Nais ko lamang pong tumulong sa ating mga kababayan na nahihirapan sa pagkalap ng Merit dito sa porum na to. Bagamat ako'y isa ding baguhan, subalit ako'y nagkaroon ng konting karanasan para makakalap ng mga Merit. Ibabahagi ko po sa inyo ang mga karanasan at mga bagong tuklas sa pangangalap ng Merit.
Una, gumawa ng isang topic na makabuluhan at may katuturan tungkol sa mga pamamalakad dito sa porum o sa mga Altcoins or sa mismong bitcoin. Mahalaga ang may maibahagi kang kaalaman sa porum na to at maipapangako ko na mayroong magbibigay sayo ng gantimpala mula sa mga sumusubaybay dito sa porum na to.
Pangalawa, tuklasin mo ang pasikot-sikot ng porum na to, ang bawat topic ay dapat mo ring bigyang pansin sapagkat, kung may mga katanungan ang ating mga kasamahan sa porum na ito at ito'y nabigyan mo ng kasagutan, maipapangako kong ulit na mabibigyan ka ng gantimpala mula sa mga sumusubaybay sa porum na to
Pangatlo, maraming serbisyo ang pwede mong ipamahagi o ipamigay, katulad ng, libreng pag reaudit ng mga kasalukuyang sumusunod sayo sa sa iyong twitter, at maraming pang serbisyo ang maaring mong itugon dito sa porum at uulitin ko, may nagbabantay sa lahat ng ating mga ginagawa at ginagantimpalaan ito ng nararapat.
Naway ako'y nakatulong ng konti sa inyo mga aking kababayaan. Ito po ay dadagdagan ko pa pag may natuklasan pa akong ibang paraan para makakalap ng Merit sa porum na to. Maraming Salamat. Mabuhay tayong lahat mga Pilipino.
Isang pasasalamat lang sa inyo ay masaya na ako o pwede rin sa pamamagitan ng pagbahagi niyo ng iilang merit na meron kayo. Salamat ulit.