Bitcoin Forum
October 02, 2022, 10:50:28 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 23.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1]
1  Local / Pilipinas / BABALA: HACKERS TARGET ANDROID PHONES FOR MINING THROUGH APPS on: August 23, 2018, 04:27:41 AM
BABALA: HACKERS TARGET ANDROID PHONES FOR MINING THROUGH APPS

Base sa isang article ng Rappler, may nauuso nang trend ngayon ang mga hackers pagdating sa cryptocurrency mining, at ito ay gamit ang APPS galing sa playstore.

Ang tawag nila dito ngayon ay "CRYPTOJACKING"

Dahil sa cryptojacking, babagal ang phone at mabilis maubos ang battery ng mga biktima nang hindi nila nalalaman ang dahilan. Ang mas malala pa, maaari itong magdulot ng tuluyang pagkasira ng inyong mga smartphone. Base sa isang security researcher at expert na si David Emm, isang taon pa lamang nauuuso ang trend na ito.

BAKIT ANDROID?

Sabi ng mga experts, mas tinatarget ng mga hackers ang mga phones na umaandar gamit ang Google's Android OS dahil mas vulnerable ito kesa sa mga Apple products.

Ito raw ay dahil mas may control ang Apple sa kung anong mga apps ang pwedeng ma-install sa kanilang mga devices dahil may sarili silang app store, habang sa Android naman ay mas madaling maglagay ng apps sa Google playstore.

Paano nga ba nila ginagawa ito?

Ayon kay Emm, gumagawa ang mga hacker ng mga mukhang kaaya-aya na apps at mga laro para itago ang masamang balak; kumbaga ay ito ang Trojan Horse ng cyberworld, ika nga niya.

Once na ma-download ito ng user, automatic na magi-install ng malware ang app sa device ng user, mapa-smartphone o computer man. Itong malware na ito ang gagamit ng CPU ng device ng user para sa pagma-mine ng cryptocurrency.

ANONG MAAARING GAWIN LABAN DITO?

1. I-update lagi ang iyong android phone sa latest na OS na available, 'wag nang patagalin pa.
2. Mag-install ng mga trusted na antivirus softwares, tulad ng: Avast, Norton, Kaspersky. (Kung may nais kayong idagdag, mas maganda)
3. Wag magdownload ng apps galing sa mga unofficial sources. In short, magresearch muna tungkol sa developer ng app na gusto mong i-install.
4. Maghanap ng mga misspellings, typos, at wrong grammar sa mga apps na balak niyong i-download. Dito niyo malalaman ang credibility ng isang app.
5. Magbasa ng reviews, at lalo pang dapat niyo hanapin ay ang mga negative reviews. Kapag may review na  nagpapabagal ito ng phone at nanguubos ng battery, magtaka na kayo at baka app for cryptojacking ito.

Hanggang ngayon ay hirap tukuyin ng mga expert kung anong mga app ang nagki-crytptojack, pero isa sa mga apps na ito ang Bug Smasher, na sa kasamaang palad ay nadownload na ng mahigit 5 milyong tao.

Kaya mag-ingat tayo mga kapatid, baka tayo ang sunod na mabiktima nito. Ayun lamang, maraming salamat sa pagbabasa!!!

PARA SA KARAGDAGANG KAALAMAN, BASAHIN ANG MGA ITO:

https://www.rappler.com/technology/news/210156-cryptojacking-hackers-target-android-smartphones?utm_term=Autofeed&utm_campaign=Echobox&utm_medium=Social&utm_source=Twitter#Echobox=1534955003
https://www.techrepublic.com/article/cryptojacking-apps-invade-google-play-store-with-one-even-hitting-more-than-100k-downloads/
2  Local / Altcoins (Pilipinas) / PARA SA NEWBIES: PAANO MAGPARAMI NG FOLLOWERS SA TWITTER on: July 28, 2018, 06:35:56 PM
Magandang araw sa lahat! Alam kong maraming baguhan dito ang gustong sumali sa mga social media campaigns para sa income. At malamang naman ay alam niyo na, pero nakadepende lagi sa followers mo sa TWITTER at friends mo sa FACEBOOK kung gaano karaming stakes ang maibabahagi sayo.

In short, dito nakadepende ang kikitain mo.  Wink Wink


Alam nating hindi ganoon kadali magkaroon ng followers at friends, lalo na kung baguhan ka na walang kilala o kapit sa mundo ng cryptocurrency. Ang ibabahagi ko ngayon ay mga natutunan ko rin sa aking mga kapwa cryptocurrency-enthusiasts na siyang ginawa ko rin. Ilang araw lamang ay aabot na ng THOUSANDS ang inyong followers at friends.

Ang maibabahagi ko sa ngayon ay mga TIPS KUNG PAANO MAGPARAMI NG FOLLOWERS SA TWITTER:

1. Syempre, may alternate account akong ginawa para sa pagpasok ko sa mundo ng bitcoin. Kapag gumawa ka ng account, siguraduhin mong halatang isa ka ring bitcoin enthusiast. Paano? Maaari mong gawing related sa bitcoin ang iyong username, halimbawa: Bitcoinlover123, Cryptomaniac24/7. Pwede rin namang ang pangalan mo ay sinasabi mong magffollowback ka para sure na maraming magfollow sayo. Halimbawa: I FOLLOWBACK 101%.

2. Napakahalaga ng bio, dahil ito agad ang makikita ng mga tao bukod sa picture at username mo. Ang bio mo dapat pinapakitang isa kang user na sure na magfo-followback AT may mga hashtags tungkol sa cryptocurrency. Halimbawa:
 
FOLLOW ME I FOLLOW BACK 100% 😃🧡#crypto #BTC #bitcoin #cryptocurrency $BTC $ETH $LTC #Crypto

#взаимныйфолловинг #bitcoin #cryptocurrency #follow2follow #followback #bounty #btc #eth #crypto #взаимнофолловлю #Follow100 #FOLLOWFAST #ICO


Pwede mong i-copy paste ang mga ito para mapadali sayo, pero mas maganda kung dadagdagan mo o iibahin mo kahit onti.  Grin

3. Ang profile picture at cover picture mo ay gawin mong related sa bitcoin. Halimbawa: picture ng bitcoin o anumang cryptocurrency. (Tingnan ang mga account sa baba).

4. Bago pa ako pumasok sa mundo ng bitcoin, mayroon na akong mga kakilalang matagal na sa industriyang to. Ngayon, ganito magkaroon ng followers: Pumunta sa account ng isang bitcoin/crypto enthusiast > pumunta sa kanyang FOLLOWERS o FOLLOWING > I-follow lahat ng makikitang accounts doon, lalo na yung mga halata mong nagbi-bitcoin din (yung ang mga bio ay katulad ng sinabi ko sa taas).

Para makapagsimula ka, maaari mong isearch yung mga hashtag na nakalagay doon sa examples ng bio sa taas. Pili ka ng account at gawim ang step 4.

(I-follow niyo na rin itong mga ito kung gusto niyo, sure na ifo-followback kayo niyan)

5. Maging masipag. Oo, nakakatamad pumindot ng pumindot ng follow, pero sinisigurado ko sa inyo, sulit naman ito kung talagang desidido kayo magparami ng followers at pasukin ang mundong ito. WAG RIN KAYO TAMARIN MAGFOLLOWBACK. Hindi porket may nagfollow na sa inyo ay okay na. Lahat tayong nandito ay hindi naman magkakakumpetisyon. Magtulungan tayo!  Cool Cool

Ayun lamang, sana makatulong ang mga tips na binahagi ko sa inyo!  Grin
3  Other / Off-topic / TO LAWYERS/LAW STUDENTS: Should I pursue a law career? on: July 26, 2018, 06:46:53 PM
Hello! I'm currently a graduating journalism student. Until now, I still have not decided whether I shall continue my studies and pursue law school. I first decided that I wanted to be a lawyer when I was in high school because I look up to lawyers so much-- even though I'm not sure if I have the guts to be one.

I know law is one of the noblest professions, and that it is extremely difficult to pursue. Now, my dilemma is whether I should try my luck and go to law school or stick to journalism. Is it really as hard as they say?

Are there any lawyers/law students in this forum? If there are, can you guys please share your thoughts whether it is worth it or not to pursue a law career. Thank you very much and more power to the servants/masters of the law!  Grin
Pages: [1]
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!