Curious lang. Ano po ba meaning ng ICO? palagi ko po kasi syang nakikita sa nga Signature campaign. Sana po mabigyan ako ng matinong sagot, hindi yung puro panglalait lang. salamat
Ang ICO ay tinatawag na “Initial Coin Offering” kung saan ito yung mga bagong coin na ilulunsad pa lamang sa market kumbaga sa Stock Market and kahalintulad nito ay IPO o Initial Public Offering. Bale ang ICO ay iniooffer bago pa man ilaunch ang coin sa mas mababang halaga. Kaya nakadepende rin sa mga investors ang success ng mga bagong coins.