ng registration nila. Pero hanggang ngayon wala parin siyang reply.

Maganda naman po talaga ang self study, pero minsan mas nakakatulong po ang group study, lalo na may terms and may mga bagay talaga tayong hirap intindihin na kailangan natin ng opinyon ng ibang tao, pero syempre laking factor kapag sariling sikap at hindi lang aasa sa ibang tao, mas nakaka encourage lang kapag may naglilift din sayo na ibang tao.
397  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: October 14, 2019, 03:15:24 PM
Madali kasing matukso ang mga pilipino at kung ano ang mga sikat na mga kainan, gamit, gadgets, at pasyalan ay duon ginagastos at nakakalimutanna gumastos at mag invest.

At ang paniniwala ng ibang pilino sa bitcoin ay isang networking company o scam lamang kung kaya't hindi talaga sila magiinvedt at kulang din sila sa kaalaman kung ano ba ang potensyal na magkaro ng isang crypcurtency dahil sa pwede ito tumaas ang presyo.

Maling akala yan ng mga tao na walang gaanong kaalaman tungkol sa bitcoin, itoy isa lamang maling imormasyon lamang. Kung ikaw ang may kaalaman na kompleto sa bitcoin, hindi ka madaling maniniwala sa ganyang bagay. Maraming sitwasyon na ang lumabas na ang bitcoin pa ang masama, kahit ang mga tao na masasama ang hangarin ang tanging dahilan ng mga kalukuhan tungkol sa bitcoin ay ginagamit na paraan upang makapangluko ng tao.

Ang mahirap kasi sa mga tao ngayon takot ng mascam, dahil sa naparakarami ng kaso ng scam sa ngayon, which is hindi naman natin sila masisisi, pero nasa sa kanila naman yon kung want nila magtake risk tulad natin, hindi naman tayo basta basta naniwala nung umpisa, talagang sumugal din tayo at naglaan ng oras para aralin natin ang pasikot sikot dito.
398  Local / Pamilihan / Re: PSA: You can buy from Shopee using Bitcoin on: October 14, 2019, 02:29:25 PM
Nakakatuwang isipin na kahit pa unti-unti ay na tatanggap na natin ang mga pagbabago na nangyayari sa ating mundo at ang mga tao ay namumulat na rin sa kung ano ba talaga ang bitcoin at kung ano pa nga ang maaari nating magawa sa tulong ng bitcoin. Ang Lazada at Shopee ay parehas ng tumatanggap ng bayad na ginagamitan ng bitcoin at ito ay masayang pakinggan dahil may mga online store na ang tumatanggap ng bitcoin o cryptocurrency sa pagbili nila ng mga gamit na paninda nila.
sa ganitong paraan ay magkaka unawa na ang mga tao sa value ng cryptocurrency,hindi lamang para sa bitcoin kundi sa lahat ng legit currencies
maaring sa ngayon ay bitccoin palang ang tinatanggap pero pasasaan ba at ang mga major ranked crypto ay maicoconsider na din.
and lets expect na pati lazada at ibang Online platforms ay tatanggap na din ng crypto dahil kung maliliit na establishment nga ay tumatanggap na ng crypto sila pa kaya.katulan ng post ni harizen weeks ago sa bandang Mandaluyong na ung maliit na store ay may bitcoin option for payment

Isa eto sa magandang paraan para tayo ay maging makilala, isipin nyo po ilang milyon ang nagamit ng Shoppee it means talagang sisikat ng tuluyan ang crypto, kasi icoconsider na din to as option for mode of payment ng mga tao, kaya maganda talagang ang maging expose ang crypto sa online service tulad ng Shoppee at Lazada.
399  Local / Pamilihan / Re: May gumagamit na ba ng Abra at may Nakapag withdraw na ba dito on: October 12, 2019, 11:24:02 AM
May mga ka GC ako na gamit na nila sa ibang transactions nila at Abra Lalo na at mahal ang convertion fee ng coins.ph kaya until until na sila naglilipatan sa Abra.

At ngayon nagiging strict na din ang coins.ph Lalo sa KYC, need na ng videocall pa. Hindi pa ako familiar sa Abra pero kinoconsider ko na din siya.
400  Local / Others (Pilipinas) / Re: TOP 5 NA DAPAT IWASAN [Newbies must read it] [UPDATED] on: July 10, 2018, 07:24:47 PM
May mga kumakalat kasi na Jr. Members na "Vod" wanna be tapos nagrereport na farming merits daw pero hindi naman tinitignan yung posts kung patapon ba or not.
@OP - I just want to say na ang kulit ng term mo na Vod wannabe Grin. Actually, medyo nakakainis nga yung mga ganung member, yung puna ng puna pero bulag sa mga bagay na kapuna-puna sa kanya. Another, mas nakakainis lalo yung mga Vod wannabes na sobrang rude, yung mga taong 'di man lang marunong mamili ng righteous words. Yung tipong kapag binasa mo yung post nila eh tunog "walang respeto".

Ang ayoko lang din sa mga mga taong nagtatago sa new accounts para mangtroll ng ibang tao. Kaya tip ko lang sa inyo na wag kayong tatambay sa Reputation kasi once na makita ka nila hahalukayin nila yung account mo which is pwedeng makakita ng butas sa profile mo like multiple accounts etc,.

Wala naman kasing respeto yung ibang tao from other countries sa totoo lang, even higher ups babastusin ka kapag nakitang Full member ka lang, member ka lang or newbie ka lang. Yung iba kasing tao pagdating sa pakikipaginteract sa iba, sobrang racist. Pero iilan doon sobrang bait kasi may mga nakilala din ako from spain at marunong sila makisama sa pagbibigay ng idea about sa content na ginagawa nila.
Ako din hinahayaan ko na lang sila kung anong gusto nila gawin sa kanilang buhay, basta ako masaya akong natututo ako dito at kumikita kahit papaano yong ibang tao kung hindi man sila makuntento hinahayaan ko na lang kasi sino ba naman ako para mag judge lalo na sa ibang bansa, basura ang tingin nila sa atin hindi nila alam na maraming mga pinoy mas matyaga at determinado sa kanila kahit hindi tayo  kagalingan sa English.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 [20] 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!