Bitcoin Forum
July 11, 2024, 06:40:40 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1]
1  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin as a new way of earning or Bitcoin as a new way of Scam? on: October 29, 2017, 01:15:40 PM
Mga kabayan napanood nyu ba ang FAILON NGAYON ni TED FAILON? Ipinakita dito na ang bitcoin raw ay new way of earning money at faster way of transaction pero sinasabi rin na maari rin itong gamiting Scamming tool sa mga nag-iinvest! anong say nyu dito mga kabayan at ano ang mapapayo nyu sa mga gustong mag invest sa mga naturang mining at trading scheme dito! Smiley

Medyo accurate naman yon kase ang bitcoin ay isang form of currency, tulad ng dollar, peso, etc., and any promise of money (in the form of bitcoin na pwdeng i-convert sa peso o dollar) ay pwdeng maka-engganyo sa iba para sumali sa isang "investment program" na yun pala ay isang scam (regardless kung dollar, peso, or bitcoin ang perang pang-engganyo nila).

Sana lang mas dinagdagan pa ng Failon Ngayon ang pagkukwento tungkol sa bitcon. Yung mga importante kaseng aspeto ng bitcoin-- yung advantages nya over fiat currencies, benefits nya sa mga OFWs natin or work-at-home moms, yung revolutionary technology behind it-- yan pa ang hindi nila masyadong ni-discuss, so nakaka-dismaya ang presentation nila kagabi.
2  Local / Pilipinas / Re: GOOD JOB Failon Ngayon for Exposing Reality in Bitcoin and SCAM on: October 29, 2017, 12:53:33 PM
Yesterday night, nag palabas ang Failon Ngayon about online scam using Bitcoin and other Cryptocurrency. And IT WAS A GOOD AND EYE OPENER TO ALL OF US. Yan naman talaga ang nangyayari sa digital world, ang mga networker nag ttake advantage at nakiki ride sa hype ng bitcoin at ginagamit to scam other people. Refer ditto, refer diyan, sali kayo sakin within one day may 1 btc ka na etc etc etc. Kaso meron mga makikitid ang utak o pwedeng part sila ng mga referral boys ng mga website at nagagalit sa Failon Ngayon, ano kaya kinakagalit ng mga bugok na to? Siguro wala ng maloloko?

The program stated well the situation ng kamangmangan ng mga Pinoy sa digital. Makarinig lang ng word na "investment" at "bitcoin" easy money agad ang naiisip.

Failon Ngayon actually did a TERRIBLE JOB at presenting bitcoin to their audience. Siguro kung ang pamagat ng segment na yun was, "Mag-ingat Sa New Scams Gamit Ang Bitcoin," baka pwde pa, kaso hinde eh. They made it appear na ini-introduce nila ang bitcoin sa mga tao, at kaakibat pala ng bitcoin ay ang panganib na pwede kang maloko sa mga scams.

Napaka-imbalanced at unfair ng presentation nila, dahil hindi ipinaliwanag ng maayos kung ano ang bitcoin and the revolutionary technology behind it. Nag-focus lang sila sa dangers na pwedeng kalabasan pag gumamit ng bitcoin (which is largely true naman for any currency), pero wala silang binanggit tungkol sa benefits and advantages of bitcoin over every other fiat currency.
3  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin, nagagamit daw sa pangsscam sabi ni Ted Failon? Anu po opinyon nyo dun? on: October 29, 2017, 10:29:59 AM
Bitcoin, nagagamit daw sa pangsscam sabi ni Ted Failon? Anu po opinyon nyo dun? kakatapos ko lang kasi panuorin yung programa nya na "Failon Ngayon" akala ko good feedback about bitcoin yung sasabihin dun sa programa nya, yun pala sisiraan lang ang mundo ng bitcoin at paparatangan lang na "SCAM" daw.

malphiteroad, kung napanood mo ng maayos yung fin-eature ng Failon Ngayon about bitcoin, dalawa yung binanggit nila na ginamit daw ang bitcoin para sa scam:

(1) yung Monde-something na papalaguin daw ang investment mo from P7K to P500K in a number of months (parang ganun);

(2) at yung Pluggle na pwde ka daw kumita just by posting their ads on FB, pero kelangan mo pa ring maglabas ng P1K para makasali sa program nila (if I remember correctly).

Kung ia-analyze mo yang dalawang nabanggit nila, makikita mo na yung una ay isang dubious investment scheme, or isang HYIP (High-Yield Investment Program), at yung pangalawa naman ay parang isang Ponzi scheme.

Once you realize na yang mga ganyang raket ay matagal nang nage-exist bago pa magkaron ng bitcoin, then wala na dapat question kung nagagamit/magagamit ang bitcoin sa scamming, dahil ito ay isang form of currency, katulad din ng dollars, pesos, etc. na matagal nang ginagamit sa scamming.
Pages: [1]
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!