Bitcoin Forum
January 28, 2020, 10:40:04 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 0.19.0.1 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1]
1  Local / Pilipinas / Newbie on: October 02, 2018, 07:33:51 PM
Since marami sa atin ang bumaba ang ranggo ako man ay naging newbie rin.
Naasar rin ako dahil naging newbie ang ranggo ko. pero hindi pala dapat tayo magreklamo kundi kailangan natin pang pag butihin at tumulong sa ikabubuti ng forum at pati na rin sa atin maging fair na sana ang lahat.

napansin ko sa forum na ito marami gumagamit ng dalawa o higit pa na account oo masasabi natin itong diskarte. pero marami rin namang isa lang ang ginagamit na account at sapat lang nakukuha o kulang sa pag papartisipa dahil sa multi account na mga kasabayan sa isang proyekto.
dahil rin rito dumadami na din ang mga bagong post na hindi na angkop sa crypto o walang laman na meroong isa o dalawang linya lamang na post pero may merit. kung iimbestigahan mo ito ng mabuti mapapansin mo na parang iisang tao lang ang may hawak ng nag post at ang nag merit.

pero hindi ko naman ito kinukwestyon na dahil lamang maikli ang post ay may merit na marami rin namang makabulohan kaya may merit ang isang post kahit maikli. yon yung mga post na makakapag bigay satin ng isa pang kaalaman o naroroon rin ang kanilang saloobin kaya nag bibigyan sila ng merit.

dahil rito sa pag papatupad ng ganitong patakaran sa forum medyo nagulo o lumaganap na rin ang bentahan ng merit sa mga account para mag rank up.
ang opinyon ko lamang sa nakakataas mas maigi munang maisara pansamantala ang rehistro ng forum. marami rin kasing mga scam na ICO ang nakakapasok na gumagawa ng bagong account dito sa forum para mapromote nila ang kanilang proyekto. maigi ring igihan pa ang seguridad ng mga account para maiwasan ang pang hahack dahil sa mababang seguridad ng account ay dahilan rin ito upang gumawa pa ng isa pang account para may pamalit kung sakaling ma hack ang main account nila. at bagohin ang pag hingi ng impormasyon sa pag rerehistro masyadong madali lamang ang pag rehistro sa forum kaya lumalaganap ang dami ng account. kung malilinis man ang forum mas marami ang sisipagin mag partisipa ngayon sa forum na ito.
Pages: [1]
Sponsored by , a Bitcoin-accepting VPN.
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!