napansin ko na dumarami na nga ang mga gaming o gambling sites dito sa bansa. may nakita pa nga ako na ipinalabas sa tv bilang isang commercial. naririnig ko rin mula sa mga kapitbahay ang walang sawang paglalaro sa mga online sites na ito. napakalaking balita rito ang tungkol sa pogo kaya't understandable na gugustuhin na ng mga politiko, partikular na si gatchalian na maghigpit sa mga gaming websites ngayon.
ayon sa pnp report, marami raw sa mga filipino ang naging scammers dahil natuto sa pogo bago pa ito mapahinto. naisip ko tuloy kung ang paghihigpit ba na ito ay magdudulot na mawala na ng tuluyan ang mga gaming websites? baka kasi sa sobrang higpit ay kahit ang mga legit sites ay mahirapan rin. ano sa tingin nyo? pabor ka ba kung sakali na maghigpit sa mga pilipinong gumagamit ng gaming sites online?