Since panget ang internet connection sa pilipinas, kailangan din ba ng mabilis na internet connection kapag balak mong may mining? Salamat
Hindi naman kailangan na sobrang bilis ng internet connection para sa Bitcoin mining or kahit ibang cryptocurrency mining. Ang kailangan mo lang naman ay stable and of course dapat walang limit yung data allocation ng internet mo kasi 24/7 mo papatakbuhin yung mining hardware mo, so mas maganda kumuha ka ng plan like fibr or dsl. Hindi rin makaka apekto sa pagpapabilis ng pag mine ang bilis ng internet connection mo, ang makaka apekto lang sa bilis ng mining is yung hash rate na kayang iproduce ng mining hardware mo, mas malaking hash rate na napoproduce mas profitable or mas malaki yung chance na makuha yung block reward.
Tama to. Khit nga minsan nagmmine pa rn ang miner kahit hndi ka mkpag browse ng internet. Kahit yung plan sa cellphone pwde mong gamitin..Basta wlang limit yung data allocation.