Pati pala ang PassCode sa EgiveCash sinesend na rin nila as SMS right after ng pagsend ng 16 digit code. Parang maling feature ito at puwede magamit sa mali, at least sa aking view.
Bakit kaya iniba nila? Para sa mga walang net at para macheck ang email para sa PIN? Eh ganoon din naman need mo ng internet para maaccess ang coins.ph so maaccess mo pa rin email mo.
Any thoughts?
para sakin ayoko nyan kasi delikado, mas maganda at safe pa din kung magkahiwalay yung 16digit at yung passcode ng egivecash. last time ganyan din nakuha ko, pero wala ako 16digit code na narecieve, nung nag request ako ng bagong code pumasok sa cp ko yung 16digit at sa email naman yung passcode
nung gumamit ako nung nakaraan ng egivecash, sa text na pinapadala ung pin ng transaction pero at the same time meron din naman sa email. ang pinagusto ko lang dito sa update eh ung kapag nakuha na ung cash out thru atm may magpapadala ng confirmation text na "na withdraw na ung pera".