Bitcoin Forum
June 17, 2024, 08:33:29 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1]
1  Alternate cryptocurrencies / Bounties (Altcoins) / Re: [BOUNTY/AIRDROP] BUZZEX Trade at Up To 100% Discount and Also Earn in Revenue on: October 13, 2018, 01:13:57 PM
Proof of authentication
Buzzex username: buzzexcoins
Bitcointalk Username: btc0903
Campaign: Buzzex Airdrop Campaign
Telegram Username:@cointiplycash
Twitter Username:@cointiplycash
URL of re-tweet: https://twitter.com/cointiplycash/status/1052060496793202688
2  Local / Pamilihan / Re: PLUGGLE PLUGGLE PLUGGLE on: October 15, 2017, 06:24:50 AM
mas mainam maireport nyo din yung lolo manny na may ari ng onenegosyo.com na nakapronta sa pluggle homepage na todo tanggol sa pluggle na hindi daw nya alam kung sinu may ari ng pluggle at di rin nya daw alam kung legit o scam ito pero naipalagay nya yung onenegosyo.com sa front page ng pluggle. Pati ung nilabas ng SEC daw na sinasabing hindi allowed ang pluggle na magbenta ng mga securities, pinagtatakpan pa talaga at sinasabing wala namang violation yung pluggle dahil walang binebentang securities.

imbes na ituro sa kabataan ang tamang pagnenegosyo, nagtuturo kung pano mang goyo ng kapwa ang matandang manny.

https://www.youtube.com/watch?v=DP1XP7FNgsw

https://www.youtube.com/watch?v=W4731JOorLo

https://www.youtube.com/watch?v=DA60EWmEz5Q
Scam artist talaga yang Manny Villoria haha. Nagooffer ng Digital Marketing Resource at ibinebenta samantalang matagal na nageexist yung mga resource na yun at pwedeng makuha ng Libre basta isesearch lang. Tinatawag nya sarili nyang Digital Marketing Resource Trainor WTF. Parehas sila ni Anthony Morrison ng Modus.

lol, balita ko din sya ung behind sa SWA na worth 2.5k e sa nasabi mo halos lahat naman na nasa internet at libre pa ung mga ibang ebook nonsense naman, kaya siguro nakapag condo tong lolo na to sa mga nagoyyo nya, ang tanda tanda na talaga die hard talaga na pinagtatangol ang pluggle dahil sya ung nakaadvertise sa frontpagedapat siya nga magbayad sa mga miyembro kasi sya ung advertiser, baliktad e mga myembro tuloy naglalabas ng pera na paniwalang paniwala naman sila na binabayaran sila ng advertiser un pala galing sa bulsa ng ibang myembro na magogoyo nila.
3  Local / Pamilihan / Re: PLUGGLE PLUGGLE PLUGGLE on: October 13, 2017, 03:36:17 PM
mas mainam maireport nyo din yung lolo manny na may ari ng onenegosyo.com na nakapronta sa pluggle homepage na todo tanggol sa pluggle na hindi daw nya alam kung sinu may ari ng pluggle at di rin nya daw alam kung legit o scam ito pero naipalagay nya yung onenegosyo.com sa front page ng pluggle. Pati ung nilabas ng SEC daw na sinasabing hindi allowed ang pluggle na magbenta ng mga securities, pinagtatakpan pa talaga at sinasabing wala namang violation yung pluggle dahil walang binebentang securities.

imbes na ituro sa kabataan ang tamang pagnenegosyo, nagtuturo kung pano mang goyo ng kapwa ang matandang manny.

https://www.youtube.com/watch?v=DP1XP7FNgsw

https://www.youtube.com/watch?v=W4731JOorLo

https://www.youtube.com/watch?v=DA60EWmEz5Q
4  Local / Pamilihan / Re: PLUGGLE PLUGGLE PLUGGLE on: October 07, 2017, 05:18:43 AM
may pa math math pang nalalaman, ang issue dito hindi mo mawiwithdraw yang sinasabi mong 300 pesos na kikitain mo kaka log in kapag hindi mo narating yang 2.5k na minimum withdrawal.

at bago mo marating yang 2.5k kailangan mong magrecruit, at syempre dapat mabentahan mo ng activation code yan. may pasiste systema pang nalalaman baka gusto mo sabihin sa mga hindi nakakarecruit e magkamada, style nyo bulok.

kumikita kayo sa pera ng iba tapos ipagmamalaki nyo pa, kakapal ng pagmumukha daig nyo pa mga pulubi sa kalsada, isan libo hinihingi nyo sa bawat mauto nyo na sumali na walang kapalit na produkto.

kahit sa bangketa nyo ibenta yang code pag nagsara walang bibili dahil wala itong kwenta.

pyramid scheme na nga nagbubulagbulagan pa, basta lang kumita na galing sa pinaghirapan ng iba. asan yang pinagmamayabang mo na math math jan. magbanat kayo ng buto hindi magdenggoy ng kapwa nyo kakahiya kayo.
5  Local / Pamilihan / Re: PLUGGLE PLUGGLE PLUGGLE on: September 14, 2017, 02:17:18 AM
Mga kababayan sa mga hindi pa nakaka alam at mag ma maang maangan.

PYRAMID
ang business model ay manghikayat ng bagong investor na magbabayad na walang pisikal na produkto at nababayaran ka sa bawat myembro na mag iinvest at kumita sa pairing at leveling bonus.

PONZI
ang business model ay mangagako ng malaking interest 300%-400% kada 30 days, 40 days at gagawin mo lang ay manghikayat din ng bagong myembro na mag iinvest at sila na bahala sa pera mo sa pag invest sa trading/advertisement/ o ibang uri ng pagnenegosyo na wala kang gagawin kundi antayin ang pera mo na lumago basta manghikayat ka lang ng manghikayat na walang kapalit na pisikal na produkto.

Sa mga dipa naka panood sa video sa page 2 ng thread na ito tignan nyo mabuti

Isang lolo Mani ang nagpropromote ng Pyramid Scheme.

RED ALERT!!!
1. Pinagtangol na underconstruction pa ang site. Anong buwan na at magpapasko na! Wala pa ding About Us, Terms of Use, Privacy Policy, Contact Details (kasi hindi daw ito kumpanya)na pag clinik mo ang link ng Terms at Privacy ay iikot lang sa homepage.

2. Ginawan pa ng bugtong na wala namang sense at kinalaman sa business model ng pluggle kahit pa tumambling ka sa upuan mo ngayon.

3. Kinumpara pa ito sa stock market at considered na paper loss daw yung 1300 kapag dimo pa mailabas kapag dika nakaimbita ng sasali at magbabayad din ng 1k na walang kapalit na pisikal na produkto.

"ang stock market pag nag invest ka ay may shares ka sa kumpanya at may dividendo pa pag hinawakan mo ng matagal. kapag man ang shares mo ay mababa ang presyo sa merkado ito ay paper loss hanggat hindi mo binebenta, kapag binenta mo man may babalik pading puhunan sa iyo."
-ang pluggle hindi mo yan mabebenta para may bumalik sayo na puhunan kundi mapipilitan kang magrecruit para mabawi ito-

4. Binabayaran ka daw ng advertisers kapag bumisita ka sa pluggle at nag log in, kagaya daw ito sa tv na nanghihikayat ng advertisers kapag marami nanuod sa isang channel at itong mga stations na ito sinisingil nila mga advertisers ng fee!

-Nalito ka ba dun? Eto ha siningil ka ba ng mga advertisers at tv stations kapag nanuod sa kanila? Hindi diba! E bakit sa pluggle bumisita ka at nag log in ikaw pa ang nagbayad at wala kapang nakuhang pisikal na produkto, akala ko ba binabayaran sila ng advertisers?

5. Kung di nyo pa nahuli, si lolo Mani ang may ari sa onenegosyo.com tignan nyo dito na link. na sya mismo naka advertise sa homepage ng pluggle, ang galing di ba?

Ngayon kapatid masaya ka ba na kumita ng limpak limpak na salapi na galing sa bulsa ng iba na pinaghirapan din nila, na alam mo sa sarili mo na hindi sila kikita kapag wala sila marecruit na iba.

Bossing SEC registered daw legit! Hindi porke SEC o DTI registered pa yan kung yung business model nito ay babagsak sa nabanggit sa taas na Pyramid at Ponzi ay umiwas na dito.

At kapag DTI man kahit sino madali kumuha nyan online basta may pambayad online, duda ka? subukan mo kabayan pumunta at magregister at magbayad ka online at meron ka ng DTI Certificate.

Imbes na maging huwaran si lolo at ituro sa kabataan ang tamang pamamaraan ng pagnenegosyo nakuha pa nyang magturo ng Pyramid Scheme at mga kabataan pa ang nagturo sa kanya kung ano ang Ponzi at Pyramid.

Ok na sana kung may kasamang sampung Rexona Deodorant spray na magamit man lang sa kilikili para mapakinabangan kaso wala, ung activation code ba mabebenta nyo kapag nagsara sila? kahit pa sa divisoria nyo yan ibenta wala kayo mapapala.

Kung ibinili nyo nalang ito ng 3 in 1 na icecream natuwa pa sana mga kapatid nyong bulingits. Grin Grin Grin











Pages: [1]
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!