Bitcoin Forum
May 02, 2024, 08:16:54 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1]
1  Local / Others (Pilipinas) / "New Newbie restriction" ano masasabi nyo? on: September 17, 2018, 07:07:31 AM
Nag-update ng bagong patakaran ang admin ng BCT na si theymos kung saan ang mga Jr. Member na walang Merit ay babalik sa pagiging Newbie at magkakaroon ng bagong sistema patungkol dito, makikita dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=5030366.0 ang topic patungkol sa bagong sistema.

Ano sa tingin nyo ang magiging apekto nito para sa ating forum  Huh? mawawala naba ang mga multi at bounty hunters na nagkakalat lang ng mga off topic upang magpromote ng kanilang sig. campaign.

Para sakin malaki ang maitutulong nito para sa atin upang mabawasan ang mga hindi karapat dapat biyayaan ng pabuya dahil sa pandaraya.
2  Local / Altcoins (Pilipinas) / Mas pinababang withdrawal fee from exchange to coins.ph [XRP] on: August 11, 2018, 10:00:06 AM
Guys dati nag share ako ng tip kung paano makakatipid sa mababang halaga ng withdrawal fee from exchange to coins.ph gamit ang Bitcoin Cash eto ang topic https://bitcointalk.org/index.php?topic=4709443.msg42517157#msg42517157

Ngayon ibabahagi ko naman sa inyo ang mas pinababang withdrawal fee na papatak lamang ng 3-8php lamang.

Gamit ang XRP sa coins.ph, oo meron nang XRP sa coins.ph kaya kung wala kapa update na!


Siguraduhin lamang na sundin ang alituntunin ng coins.ph sa pag received ng XRP



Sa exchange naman gamit ang binance eto ang gagawin makikita sa image.


Naway makatulong sa inyo. Maraming salamat sa update coins.ph team.
3  Local / Altcoins (Pilipinas) / (Guide)Para makaiwas sa airdrop na scam at masafe ang mga importanteng account on: August 07, 2018, 02:10:46 PM
Alam ko marami sa ating mga kababayan ay mahihilig sa airdrop dahil napakasimple lamang ng gagawin dito gaya ng pagjoin at follow ng kanilang mga social media account o kaya naman pagfillup ng mga forms o signup kaya naman ang iba ay talagang naiinganyo dito.

Pero ngayon napansin ko sa mga airdrop ay karamihan nalang ay scam o kaya naman hinihingian pa ng KYC (know your customer) na hindi alam nang iba ay kinukuha lamang ang kanilang pag kakakilanlan o sa madaling salita ay identity theft

Kung kaya naman ibabahagi ko sa inyo kung paano makakaiwas dito.

1. Iwasan ang mga form na nanghihingi ng Private key
May mga nag aairdrop na hindi alam kung parasaan ang private key at basta basta na lamang nagfifillup ng form kaya ang kanilang pinaghirapan ay napupunta sa wala o nasscam. Maaring gumamit ng google kung hindi alam kung parasaan ang isang bagay upang maiwasan ang mga gantong insedente.

2. Phishing site
Marami ang nadadali dito lalo na sa mga walang alam pagdating sa website. Upang maiwasan i bookmark  ang orihinal na website at ayun na lamang ang gamitin at malalaman mo kung lehitimo ang site kung may secured sa gilid ng link o kaya naman padlock kapag naka mobile at suriin mabuti ang website link dahil pwede nilang madaya iyon sa pagpalit ng letra gaya nito https://myétherwállet.com secured nga ang site pero yung link iba kaya maging masuri sa bawat letra.

3. Selfdrop
Maraming modus na ganyan ngayon na magsend ka ng specific amount tapos makakatanggap ka na ng malaking bilang ng token nila kaya marami ang nagbabasakali dito pero iilan lang dito ang totoo at pwede kang kumita kaya ingat sa ganyang modus mauubos lang ang gas nyo.

4. Aidrop na humihingi ng KYC
May mga airdrop na ngayon na hinihingian ng KYC ang mga kalahok dito upang matanggap ang pabuya ngunit nakakabahala ito dahil maari nilang gamitin ang pagkakakilanlan mo sa masamang gawain kaya kung may ganto kayong nasalihan iwasan na lamang pero kung alam mo namang legit pwede kang magpatuloy pero masmaganda padin ang mag ingat dahil ang ating pagkakakilanlan ay napakahalaga lalo na sa mundo ng crypto.


Guide kung paano masafe sa mga nasabing pandaraya o scam

1. Lagyan ng 2FA ang mga importanteng account na related sa crypto.
Example ang email account dahil yan ang ginagamit natin sa pag signup or pagverify ng mga ginagamit nating account.

2. Ugaliing magbackup ng private key or 2FA backup key
Mag backup sa ibat ibang paraan gaya ng pagsulat sa papel, pag lagay sa notepad at isave sa ibat ibang external gaya ng flashdrive or memory card.

3. Gumamit ng google or magtanong sa may alam
Ugaliing mag research bago pumasok sa isang Airdrop upang malaman mo kung legit ba ito or hindi kung may kilala ka maaring magtanong upang masmaintindihan ang sasalihan.

4. Maging active dito sa forum
Ugaliing magbasa basa dito sa forum para makakalap ng mga information o mga detalye na makakatulong sayo upang masmaintindihan ang cryptocurrency at makahanap ng magagandang airdrop.

5. Huwag basta bastang maniwala sa sabi sabi
Huwag maniniwala sa mga post na makakareceive ka ng malaking halaga ng coins or token o kaya naman mga emails na may links ng airdrop ng top 20 coins example EOS dahil maaring phishing iyon or click bait.

Tips
May mga airdrop na may task pero sulit ang pinaghirapan madalas sa discord channel iyon at telegram Example running airdrop sa discord ay PRiVCY.

Karagdagan mga account na kailangan sa airdrop o maari ding gamitin sa bounty program:
Facebook
Telegram
Twitter
Discord
Bitcointalk
Reddit
Instagram
Youtube
Linkedin
4  Local / Others (Pilipinas) / Tutorial kung paano mag post ng image dito sa forum on: July 25, 2018, 12:58:43 PM
Dagdag information para sa mga baguhan sa forum 👍

Para makapagpost ka ng images dito dapat may rank ka na Jr. Member pataas pero merong way kung pano ka makapagpost ng images kahit newbie ka palang kailangan mo magbayad ng fee upang maging Copper Member ka at makukuha mo na ang ibang benefits ng pagiging member sa forum like posting images.

eto ang link kung saan ka magbabayad https://bitcointalk.org/index.php?action=credit;promote

Tutorial kung pano magpost ng image

Iclick lamang ang Image button sa taas. Makikita sa babang image kung paano.


pwede ding gamitin ang code na
Code:
[img] [/img]
ilagay sa loob ng code ang image link example
Code:
[img] https://i.imgur.com/iachVW4.jpg[/img]

Gumamit ng https://imgur.com/ upang iupload ang inyong mga image. Dapat ang direct link ng image ang kukunin nyo ganto ang example https://i.imgur.com/iachVW4.jpg kung hindi direct link ng image ay maaring maging ganto ang image na ipopost nyo.


maari din kayong gumamit ng iba pang image upload site kung gugustuhin nyo pero para sakin mas tried and tested na ang imgur dito sa forum.

Para subukan kung working ba ang image na ipopost mo gawin lamang ay gamitin ang preview button bago ipost para makita kung working ang image link or hindi.

Dagdag kaalaman credit kay (jacee)
Pwede mo din idagdag OP ang mga iba pang libreng image hosting site na pwedeng gamitin upang iupload ang inyong imahe.

Ilang alternatibo sa imgur:
tinypic
ImgBb
Postimages
ctrlq

siguraduhin lamang na ang link ng imahe na gagamiyin ay yubg direct link o yung may .png o .jpg sa huli.

Dagdag kaalaman:
Maari mo din baguhin ang height and width ng ipopost nong imahe.
5  Local / Pamilihan / Tip mababang withdrawal fee from exchange to coins.ph on: July 20, 2018, 04:41:29 AM
Magandang umaga sa inyong lahat isa kabang trader o nagbabalak mag trade? nanghihinayang kaba magwithdraw dahil mataas ang fee? eto ang isang solusyon na aking nadiskubre dahil sa napakataas ng fee para sakin ng mga exchange na halos (150-400 php) ang bawas ay naghanap ako ng paraan upang bumaba ito.

Kung ang coins.ph mo ay supported na ng Bitcoin Cash(BCH or minsan sa ibang exchange BCC) good to you kung hindi pa update ka muna para makasabay ka.

pag ok na account mo at meron ng BITCOIN CASH jan mo isesend yung manggagaling sa exchange.

example: kapag meron kang bitcoin ibili mo muna ng bitcoin cash then isend mo sa coins.ph bitcoin cash wallet address mo at kung ethereum naman ganun lang din. (para sa baguhan)

then ayun na ang inaasam nating mababang fee around (20-50 php) lang ang fee ayos diba sana makatulong sa inyo.

maraming salamat sa coins.ph team sa update nila dahil convertable na si BCH to PHP sana pagpatuloy nyo ang inyong magandang serbisyo.

Updated proof and screenshot using binance exchange


Ipapakita ko at ieexplain ko dito kung bakit nasabi kong mababa ang withdrawal fee gamit ang BCH or BCC using binance exchange.

Kung mag wiwithdraw ka sa binance using BTC ang minimum withdrawal ay 0.002BTC at may fee na 0.0005BTC



kung magwiwithdraw ka ng minimum sa btc


Eto naman kung ETH ang wiwithdrawhin mo minimum ay 0.02ETH at may fee na 0.01ETH



eto naman kapag nagwithdraw ka ng minimum sa ETH


Sa BCC naman


kapag nagwithdraw ka ng minimum sa BCC


eto naman convertion ng bawat fee sa PHP

BTC


ETH


BCC


kitang kita naman sa image kung gano kalaki matitipid kung gagamit ka ng BCH sa pag withdraw.

ang bawat convertion ay nakabase sa bitcoin price ngayong araw july 22, 2018


naway nakatulong ang tip ko sa inyo maraming salamat sa sumuporta.
Pages: [1]
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!