Sa aking palagay, normal lang ang nangyayari sa pagbaba at pagtaas ng presyo ng Bitcoin, parang katulad din ng forex, stocks, at commodities baba't taas din ang presyo. Marahil winawasto o correction lang ang nangyayari sa Bitcoin, kung ano ang dapat o normal na galaw nito sa merkado at di tulad nang nangyari noong nakaraang taon. Matatandaan na nakaraang taon, papasok ng 3d quarter hanggang Disyembre parang abnormal ang pagtaas sa presyo ng Bitcoin, kung kaya nagkaroon ng pag-aaral at imbestigasyon at napagalaman na mina-manipula pala ang pagtaas ng presyo nito.
magkakaroon pa kaya ng ganyan?