Bitcoin Forum
June 29, 2024, 03:20:35 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1] 2 »
1  Local / Pamilihan / Re: [BEWARE] Fake/Scam Giveaways sa mga Social Media on: August 26, 2019, 01:15:22 AM
--

Sa madaling salita kapag hindi reputable sites o plataporma, huwag na tayo magaksya ng oras kasi hindi ito magbubunga ng maganda. Yung referrals naman dati ay lehitimo sapagkat isa ako sa mga sumubok ng ganon dahil nakakakuha ako ng mahigit 10$. Ang mga referrals kasi ngayon, sobrang scam at maraming Filipino ang kumakagat kasi akala nila libreng pera pero ginagamit lang sila.

kaya mas maganda na lamang na tignan kung ang isang platporma ang lehitim at pinagkakatiwalaan ng marami bago tayo magpatuloy.

2  Local / Pilipinas / Re: [GUIDE] PAANO MAGMINA NG BITCOIN???? - Building Mining Rigs on: August 26, 2019, 12:57:17 AM
Ang thread na ito ay matagal na, sapagkat ayon sa nabasa ko hindi na ata pwede gamiting ang mga ganitong apparatus sa pagmimina.
kaya't nirerekumenda ko na palitan ang mga nakalagay sapagkat ito ay nakikita pa rin ng mga sandamakmak na tao at baka akalain nila na ang gpu pa rin ang ginagamit upang makapagmina ng bitcoin.

Ako ay nakapunta na sa isang mining station dahil may kakilala ako na may ganitong business, ang dami palang kailangang gawin bago ka magkaroon ng ganitong negosyo. hindi basta basta ang pagmimina dahil kuryente din ang kalaban mo at yung efficiency ng mga ginagamit mo kung tatagal ba ito kaya't napakahirap.
3  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] Paano Makatulong Sa Pagpigil ng Bitcoin/Crypto Investment Scams? on: August 26, 2019, 12:53:35 AM
Ganyan naman kasi mindset ng tao madami talagang nagliparan mga Scammer nong kasagsagan ni bitcoin noong 2017 at ngayun ganyun din pagbasak ng tiwala na mga investor sa ICO karamihan kasi mag-iinvest ka tapos tatakbuhin ng Dev yung pera mo or kilala sa tawag na exit scam gayun din wala na tiwala ang tao. Sa ngayun sana maging leksyon ito sa mga taong mag iinvest ng malakihan na pera mag-research muna bago mag invest at sana ma karma yung taong naglalaganap ng scam sa bitcoin mn o ibang pang paraan.

Sana nga ma karma na sila lahat nag mawala na ang scam eh kaso hindi basta basta mawawala ang scam hanggat hindi nagtantanda ang investors, minsa kasi kung masyado malaki ang tingin nila na kikitain nila susunggab agad at nawala na sa isip nila na mag research lalo na kung yung taong nag invite sayo eh mahusay mag sales talk, naku wala kang kawala, ika pa ng iba parang na budul budul na kung ano sabihin ai gagawin. Kung sana magiging sobrang maingat ang mga investors cguro mababawasan ang scam sa mundo.

Ang masasabi ko lang ay hindi epektibo ang ganoong pamamaraan upang kumita ka ng pera.
minsan kasi pera na ang nasa utak ng tao kaya't gusto nila kumuha ng kumuha ng pera kumbaga opportunity ito para sa kanila na magkaroon ng limpak limpak na pera. dapat kasi tayo ay mapanuri kung lehitimo nga ba ang mga ICO. Wala pa akong karanasan sa pagsali or paginvest sa mga ICO dahil ang alam ko lang ay bitcoin pero dahil dito napagalaman ko na puro scam ang nangyayari sa ICO.
4  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] Different Bitcoin Payment Gateways ⚡ *NEW* on: August 26, 2019, 12:47:31 AM
madami talagang iba't ibang klase ng gateways sa technology. Ang alam ko lang na gateway ay yung sa cliqq kasi isa ako sa mga naging technical assistant niyan kaya alam ko kung bakit naging gateway at paano nangyayari yung transaction diyan.

ang gateway naman kasi talaga ay para sa mga transaction na magkaiba ang currency kaya naimbento ang bitcoin payment gateways. kung iisipin mo na wala ang gateways, mahihirapan tayo sa mga transaction katulad nga nong sa steam na kailangan mo pang iconvert yung btc para lang makabili ka ng laro kaya sobrang efficient gamitin ng mga ganitong bagay.
5  Other / Beginners & Help / Re: i just thought something about campaign on: August 25, 2019, 06:34:19 PM
.
He is a very knowledgeable and experienced newbie  Huh
How does a newbie can know who are reputable managers in the forum, after joining it less than two weeks?  Huh
One day after joining, made discussion about merit source  Huh
We've had discussions in our local before about the forum and the merit system. I believe he spent time reading on those topics that's why he's aware. If you read his previous comments, he said he was also a moderator in another forum not related to crypto that's why it doesn't surprise me if he knows some basics.

judging me through my posts. a fact about me, i can read half of a book less than 3 days. if other people can read then what about me, people here are being judgmental. i spend a lot of time to understand what is the features you got in this forum and that is the merit system, trust and others. there are fellow people who gave me insights on what should i know here before i register my account so don't judge me if im capable of giving statements like that. maybe im just better than some of high ranks so people get insecured and attack me because im a new. im not like the other who join because of $_$
its not new in a forum to have gifted or experience people. are you from different dimension?

im not blind so i'm very confident on what i saw on that campaign. we shouldn't tolerate shit posting here, check it by yourself if you don't believe me.
Check what? You haven't posted anything concrete. All you have done is you have accused two very reputable campaign managers of not doing their job properly because they allow "shit posters" in their campaigns. Can you show a few posts of the "shit posters"? You don't even have to mention names if it makes you uncomfortable, make a screenshot and omit the names.

They're already gone on that campaign last week. What if I didn't posted anything concrete or amazing posts? i'm still learning since I'm new here in this forum.

is this a discrimination because im just a newbie so you cant trust my statements? i already told you that check all of the reputable campaigns and the participant's posts so we can have the same thoughts. In all of the replies on this thread you are the only negative, im not posting here just to waste time im here to know something and i already proven it because they have been remove on the campaign.
There is no discrimination here. Whether you are a newbie or a higher rank member, you will be grilled if you make some intriguing statements and you don't back it up with solid proofs.

i said to him to check the participants but he didnt do it. then im the wrong one now.
6  Other / Beginners & Help / Re: Sendable merit give away contest (Full Member and below ranks) on: August 25, 2019, 02:18:15 PM
Can I try?

I'm still analyzing the current situation of this forum since I'm new to here and I've experienced because I'm a past moderator of an educational site.
i also noticed that you have high standards on choosing where to merits but still im trying and hoping to have considerations to every newbie since it's a merit giveaway.

Re:campaigns
i just thought something about campaign
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5145095.msg52160544#msg52160544

7  Other / Beginners & Help / Re: i just thought something about campaign on: August 25, 2019, 02:14:53 PM
im not blind so i'm very confident on what i saw on that campaign. we shouldn't tolerate shit posting here, check it by yourself if you don't believe me.
Check what? You haven't posted anything concrete. All you have done is you have accused two very reputable campaign managers of not doing their job properly because they allow "shit posters" in their campaigns. Can you show a few posts of the "shit posters"? You don't even have to mention names if it makes you uncomfortable, make a screenshot and omit the names.

They're already gone on that campaign last week. What if I didn't posted anything concrete or amazing posts? i'm still learning since I'm new here in this forum.

is this a discrimination because im just a newbie so you cant trust my statements? i already told you that check all of the reputable campaigns and the participant's posts so we can have the same thoughts. In all of the replies on this thread you are the only negative, im not posting here just to waste time im here to know something and i already proven it because they have been remove on the campaign.
8  Other / Beginners & Help / Re: i just thought something about campaign on: August 16, 2019, 04:30:57 PM
I've noticed that earning here was one of the major goal of other people that registered in here. I don't know any issue about earning here so I can say that it's very beneficial.
so, is earning also your reason joining this forum?
or you just accidentally found this forum when looking information about bitcoin?

based on my posts and how concern i am on this issue, what do you think?
obviously i don't have specific idea how they earn here so definitely i didn't joined because of bitcoin.

I check a campaign and the participants, i noticed that some aren't good at posting and still earning btc. I concluded that ranks doesn't define your ideas because when it comes to campaign it is just define the amount of your payment and still lacks ideas on posting. any thoughts?
it's a harsh way of judging other people abilities and campaign as a whole
some of us are coming from non-native English speaking countries, and not even ESL (English as Second Language)
so we have some difficulties with grammar and articulation of words in expressing our thoughts

im not blind so i'm very confident on what i saw on that campaign. we shouldn't tolerate shit posting here, check it by yourself if you don't believe me.
grammar can be considerable and i know that, im a past mod and i'm considering those statements especially when it comes to ideas but the things that i've saw was completely shit post, obviously shit post.

Every campaign have different campaign managers and different goals for the company that they represent. The main goal of these campaigns are to provide exposure for the company to a wide audience. People posting constructive content will get a lot more views and that is what these companies wants.

The campaign managers will look for posters that can provide unique content and also something that would stimulate traffic to their threads and their posts. So, if you provide quality content, you would be rewarded with a good campaign and some decent income for your time and effort that you put in to provide that content.  Wink
i already know. read again the op.
i'm referring those who don't meet the standards needed for being a quality poster but still earning money.
9  Other / Beginners & Help / Re: i just thought something about campaign on: August 14, 2019, 04:28:53 PM
13 posts and 7 merits. Your posts are too high quality (it seems because I don't know your local language, I guess based on what you wrote in English and length of your posts in local board). Length of post does not guarentee post quality, but it seems you made quality posts, too higher than other newbies.
I don't think you are new here.   Cheesy

they always assumed that i'm not new on this forum. the truth is, i'm new in this kind forum but i already engaged in other kind of forum like educational/academe so i knew a lot of basics.

Some things managers likely consider when screening applicants to choose participants:
- Post history to check post quality
- Trust Flag history
- Language: mixture between English and local; or purely English
- Average posts per day/ week
- Inactive or active posting in recent weeks

since merits are hard to acquired, so assuming that managers are also looking for people that contains merits.

i assumed that participants are being chose by their way of posting (correct me if there are mistakes).
There's no general answer to that, because each campaign manager has his own standards.  Basically if the manager cares one whit about this forum's quality, he won't choose people who consistently make garbage posts.  Unfortunately there are managers who don't care, and they have to fill up the campaign with participants--the result is that you get very low-quality posters making a huge amount of nonsensical crap posts. 

The bitcoin-paying campaigns are generally run by good managers like Yahoo62278 and DarkStar_ (though they aren't the only good ones), while altcoin/token-paying bounties tend to be run by managers with low standards.  At least that's my observation.

The campaign that i checked was managed by a person that you mentioned and noticed that some participants are not good at posting. Then if they knew that their participants are filled by not good participants, why do they still keep them as a participant of a campaign.

10  Other / Beginners & Help / i just thought something about campaign on: August 14, 2019, 04:01:49 PM
I'm new here and just check some advantages on being here in bitcointalk.org. I've noticed that earning here was one of the major goal of other people that registered in here. I don't know any issue about earning here so I can say that it's very beneficial. Another thing that I noticed is the participants of the campaign(where people earn money), how do the organizer or manager of a campaign chose the participants? so i assumed that participants are being chose by their way of posting (correct me if there are mistakes). I check a campaign and the participants, i noticed that some aren't good at posting and still earning btc. I concluded that ranks doesn't define your ideas because when it comes to campaign it is just define the amount of your payment and still lacks ideas on posting. any thoughts?

11  Local / Others (Pilipinas) / Re: [GUIDE] Ang Tamang Paggawa ng Isang Quality Thread for PH Local Board. on: August 14, 2019, 03:31:54 PM
Ito ay maganda, may mga ganito din dati sa aking forum na ako ang moderator kaya masasabi kong epektibo ang paglalagay ng kategorya sa title ng iyong thread. Ito ay nagpapakita na organisado ang iyong topic at isa nagpapakita na deserving mabasa ang iyong thread.

Pero nararapat lamang na maging optional ang paglalagy ng kategorya basta ang gusto nating mangyari ay maging organisado ang ating lokal. Nakita ko rin na marami na palang naglalagay ng kategorya sa kanilang title kaya maganda tignan. Lalo na para sa mga baguhan dito sa forum, malalaman nila agad at hindi malilito kung ano ano ang mga dapat nilang mabasa.

12  Local / Pilipinas / Re: Pinoy takot paren sa crypto-investing? on: August 14, 2019, 03:25:08 PM
Ang mga bagong bagay sa paningin natin ay mahirap subukan dahil tayo ay nasa pagiisip ng pagiging ignorante. Kung ang isang tayo ay mulat sa teknolohiya, hindi yan matatakot sumubok sapagkat alam niya ang mga posibilidad na mangyari pagdating sa ganong bagay. Kung ang isang tao naman ay walang alam sa makabagong teknolohiya, mahihirapan siyang tanggapin ang kasalukuyan na ang mundo natin ay nagaadopt na ng mga makabagong bagay.

Ang blockchain ay isa sa mga makabagong teknolohiya, kung ang isang tao ay hindi alam ang blockchain siya ay matatakot mag-invest sa bitcoin dahil wala siyang ideya kung ano nga ba ito.

Paano ka hindi matatakot sa crypto investment?

Kailangan mo ng courage para sumubok ng mga bagay bagay at dapat handa kang tumanggap ng pagkatalo. Dahil kapag hindi ka marunong tumanggap ng worst na sitwasyon, mapapasama lang lalo ang tingin mo sa bitcoin. Kung ikaw ay handa na, pisikal man o mentalidad, ikaw ang mag-grow sa larangan ng teknolohiya. Ikaw ay magkakaroon ng tiwala't kaya ito ay susuportahan mo rin sa paglago. Dapat open ka sa mga ideya at wag humusga basta basta ng hindi nalalaman ang pinagmulan. Ang mga pinoy kasi ay mabilis magbitaw ng mga salita kaya't nananatiling ignorante ang iba. Mas mabuti ng kilatisin ang mga bagay dito sa mundo bago husgahan sapagkat hindi natin alam na baka ito na ang makakapagpabago ng ating buhay.

Kung alam mo sa sarili mo na okay ang crypto investing, anyayahan mo at bigyan mo ng sapat na kaalaman ang mga taong nakapaligid sayo upang mas lumago ang komunidad natin at sama sama tayo sa pag-unlad.

13  Local / Pamilihan / Re: LENDING SECTION HERE (Funds Available - [btc]0.0475) Wanted Borrowers! on: August 03, 2019, 07:01:54 PM
Anong klaseng collateral ang inyong tinatanggap? Kung sakaling magkaroon man ako ng problema financial, dito ako lalapit. Alam ko naman na mahirap pagkatiwalaan ang isang tulad ko dahil baguhan pa lamang kaya't gusto kong dumaan rin sa maayos na proseso ng transaksyon. Napansin ko na walang rules ang lending thread natin kaya't marami pa rin ang nagbabakasakaling matanggap ang kanilang offer. Binasa ko rin lahat lahat ng nakapaloob dito at may mga nagtatangkang magrequest ng loan gamit ang mga hindi naman kilalang digital currency. May mga mababa ang ranggo na tinatanggap ang loan request pero ang iba naman ay hindi. Kaya't mas magandang may rules na nakalagay para mas malinaw upang hindi na muling magkaroon ng spam request dito.
14  Local / Others (Pilipinas) / Re: [DISCUSSION] Candidate for the next Merit Source. on: August 03, 2019, 06:24:23 PM
Karamihan din ay mga topic na hindi naman related sa crypto pero ay maraming pumapabor na bigyan ng merit source, therefore I conclude bilang isang baguhan ay hindi maayos ang komunidad natin.
.
Salamat sa iyong pahayag kaibigan. Pero para sa akin ay hindi pwede gawing rason ang kawalan ng child board upang makapag-post ng mga offtopic na pahayag. Ako ay may isang mali rin at yon ang aking naunang post kaya't aking ni-lock ang topic upang hindi na muli pagkaguluhan pa at baka may mabuong issue. Yun ang aking nabasa sa mga rules dito sa ating local at yun ay ginawa ng ating moderator upang sundin.
Aktibo naman sa tingin ko ang mga moderator sa lokal natin. Kung may nakita kang off-topic, pwede mong i-report at sila na ang bahala dun. May mga non-bitcoin topics din akong nakikita pero hinahayaan lang nila siguro dahil iniipon lang para maging basehan kung ano ang kailangan idagdag na childboard.

Sa tingin ko ay hindi sila magkakaroon ng childboard para sa mga off topic sapagkat kung ngayon ay may problema na sa mga shitposting, mas magkakaroon lang ng shitposting doon. Hindi ko pa alam ang sistema kung paano kumikita ang mga miyembro dito pero sa tingin ko ay magiging daan lang nila yon upang mapadali kumita sapagkat may chance na makonsidera yung mga post off topic upang kumita. Mas mabuti na bitcoin related topics lang ang pwede sa atin sapagkat yun naman din ang punto ng ating pagsubaybay sa forum na ito.
15  Local / Others (Pilipinas) / Re: [TUTORIAL] Paano gumawa ng SIGNATURE using BBCodes [original content] on: August 03, 2019, 03:12:51 PM
BBcodes ay isa sa mga skills ko during those days na moderator ako.
Isa ako sa mga producer ng mga designs para sa advertisement din pero hindi siya gawa sa BBcodes, Ang bbcodes dito ay ginagamit sa kakaibang pamamaraan. Pamilyar na rin kasi ako sa HTML kaya't ang masasabi ko lamang ay madali lang ito intindihin, from <> to [] real quick.

Masubukan ko ngang gumawa sa susunod ng design gamit ang bbcode upang mapakita at mapatunayan ang aking kakayahan rin dito.
16  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mga dahilan ng mga deleted posts sa forum on: August 03, 2019, 02:56:13 PM
Sabi nga nila na iba ang kultura dito sa ating komunidad sapagkat ayaw nila dito ang mga simpleng pahayag na walang sense o ang tinatawag nilang shitposting. Ang ganitong sitwasyon ay hindi pa nangyayari sa akin sapagkat ako ay baguhan lamang pero mabuti na't aware ako sa mga ganito kaya maiiwasan ko ang matanggalan ng post dito kaya't pinaglalaanan ko talaga ng oras at pinagiisipan ang bawat pahayag na bibitawan ko.

Kung ikaw ay walang alam sa nabanggit na topic, marapat na wag na lamang magkumento dahil magdudulot lamang ito ng shitpost dahil walang saysay o bilang ang iyong masasabi.

Ang pagpapahayag ay dapat makumbinsi mo ang mambabansa sa mga sinasabi mo, ang tawag don ay informational expression na kung saan kahit sabihin mong opinyon yan, may pinagbasehan ka sa mga pinagsasabi mo. Kung ang mga sinasabi mo ay wala namang pinagbasehan at mga haka haka lamang, masasabing kong forum ito kung lahat ng mga nakalaan dito ay opinyon na makakatulong sa bawat isa.

Kung nais mo ay mga kaalaman, marapat na basahin mo muna lahat bago ka magkumento ng mga walang saysay na salita na hindi naman makakaambag sa buong diskusyon ng forum.
17  Local / Others (Pilipinas) / Re: [TUTORIAL] Send Bitcoin to Multiple Addresses in One Transaction Only - Filipino on: August 03, 2019, 02:49:02 PM
Ako ay may electrum at ang feature na ito ay matagal ko ng nalaman dahil naturuan ako sa paggamit.
Ang segwit ay isa sa mga magandang feature na hatid sa ating mga user sapagkat ang limitadong paghatid ng digital na pera katulad ng bitcoin ay napapawalang bisa sa paggamit ng plataporma na ito.

Una kong natuklasan ang ganitong sistema noong naghatid ako ng pera sa mga kakilala kong tumulong sa akin sa pag-invest at binalik ko ang pera na aking hiniram sa paggamit ng ganitong pamamaraan. Mas tipid.
18  Local / Others (Pilipinas) / Re: [DISCUSSION] Candidate for the next Merit Source. on: August 03, 2019, 02:43:01 PM
Hindi ko lang din lubos maisip ang hangarin ng iba kung bakit sila hindi sumasangayon sa pagdaragdag ng merit source, dahil ba ito sa personal na bagay?
Hindi naman siguro sa personal na bagay kundi sa kanya-kanyang opinyon. Isa sa main argument kaya hindi pa daw kailangan is kulang sa activity or quality posts/comments.
Sana nga lang ganon. Kung kulang ang mga activity sa ating komunidad, marapat ay alamin muna natin ang dahilan kung bakit. Hindi dapat ang mga  mas bago katulad ko ang siyang mag-aadjust kundi ang mga may abilidad sa ganitong aksyon katulad ng mga may matataas na ranggo at may espesyal na position. Ang iyong argumento ay maituturing kong isa sa mga magandang pahayag sapagkat napunan mo ang mga pagkukulang ko na dapat kong malaman. Marapat na sa bawat ganitong pagpapahayag ay marapat na bigyan, hindi pa ba sapat ang ganitong klaseng pagmumungkahi upang mabigyan?

Kung para sa iba ay hindi, marapat na magkaroon rin tayo ng taong na may malawak na pagintindi at pagunawa sa bawat post na nagagawa at umiikot dito sa ating komunidad.

Since bago ako dito, matanong ko lang kung ang 1 merit ay sapat na para isang pahayag na may punto at mas higit sa lahat ang sinabi?....
Sa totoo lang, wala naman talagang standard sa kung anong topic ang nararapat bigyan ng merit. May kanya-kanya batayan ang bawat isa kung ano sa tingin niya ang nararapat mabigyan at kung ilan ang ibibigay.

Ayon sa sistema, lahat ay may kakayahang magbigay ng kahit anong bilang ng merit pero diba mas nanaisin ng iba kung ang matatanggap mong merits ay nakabase sa iyong ginawa. Yan ang pagkakaintindi ko sa kabilang panig. Kung hindi man lang mabigyan ng katarungan ang mga pahayag/thread na pinagtuunan ng pansin ay marapat na magkaroon ng dagdag source upang mapunan ang iba pang pagkukunan. Isa sa mga layunin ay ang makapagbigay ng patas at naaayon sa pagsisikap ng bawat miyembro dito sa ating board, masyado nating pinagtuunan ng pansin na magbigay lang ng magbigay dahil naniniwala ako sa quality over quantity para masabing epektibo ang nasabing posisyon.

Karamihan din ay mga topic na hindi naman related sa crypto pero ay maraming pumapabor na bigyan ng merit source, therefore I conclude bilang isang baguhan ay hindi maayos ang komunidad natin.
Maliban sa bitcoin at altcoin thread, wala pa kasing childboard para sa mga non-crypto post. Hindi pa daw kailangan ayon sa ating local moderator. Pero kung isama mo mga naunang post, mas marami pa din ang mga crypto-related.

Salamat sa iyong pahayag kaibigan. Pero para sa akin ay hindi pwede gawing rason ang kawalan ng child board upang makapag-post ng mga offtopic na pahayag. Ako ay may isang mali rin at yon ang aking naunang post kaya't aking ni-lock ang topic upang hindi na muli pagkaguluhan pa at baka may mabuong issue. Yun ang aking nabasa sa mga rules dito sa ating local at yun ay ginawa ng ating moderator upang sundin.
19  Local / Others (Pilipinas) / Re: [STATS] Local Board Pilipinas - Statistics Center (Updated 8/2/2019) on: August 03, 2019, 12:47:29 PM
Hindi na ako nagtaka na yung dalawang nag-merit sa akin ay nasa listahan dito.
Another reason para pag-igihan ko pa at makatulong sa panibagong komunidad na aking pinasok.

Since ang merit source ay may kakayahan sa pagbibigay ng maraming merits, included pa rin ba siya sa list o for formality nalang po ba ito?
20  Local / Others (Pilipinas) / Re: [DISCUSSION] Candidate for the next Merit Source. on: August 03, 2019, 12:40:12 PM
Habang binabasa ko ang buong content, masasabi ko lang na kailangan natin ng merit source.

Katulad nga ng sinabi ng karamihan ay isa ito sa mga opportunity na dapat natin ginagrab habang nandyan pa at libre. Hindi ko lang din lubos maisip ang hangarin ng iba kung bakit sila hindi sumasangayon sa pagdaragdag ng merit source, dahil ba ito sa personal na bagay?

Sa forum ko dati, meron din kaming pointing system sa mga bawat opinyon o pahayag at mas marami ang nakukuhang points ang isang pahayag na may punto at malinis ang konteksto. Ang mga pahayag naman na may baon na facts at nasa punto ay nararapat rin bigyan ng puntos sapagkat pinagaralan niya talaga ang kanyang pahayag. Sa pagkakaalam ko ay ganon naman ang forum, ang magbigay ng matinding pahayag na may malakas na punto.

Since bago ako dito, matanong ko lang kung ang 1 merit ay sapat na para isang pahayag na may punto at mas higit sa lahat ang sinabi? Nacurious nalang din ako sa ibang board kung ganon rin ba ang bigayan sa kanila. Kung ang paguusapan lang ay ang pagbibigay ng merits, tunay na mas mataas ang mga binibigay ng merit source sa ibang board. Katulad nga ng nabanggit ko sa first post ko kung meron bang unfairness na nagaganap dito ay masasabi ko na rin na oo sapagkat sabi ng iba na ang ibang topic ay isa lamang translated. Bilang isang may karanasanan, ang content ay mahirap talaga gawin lalo na yung may tunay na konteksto at nakakatulong talaga. Ayoko maka-offend pero ako mismo na nakapansin na hindi nga patas ang nangyayari dito at sana'y kahit baguhan lang ako, makatanggap rin ako ng mga merits sapagkat ang ganitong klaseng pagpapahayag ay matuturing na nating isang ambag sa diskusyon.

Nung una akala ko active na ang philippines local board kasi maraming post ngunit para sa iba ay hindi na pala ito active dahil paulit ulit nalang ang post. Sangayon din ako na kung gusto ng pagbabago ay mararapat na sila rin ang magsimula dahil sila ang nakakataas.

Karamihan din ay mga topic na hindi naman related sa crypto pero ay maraming pumapabor na bigyan ng merit source, therefore I conclude bilang isang baguhan ay hindi maayos ang komunidad natin.
Pages: [1] 2 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!