Bitcoin Forum
May 11, 2024, 10:18:35 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1]
1  Local / Pilipinas / Market Cap Double Bottom on: March 15, 2018, 07:17:49 AM
Kung katulad kita na baguhan sa crypto, wag ka magbebenta ng palugi. Always buy low and sell high. Kung kinakabahan ka ngayon dahil pababa ulit ang BTC, huwag ka magbebenta. Zoom out from 1 month chart to 3 month chart, makikita mo na noong Feb 6, 297B ang market cap. Ang market cap ngayon ay 313B. Malapit na niya maabutan yung Feb 6 na bottom. Ngayon kung i zoom out mo ulit to 6 months, makikita mo na noong Nov 30, 2017 nasa 294B ang marketcap. Palagi natin iniisip at pinapangarap na sana mas maaga tayo pumasok sa crypto, na sana nakapasok tayo noong nakaraang taon. Pero bakit ka kinakabahan ngayon? Eto na ang chance natin na maki level sa mga pumasok last year ng November. Sa ngayon, nagload na ko sa Coins.ph ko para anytime pwede ko na siya i convert. Malapit na mag double bottom ang market, mga 1-3 na araw nalang para makabili sa bottom.

Market Cap
March 15, 2018 - 313B
February 6, 2018 - 297B
November 30, 2017 - 294B

Ang motto ko sa crypto: dalawa lang ang inaasahan ko dito, mawala at ma zero ang nilagay ko o yumaman ako.. walang gitna.


Kaunting kaalaman sa double bottom: http://stockcharts.com/school/doku.php?id=chart_school:chart_analysis:chart_patterns:double_bottom_reversal
2  Local / Altcoin Announcements (Pilipinas) / ✅[ANN][ICO][PH] Eventum - Pinakaunang Protocol Para sa mga Desentrelisadong API on: March 07, 2018, 04:17:35 PM


MAIN ANN

Kami ay nagagalak na ipahayag ang paglulunsad ng unang desentrelisadong platform para sa pinakabagong impormasyon, na ang tawag ay Eventum, ito ay gagambala sa multi-bilyong dolyar na merkado ng real-time na datos at API. Kahit sino sa mundo ay maaaring mabayaran sa paguulat ng kanilang nakikita at nararanasan habang ang mga developers ay makakakuha ng datos sa pinakamura, beripikado at pinaka siguradong paraan.

Dinagdagan ng Eventum ang walang limitasyong antas ng beripikasyon sa kahit anong pagmumulan ng impormasyon sa pamamagitan ng prinsipyo ng karunungan ng nakararami at nagpapahintulot sa kahit anong pinakabagong impormasyos para makuhanan at maging isang real-time na API. Eventum ay kayang makatuklas ng pekeng balita, gumawa ng laging namamahala at sumasala sa nararapat na impormasyon (hal. paghahanap ng racist na mga tweet bago pa ito mai-post), kakayanan sa online na pagtaya sa mga pampalakasan at fantasy leagues, magbigay ng real-time na katugunan sa AI systems, kunin ang datos galing sa eSport na paligsahan at madami pang iba. Layunin namin na mag-alok ng kinakailangang layer para sa ligtas, maaasahan at murang paglabas ng datos na hindi umaasa isa isang pinagmumulan ng katotohanan

WEBSITE | ALPHA | WHITEPAPER | LIGHTPAPER | BOUNTY | TELEGRAM


Desentrelisado
Ethereum +   Swarm + desentrelisadong network ng Eventum


Mabilis at Tiyak
Ang lahat ng data ay laging naka-encrypt at gamit ang teknolohiya ng blockchain para mapatunayan ang mga transaksyon

Beripikado
Gumagamit ng pagkakasundo-sundo ng karamihan sa halip na umasa sa solong pagmumulan ng datos

Walang bayad
Libreng ekonomiya ng merkado na walang bayad at tubo sa mismong datos

Ang bersyon na Alpha ay nalunsad na
Totoong bersyon na Alpha na nalunsad na sa testnet na mayroong smart contracts: https://alpha.eventum.network/

Just-in-time na masternodes
Ang nodes na nagpapatunay ay umaaktong just-in-time na masternodes na nag aalok ng passive na kita

Token model
EVT token ay isa sa pangunahing bahagi ng sistema - ginagamit sa pagbabayad ng pagpapatunay ng trabaho at sa pamamaraan ng staking, sistema ng reputasyon, pagtatalo at pamamahala


TEKNOLOHIYA

Ang desentrelisadong patunay at ang nodes na nag uulat ng datos, gayon din ang blockchain bilang isang sistema ng hukuman - ang nagpapahintulot sa Eventum para maging real-time, mag proseso ng daan-daang libong transaksiyon kada segundo pero malinaw, tiyak, at desentrelisado pa rin.

Ang platform ay nagtataglay ng 3 layer: ang core layer, ang services layer at ang application layer. Ang desentrelisasyon ng network of nodes, na nagbibigay ng real-time na bilis, at blockchain, na nagbibigay ng seguridad at solusyon sa pagbabayad ay parehong mahigpit na isinama sa lahat ng 3 layer.




BERSYON NA ALPHA (MVP)

Totoong bersyong Alpha (hindi lang Javascript web app) ng platform na mayroong nodes na nagpapatunay, smart contracts at isang demo web app na inilunsad na at ang mga unang gumagamit ay nagsimula nang nilulutas ang mga problema na may halagang bilyong dolyar. Mayroong hindi bababa sa isang live demo event bawat linggo, makikita nyo ang listahan ng mga kaganapan DITO.

Subukan ang Alpha at kumita ng libreng EVT tokens: https://alpha.eventum.network/

Hanapin ang kumpletong gabay sa Eventum Alpha dito https://medium.com/@EventumNetwork/eventum-alpha-the-complete-guide-44fa253261f3


MGA PARTNERSHIPS

Mayroon nang mga bagong partnerships na binubuo araw araw, kabilang ang isang pilot program na makakatulong na makilala ang kanser sa isang hanay ng mga imaheng medikal sa pamamagitan ng pagkakasundo-sundo ng mga radiologist sa buong mundo at isang pilot program na tutukoy sa klase ng celestial na bagay para naman sa mga baguhang astronomers sa buong mundo.


ROADMAP

2018 Q1
Alpha validation nodes ay nilabas na sa publiko
Inilunsad ang interface ng paguulat sa web

2018 Q2
Buong bersyon ng pampublikong beta sa test network
Unang bahagi ng binoto ng komunidad ang ilulunsad sa test network

2018 Q3
Ilulunsad ang beta mobile clients
Ikalawang bahagi ng binoto ng komunidad ang ilulunsad sa test network

2018 Q4
Opisyal na pampublikong paglunsad sa main network
Ilalabas ang mga mobile clients at SDK


DISTRIBUSYON NG TOKEN

Kabuuang suplay ng token
500,000,000 EVT

Pinakamababang target (soft cap)
1,159 ETH

Kabuuang trget (hard cap)
18,539 ETH

1 EVT = 0.00007416 ETH

Team’s vesting: 3 years



BOUNTY PROGRAM

1.4% ng mga tokens ay naka reserba sa mga pabuya sa Alpha at 0.6% naman para sa mga classic bounties

Mangyaring tingnan ang opisyal na bounty thread: BOUNTY THREAD

Panuntunan at alokasyon ng puntos: LINK



SOCIAL

TELEGRAM | TWITTER | FACEBOOK | REDDIT | MEDIUM


Gusto naming makakuha ng anumang katugunan at magsimula ng nakakaaliw na pag-uusap tungkol sa aming proyekto!

Maari ka din makipag-ugnayan sa amin sa: team@eventum.network


3  Local / Altcoins (Pilipinas) / ICO Discussion, Tips, Experiences on: March 06, 2018, 11:23:56 AM
Napansin kong wala pang thread dito tungkol sa paguusap tungkol sa mga ICO. Maganda din na meron tayong discussion tungkol sa mga paparating na ICO. Kung maaari lang, wag sana mag post para lang magka puntos sa bounty o dahil ikaw ay naka bili ng coin na to. Maaari sanang sumagot kung bakit mo nagustuhan ang isang ICO. Para din to sa mga baguhan na gustong bumili sa ICO.

Q: Ano ba ang ICO
A: Ang ICO ay Initial Coin Offering kung saan mabibili mo ang isang coin/token bago pa siya malagay sa market/exchange.

Q: Ano ang ang lamang ng ICO kumpara sa bibilhin mo sa Exchange
A: Mabibili mo ng mura ang coin sa ICO kumpara sa Exchange

Q: Ano naman ang panganib sa pagbili sa ICO
A: Hindi mo sigurado kung ang coin ay tataas o bababa. Meron din mga ICO na scam.


Siguro umpisahan natin ng pag kwento ng karanasan natin sa crypto at lalo na sa pagbili sa ICO.

Nitong Enero lang ako pumasok sa crypto, syempre nahikayat ako dahil sa potensyal ng kita o pera. Nagsimula ako sa trading at madalas akong mag day trade na naging dahilan para maubos ang oras ko sa kaka trade. Eto din ang dahilan kaya ako nalugi sa mga binili kong crypto. Dahil dun nag saliksik ako ng mga paraan para magkaroon ng kita sa crypto sa ibang paraan. Naadik ako nun sa airdrop at bounty sa umpisa. Hanggang sa nalaman ko ang tungkol sa mga ICO.

Mga una kong ICO ay palpak dahil sa kakulangan ng pagsasaliksik at pagmamadali. Hanggang sa natuto akong magbasa basa (madami dito sa bitcointalk) at mag saliksik na din ng mga magagandang ICO.

ICO Newbie investments: Envion, Swissborg, Loyalcoin, Coinpoker, Storiqa
After researching ICOs: Monetize Coin, Bee Token, Credits, Dorado, Dock, Birdchain

Kung mapapansin nyo medyo napabuti na din. Hindi naman ako nagsisisi sa mga nauna kong binili dahil importante din ang mga yon para dumami pa ang aking karanasan. Ngayon madami pa din akong tinitingnan pero naging mapili na ako sa bibilhin ko. Madami ang ICO pero konti lang ang pera ko.

Kayo? Ano ang kwentong ICO nyo?
Pages: [1]
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!