Show Posts
|
Pages: [1]
|
Hello. Naghahanap po ako ng article or content writer.
Requirements:- At least with experience in writing at may alam with regards to cryptocurrencies, ICOs, IPO, remittances, different payment system, working charities, Hyperledger fabric, startup, Fintech, IoT, Blockchain technology, smart contract, etc.
- Excellent English writing skills
- Willing to directly submit their articles to crypto-related sites
- Can write a press release with a 100% guaranteed approval rate
- Can write an article of at least 500 words, with images (walang copyright or attribution na kailangan pagginamit) and backlinks or outbound links included
Questions
1. Bakit hindi ko ito ipinost sa service section nitong forum at nang makahanap ako ng mga article writers na qualified sa hinahanap ko?
Sa totoo lang po mayroon na akong mga kausap at kakilala ng mga article writers pero halos lahat sila ay preoccupied ngayon. Pati naisip ko po na mas maganda siguro kung kapwa ko Pilipino ang kakausapin para at least makatulong din ako sa mga naghahanap dito sa atin ng extra income, especially sa mga writers natin.
2. Magkano ba ang ibabayad ko?
Ang max na kaya ko lang pong ibigay is US$5 per article. Since 7 ang kailangan ko, I'll be paying US$35 or 1812 pesos sa current rate natin. Ang bayad ko po ay sa BTC. Kakausap po ako ng escrow para sa payment para hindi kayo alangan na gumawa at may assurance din kayo na mababayaran kayo sa effort niyo.
3. Isang beses ko lang ba ito kakailanganin or isang beses lang ba ako magpapagawa?
Depende po. Pero siguro ang pinakamasasabi ko lang po ay kung matutuloy yung gusto ko simulan na crypto news site ay baka magtuloy-tuloy po ako sa paghire. Pero as of now, depende pa din talaga.
Kung interesado po kayo, let me know thru PM o kaya po post kayo dito. I need to see and read your previous works first. Paki sama po siya sa post niyo or sa PM niyo sa akin. Thanks!
|
|
|
I'm selling my 4800 IWTokens which I won from the contest started by Integrative Wallet Project. If you guys are interested to buy it, just send me a message. I'm willing to escrow just in case you are interested. I prefer BTC transfer but ETH will also do.
|
|
|
Tanong ko lang sana kung mayroon po sa inyo dito na mayroong MANA? Nito kasing nakaraang araw nakatanggap ako ng MANA pero di ko alam kung saan galing. Nang tinignan ko kasi yung wallet ko sa sa Ethplorer mayroon na nun. Bale yung natanggap ko po ay nasa 10,000 MANA at nang tinignan ko yung value niya ngayon ay nasa $0.14 na pala siya, so halos nasa $1400 siya kung susumahin. Ang di ko lang alam, kung tradable na ba siya o hindi pa. Kasi tinanong ko yung sa HitBTC pero ang sabi nila hindi pa siya tradable dahil IOU daw po siya, kaya hindi ko siya made-deposit sa kanila. Sa EtherDelta hindi pa din siya nakaenlist at kahit sa Mercatox. Ngayon, may sumali po ba dati sa inyo sa bounty nila o nagkaroon ba sila ng bounty campaign dati dito? Salamat po sa mga sasagot!
|
|
|
 Since marami po sa atin dito ang interesado sa ICO at kalimitan sa atin dito ay nasali sa mga bounty campaigns ay napag-isip-isip ko po na gumawa ng thread na magpro-promote sa mga ICO na gusto nating suportahan. Simple lang po ang layunin nito, i-promote iyong ICO project para maging successful. Kapag successful po kasi ang kinalabasan ng crowdsale ng isang ICO project ay magbe-benefit din po maging iyong mga kasali sa bounty program nila. The more na successful ang isang ICO project, the more din na mas mataas ang magiging price o value ng coin nila once na maipasok na ito sa exchange. Ang isang halimbawa nalang po ng naging matagumpay na ICO ay iyong Gnosis (GNO), na kumita ng $12.5M USD worth of ETH of GNO. Ngayon kung titignan mo po ang GNO ay halos nasa $194.44 na po siya o katumbas na ng 0.08611490 BTC ang value nito kumpara sa dating $51.64 o 0.03629710 BTC noong May 1. Same goes with other ICO projects, tulad ng Golem (GNT), Wings, Stratis (STRAT), Zcash (ZEC), etc. Lahat sila naging matagumpay sa kanilang crowdsale at pawang mataas narin ang kanilang value sa exchange sites.
Kaya kung atin narin pong susumahin, malaking bagay ang success ng isang ICO sa kalalabasan ng presyo ng kanilang coins sa merkado. Mas malaki rin ang tsansa na magtagal sila, at syempre, ang magbe-benipisyo po diyan ay hindi lang iyong mga nag-invest kundi maging narin po ay iyong mga nakatanggap ng stakes o tokens nila sa bounty program. Diyan na po papasok ang kahalagahan ng promotion. Ang promotion po ang makakatulong sa ICO para maging successful ito. Sa promotion po kasi nag-a-attract tayo ng potential investors sa ICO. Mas marami ang mag-i-invest sa ICO project na sinusuportahan natin, mas mataas ang tsansa na maabot nila iyong kanilang target for distribution and development at maging successful.
So, paano ba ang gagawin dito?
Bale ganito po. Sa thread na ito, magkakaroon po tayo exchange sa social media account natin, pwedeng sa Twitter o kaya Facebook. Sa exchange na ito ang involve po ay likes, tweets o kaya retweets ng ICO project na sinusuportahan natin. Halimbawa, kung may sinusuportahan po ako na Ethereum ICO, ipo-post ko po dito iyong link ng tweet ko at kayo na pong bahala kung ire-retweet ninyo o kaya ila-like. Heto po ang form ng application na dapat nating sundin kapag magre-request po tayo ng like at retweet:
Request
ICO Name:
ICO Date:
ICO Platform:
Retweet/s and like/s Tandaan lang po na kapag magre-request po kayo ng like/retweet sa ICO project na sinusuportahan ninyo ay dapat doon narin po sa post ninyo ito gawin o sa mismong application ninyo. 'Wag na pong gumawa ng panibagong post sa panibagong request. Sa ganitong paraan po maiiwasan ang spam o iyong nagbabalak na mag-gain lang ng post count para sa kanilang signature campaign.
Isa pa nga po pala, hindi kailangan dito na i-follow ang isa't isa. Pero nasasainyo na po kung gusto ninyong i-follow iyong member na nagpost o nag-request dito.
|
|
|
Gaano po ba ka-reliable yung tool na TwitterAudit? Nito po kasing nag-try akong mag-audit ng account ko ay ang lumabas ay 95% ang score ko pero ang 'real' followers ko lang daw po ay 60, kahit na nasa 917 ang followers ko kapag tinignan po ang aking Twitter account. Hindi po ako nagamit ng bot o bumili ng Twitter followers pero ang pinagtataka ko po ay bakit ganun lang ang pinapakita kahit nakailangang re-audit na po ako?
Ngayon ng mag-research po ako, may mga nabasa po ako na hindi daw po accurate o sabihin natin, hindi daw po talaga nakakapagbigay ng aktwal na bilang ng 'real' at 'fake' followers ang TwitterAudit. Katulad nalang sa research na ginawa po, halimbawa, ng Rantic. Sa research na ginawa po nila, humanap po sila ng random account sa Twitter na may 0 followers. Ngayon bumili sila ng 200-300 'fake' followers para i-follow yung random account na yun. Nang tsinek na nila sa TwitterAudit ang lumabas po na score ay 100% at ang nakakapagtaka pa, 0 po ang lumabas na 'fake' followers. Tignan nyo po ang result sa ibaba: Parehas din po ang naging result ng sinubukan muli nila ito sa iba namang account na may 0 followers din. Dito lumabas na 100% ang audit score nito at 0 naman ang 'fake'. Samakatuwid, ipinapakita po sa itaas na hindi po talaga tunay na nao-audit ang bilang ng 'real', 'fake' at 'score' followers ng isang account gamit lamang ang TwitterAudit. Sa article narin po na inilathala ng BuyTwitterFollowersReview, na may titulong The Difference between Fake & Inactive Twitter followers, ay halos ganito din po ang sinabi nila tungkol sa TwitterAudit:The downside to Twitter Audit is that it’s not very accurate at distinguishing between fake and inactive followers. To identify fake followers, the tool considers metrics like number of tweets sent, the date of last tweet and the follower-to-friends ratio, while ignoring metrics like the number of logins, which can be helpful when determining whether a Twitter account is fake, or simply inactive. [Emphasis added] Ngayon kung totoo nga po ang mga naisaad ko sa itaas ay mayroon lang po akong ilang katanungan. Una. Since hindi po pala ganung reliable o accurate ang TwitterAudit sa pag-estimate o audit ng bilang ng ating followers o sa pag-score sa ating account, e tama lang po ba na yan po ang gamitin natin, halimbawa, na indikasyon ng tunay bilang o dami ng 'real' at 'fake' followers ng isang account? Halimbawa nalang po, sabihin natin, ang isang account ay may 20k followers pero sa audit niya ay 70 lang ang lumabas na 'real' ngunit 98% naman ang score niya, pwede po bang masabi na tama ang naging audit? Ikalawa. Alin po ba ang mas tama pong gamitin kung sasali sa Twitter campaign kung hinihingi po ang bilang ng followers? Dapat po ba nating ibigay ang bilang ng followers natin base sa naka-indicate sa Twitter account o base sa TwitterAudit, kahit hindi po ito accurate?
Salamat po sa mga sasagot at magbibigay ng kanilang opinyon!
|
|
|
Alam ko na ang ilan po dito sa atin ay gustong gumawa ng sariling faucet rotator para mas mapadali ang pag-claim sa mga faucets kaya lang kalimitan ng site na nag-o-offer ng rotator ay may bayad kundi naman ay kailangan pa pong bumili ng sariling domain at hosting bago makagawa nito. Kaya dito naisipan ko po na gumawa ng maikling tutorial kung paano gumawa ng personal ninyong faucet rotator kung saan ang gagamitin ninyo lang ay ang blog-publishing service na Blogger. Narito po ang mga hakbang:1. Gumawa ng account sa Blogger.2. Kasunod ay kopyahin ang nasa babang template. Pumunta sa Blogger at buksan ang "Theme" at piliin ang "Edit HTML". I-paste ito sa box at tsaka i-save.<?xml version="1.0" encoding="UTF-8" ?> <html xmlns='http://www.w3.org/1999/xhtml' xmlns:b='http://www.google.com/2005/gml/b' xmlns:data='http://www.google.com/2005/gml/data' xmlns:expr='http://www.google.com/2005/gml/expr'> <head> <meta content='IE=EmulateIE7' http-equiv='X-UA-Compatible'/> <b:if cond='data:blog.isMobile'> <meta content='width=device-width,initial-scale=1.0,minimum-scale=1.0,maximum-scale=1.0' name='viewport'/> <b:else/> <meta content='width=980' name='viewport'/> </b:if> <b:include data='blog' name='all-head-content'/> <link href='favicon.ico' rel='icon' type='image/x-icon'/> <meta content='' property='og:url'/> <meta content='' property='og:title'/> <title> <data:blog.pageTitle/> </title> <b:skin><![CDATA[ /* body { font: $(body.font); color: $(body.text.color); background: $(body.background); padding: 0 $(content.shadow.spread) $(content.shadow.spread) $(content.shadow.spread); $(body.background.override) margin: 0; padding: 0; } LeftFloatAds{ left: 0px; position: fixed; text-align: center; top: 0px; } RightFloatAds{ right: 0px; position: fixed; text-align: center; top: 0px; }
]]></b:skin> <link href='http://bootswatch.com/superhero/bootstrap.min.css' rel='stylesheet' type='text/css'/> <script src='https://dl.dropboxusercontent.com/s/vkttgp2nz9l80ou/faucet.js' type='text/javascript'/> </head> <body> <b:section class='main' id='main' showaddelement='yes'/> <!-- Please Keep The Credits --> <center> <div> <nav class='navbar navbar-default'> <a class='navbar-brand' href=''> Bitcoin FaucetBox Rotator </a> <div class='container-fluid'> <div class='collapse navbar-collapse'> <form class='navbar-form navbar-right' role='search'> <div class='form-group'> <input class='btn btn-danger' name='submit' onclick='changeSrc()' type='button' value='RELOAD'/> <input class='btn btn-info' name='submit' onclick='newTab()' type='button' value='LINK'/> <input class='btn btn-success' name='submit' onclick='prev()' type='button' value='PREV SITE'/> </div> <input class='btn btn-success' name='submit' onclick='next()' type='button' value='NEXT SITE'/> </form> </div> </div> </nav> </div> <div id='RightFloatAds' style='right: 5px; position: fixed; text-align: center; top: 40px;'> <!-- Ads code here --> </div> <div id='LeftFloatAds' style='left: 5px; position: fixed; text-align: center; top: 40px;'> <!-- Ads code here --> </div> <iframe frameborder='0' id='fm' name='fm' sandbox='allow-forms allow-popups allow-pointer-lock allow-same-origin allow-scripts' src='' style='position:absulte;margin-top:-25px;width:80%;height:95%'/> </center> </body> </html> 3. I-download ang Jscript dito. Virus total: Clean.
4. I-open ang Jscript gamit ang notepad at i-edit. Sa pagitan ng code sa ibaba ilagay ninyo ang faucet:
var s=[
"Dito nyo ilalagay ang faucet na gusto nyo masama sa faucet rotator, hal., https://freebitco.in",
]; var adr,i,x=0,c=s.length; function address() { adr=prompt('Enter your bitcoin address:'); s=s.map(function(x){ return x.indexOf("a=") != -1 ? x + adr : x; Kung gusto ninyo ng mas maraming faucet na nakalagay sa script ay i-copy nyo lang po ang " ", at ilagay ninyo po sa loob ang URL ng faucet na gusto ninyo, at pagkatapos ay tsaka i-save.
5. Gumawa ng account sa Dropbox at i-upload ang Jscript file na may mga nakalagay ng napili ninyong mga faucet. Kasunod ay i-click ninyo ang share at copy link. Kapag nakopya ninyo na po ang link ng ini-upload ninyong Jscript ay kunin ninyo ang makikita ninyong combination ng letters at numbers. Nasa ibaba po ang halimbawa:6.) Pumunta na po kayo ngayon sa inyong "Blogger Dashboard" at pagkatapos sa "Theme" at sunod ay "Edit HTML". Hanapin ninyo po ang nasa ibaba at palitan ninyo ang combination ng letters at numbers ng nakakulay pula sa ibaba. Ang ipalit ninyo po ay iyong kinuha ninyo sa Dropbox na combination at pagkatapos ay i-save ninyo na muli. 7. Pwede ninyo pong palitan yung description o title ng faucet rotator ninyo. Hanapin ninyo lang po yung ganitong code sa template:<a class='navbar-brand' href=''> Bitcoin FaucetBox Rotator ← Palitan nyo po ito ng title na gusto nyo. </a> Ganito po ang itsura niya, halimbawa. Iyong title po ay nasa kaliwa. 8. Para po sa advertisement, optional nalang po ito kung gusto ninyong ilagay o hindi. Kung maglalagay kayo sa faucet ninyo ay register lang po kayo sa A-Ads. Pagkatapos nito ay piliin ninyo po ang "Earn". Ang size po ng ilagay ninyo ay "160x600" at sa "Site URL" ilagay ninyo po ang site ninyo. Kayo na pong bahala sa filter kung ano ang mga ads na gusto ninyong lumabas dito. Pagnagawa ninyo na pong lahat ay "Create ad unit" ninyo na po. 9. Sunod ninyo na pong kopyahin iyong code at i-paste ninyo po sa template. Hanapin ninyo lang po yung kagaya nung nasa ibaba: <div id='RightFloatAds' style='right: 5px; position: fixed; text-align: center; top: 40px;'> <!-- Ads code here -->
Dito po ilalagay.
</div> <div id='LeftFloatAds' style='left: 5px; position: fixed; text-align: center; top: 40px;'> <!-- Ads code here -->
At dito din po ilalagay.
</div>
I-save ninyo muli po yung template pagkatapos. 10. Sa panghuli ang kalalabasan po ng inyong faucet rotator ay katulad sa kung ano ang nasa ibaba. Tandaan lang na kung gusto ninyong ilipat sa kasunod na faucet sa list ninyo ay i-click ninyo lang po ang "Next". Habang kung gusto ninyo namang ibalik, i-click ang "Previous". At kung gusto ninyo naman po buksan ng buo ang link ng faucet ay click ninyo lang po ang "Link". Para bumukas o lumabas ang faucet sa umpisa ay i-reload ninyo muna po sa umpisa para lumabas ang unang faucet. Sana po makatulong sa inyo ito. Kung may katanungan po kayo, iwan lang po kayo ng comment sa ibaba.
Pwede ninyo din po pala buksan sa inyong mobile kaya pwede kayong mag-claim kahit ito lang ang gamit ninyo.
|
|
|
 Isa sa kadalasan pong pinagdedebatehan ngayon ay kung ano nga ba ang kahihinatnan ng tao kapag tayo'y pumanaw na. Kalimitan ang katanungan na ito ay masasabing teolohikal ngunit may mga pagkakataon din na maging ang mga espekto sa siyensya at dudoso ay naglalatag ng opinyon ukol dito. Para sa mga reliyoso at mananampalataya, partikular na ang mga napapabilang sa relihiyong Kristyanismo, naniniwala sila na kapag pumanaw ang tao ay may dalawang lugar itong kapupuntahan, langit at impyerno. Bagaman sa ibang Kristyanong relihiyon na may kaugnayan sa Kristyanismo, tulad ng Katoliko, ay naniniwala sa tinatawag na purgatoryo, isang uri intermediate state kung saan ang kaluluwa ay dadaan sa huling paglilinis o pagpapadalisay bago tuluyan itong tumuloy sa kaharian ng langit. Maliban sa mga Katoliko, ang naturang konsepto ng "final purification" o "final theosis" ay pinaniniwalaan din ng iba pang sektang Kristyano, tulad ng Eastern Orthodox, Lutheran, Methodist, at marami pang iba.
Ngayon, bukod sa tatlong estado o lugar na nabanggit, na sinasabing posibleng kahihinatnan ng tao kapag siya ay pumanaw na, mayroon pang isang paniniwala o konsepto na ikinakabit sa mangyayari sa kaluluwa, o para sa iba, consciousness, kapag pumanaw na dito sa lupa. Ito ay ang konsepto ng reincarnation. Ang konseptong ito ay kalimitang nakakabit sa paniniwala ng mga relihiyon tulad ng Buddhism, Hinduism, Jainism, Wicca, Zoroastrianism, Sikhism, Shintoism, Confucianism, Taoism, at iba pa; bagaman nagkakaiba lamang sa teorya o doktrina nito.
Para sa ilang eskolastiko, na pinag-aralan ang konsepto ng reincarnation, metempsychosis at transmigration of soul sa Judeo-Christian tradition, napag-alaman daw nila na maging ang mga sinaunang Hudyo at Kristyano ay may paniniwala tungkol sa muling pagkakatawang-tao o reincarnation. Sa sulat nalang, halimbawa, ni Flavius Josephus (Ant. 18.14; War 2.163; 3.374; Ag. Ap. 2.218) ay sinasabi daw nito na ang mga Pariseo noon ay naniniwala sa reincarnation. Maliban sa mga Pariseo, sa pahayag din daw ni Josephus, ang sektang Essene ay may ganito ring paniniwala. Ito'y base narin daw sa nakasaad sa Melchizedek o I IQ Melchizedek ("The Last Jubilee") kung saan ang tagapagligtas ay pinaniniwalaan na reincarnation ng pre-Israelite priest-king na si Melchizedek. Sa madaling salita, para daw sa Essenes, ang Tagapagligtas sa hinaharap ay ang "revival" ni Melchizedek o ang reincarnation nito. (Tignan din ang salitang 'gilgul' sa Encyclopedia Judaica, vol. 7, Keter: Jerusalem (1971), 573-577)
Pagdating naman sa Kristyanismo, pinaniniwalaan ng ilang Biblical scholars na ang ilan sa Christian writers ay may ideya tungkol sa reincarnation o transmigration. Ang isa sa halimbawa daw nito ay si James o Santiago. Sa Jm 3:6 ay mababasang nakasulat ang phrase na "τὸν τροχὸν τῆς γενέσεως, wheel of life". Ito daw ay hinalaw sa sinaunang Orphic description ng tinawag na cycle of birth and rebirth (Proclus Diadochus, In Platonis Timaeum comentaria 5.30a-b; tignan din ang Kittel, TDNT 118). Maliban kay Santiago, si Pablo o Paul din daw ay may alam tungkol sa reincarnation. Ang paggamit niya daw ng salitang "παλιγγενεσία, palingenesia" sa Tt 3:5 ay isang tanda na alam nito ang tungkol sa naturang konsepto. Para po sa hindi nakakaalam, ang salitang palingenesia ay ginamit po ito ng mga sinaunang Griyego para tukuyin ang salitang "transmigration" o "reincarnation of souls" (Plu. 2.998c; cf. μετεμψύχωσις fin). Ang isang halimbawa po ng paggamit ng naturang salita ay matutunghayan po sa Platonic image ng reincarnation (Meno 81b; Phaed. 70c. 71e-72a).
Sa kabuuan, malawak po ang paniniwala sa reincarnation. Maliban sa mga relihiyon, pinag-aaralan nadin ito sa ngayon ng siyensya. Gayunman, maganda kung malalaman po natin ang opinyon ng bawat isa ukol sa naturang paniniwalang ito. Sa madaling salita, ang poll na ito ay ginawa ko po upang malaman ang inyong pananaw ukol sa reincarnation. Umaasa po ako na hindi ito magiging debate thread kundi isang discussion thread kung saan bawat isa sa atin ay malayang maipapahayag ang ating opinyon na walang deskriminasyon, lalo na sa paniniwala.
Kaya sa mga kababayan ko, post nyo po dito ang inyong opinyon: naniniwala ba kayo sa reincarnation o hindi?
|
|
|
Tanong ko lang po sana, ilang beses narin po kasi ako nasali sa Twitter campaigns at nababayaran naman din po ako. Pero mayroon pong campaign na na disqualified ako, ang rason daw po ay dahil sa ipinost ko sa iisang araw lang yung tweet. Pero sa pagkakaalam ko po kasi mayroon tayong time difference sa US. Halos 12 hrs ahead po tayo sa kanila kaya, halimbawa, kung nag-tweet po ang ng 11 PM sa 12 June ay 11 AM sa 12 June na po sa kanila nun. Ngayon since yung time interval po nung nakasaad sa rules ay 1 hr, nag-tweet po muli po ako ngayon. Sa 12 AM na bale ng June 13, pero sa kanila 12 PM palang ng June 12. Ibig sabihin po ba nito, since 12 June palang sa kanila, ay ginawa ko yung tweet sa iisang araw lang din? O sabihin po natin, nag-doble po ako ng tweet sa isang araw base sa kanilang oras? Ang sinunod ko po kasi ay yung PHT kaya hindi ko po sure kung sumasabay ako sa kanila o hindi. Sa pagkakaalam ko po sa Twitter naka-set automatically din po yung time nila sa US kaya hindi ko po alam kung paano yung pag-set ng time po dun sa campaign.
Mayroon na po bang nakaranas ng ganitong problema sa inyo sa Twitter campaign na sinalihan nyo?
Salamat po sa mga sasagot!
|
|
|
Bitcoin’s underlying blockchain technology has already proven its mettle numerous times across various industries. Now, the very technology has made it evident for the big energy companies that they can save lots of time and hassle by using it for their trading needs. Following successful trials, two major oil corporations, BP (formerly British Petroleum) and Eni appear to have developed a positive outlook towards incorporating distributed ledger into their energy trading platform.
According to a news report, the companies have started to operate the blockchain-based trading application alongside its existing live trading platform. The decision to simultaneously operate both the platforms was made following an earlier 12 week-long trial conducted by both BP and Eni in association with another Austrian energy company, Wien Energie.
The energy majors are operating Interbit blockchain platform provided by BTL Group. The spokesperson for BTL Group informed the media about a trial instance where the blockchain based trading system was able to identify differences in the allocated volumes of French gas sold to BP by its partner, Eni. The same report also quotes Andrew Woosey, a partner at EY who was involved in the early testing phase of BTL Group’s Interbit blockchain based trading platform.
Woosey reiterated the benefit of distributed ledger based trading platform over the conventional ones by saying,“Use of such technology can help by streamlining back office processes, leading to reduced risk, better protection against cyber threats and ultimately significant cost savings.” Read the full article here: http://www.newsbtc.com/2017/06/11/blockchain-petroleum-trades/
|
|
|
Sir Dabs, suggest ko lang po sana na magkaroon po tayo ng Off-topic subsection para po dito sa Local section natin para hindi po nagkakahalo-halo yung mga topic na related sa cryptocurrencies at topic na walang kaugnayan sa nabanggit. Napansin ko lang po kasi na natatabunan yung ibang related sa crypto na thread kaya't yung iba ay nauulit. Halimbawa, yung mga tanong tungkol po sa mining, signature campaign, rankings, etc. ay madalas pong nauulit. Kaya makakatulong po siguro na yung mga off-topic ay ilalagay nalang sa isa pang section dito sa Local para hindi po matabunan yung nasabi ko po kanina.
Kung kaya po sana, i-sticky or pinned nalang po natin yung thread na madalas maitanong para mabilis pong mahanap ng mga kababayan nating bago palang sa forum.
Ngayon hingin ko narin po ang opinyon ng iba pang kababayan natin, ano po sa tingin nyo sa iminumungkahi ko pong ito?
|
|
|
Venezuela Launches Its First Regulated Bitcoin Exchange Monkeycoin with Draglet
Bitcoin hasn’t always had an easy time in Venezuela. The government has consistently arrested suspected bitcoin miners and the banking industry forced the country’s former leading exchange, SurBitcoin, to suspend fiat deposits or withdrawals.
But in a country with rampant inflation, reaching a staggering 800% in 2016, surely bitcoin can provide some of the answers rather than be looked at as a problem to Venezuela’s ongoing crisis. As bitcoin doesn’t suffer from inflation in the same way that fiat currency’s do, it makes perfect sense to Venezuelans looking for a way to store their hard earned money without the risk of it just evaporating away.
The government has finally come around to the same view and has given official permission for one bitcoin exchange to fully operate, under the watchful eye of Sudeban, the country’s highest banking regulator.
Monkeycoin, as the exchange is known, is the first Venezuelan exchange to be working with the relevant regulatory bodies in order to bring the benefits of bitcoin where much needed.
By maintaining regular dialogue and full cooperation with the authorities on issues like KYC (know-your-customer) and on potential suspicious activity – though not easy, bitcoin is still prone to money laundering – Monkeycoin is aiming to show that a regulated bitcoin exchange is the best way forward for bitcoin in Venezuela.
Read the full article here: https://news.bitcoin.com/venezuela-launches-first-regulated-bitcoin-exchange-monkeycoin-draglet/
|
|
|
The International Economic Forum, which just wrapped up in St. Petersburg, reportedly resulted in more than €30 bln of investments. The final and the most important result, however, is measured not in numbers, but in the mood and attitude of those who attended the Forum and who was keeping an eye on the events and meetings held in the North “capital” of Russia.
The cryptocurrency community is for sure left stunned by the recent meeting between Russian President Putin and the founder of Ethereum Vitalik Buterin.
Putin becomes a fan of Blockchain
As commented by Kremlin Press Secretary Dmitry Peskov, during the meeting, Putin and Buterin discussed the application of technologies in the country. Reportedly, the president supported the idea of establishing new business relationships following the road paved by Blockchain technology.
Earlier during the Forum, the first Deputy Prime Minister Igor Shuvalov said that Putin is really enthusiastic about the idea of building a new digital economy in the country and shared that at the moment at least three directions of Blockchain application are being explored and tested, which include the tracking of goods, building identity as well as ownership rights protection systems.
Buterin was among the speakers at the panel discussion on Blockchain economy, which actually became one of the most popular ones. Panelists discussed the potential of the technology to trigger the establishment of a new type of economy, as well as regulatory issues related to that process.
Russian regulators have been struggling so far trying to find a way to put Blockchain applications inside existing regulatory framework. Pseudo-anonymity is what concerns them the most.
Buterin says:
“I think this dilemma has no resolution. Regulators will always try to come up with new ways to control and analyze transactions, and people will always try to think how to hide these transactions. It is a sort of mathematical war, but system’s properties will never let any of these sides win.”
Read the full article here: https://cointelegraph.com/news/suddenly-vladimir-putin-meets-vitalik-buterin-endorses-ethereum
|
|
|
May kaunting kaalaman po ako tungkol sa Modern Medicine or Orthodox Medicine at Complementary Alternative Medicine (CAM) at willing po ako magbigay ng payo patungkol sa inyong kondisyon o sa inyong problemang medikal. Bagaman hindi po ako magbibigay ng reseta na gamot kundi payo lamang. Halimbawa, mga kung ano po ang pwede nyong gamot na ipareseta sa inyong espesyalista o i-rereseta nila sa inyo; mga halamang gamot na inyong pwedeng gamitin na makakatulong sa inyong mabilis na recovery; bitamina at mineral na dapat nyong i-take para sa inyong partikular na kondisyon o karamdaman; mga alternatibong pamamaraan ng panggagamot na maari nyong subukan, at iba pa.
Panuntunan ng pagtatanong:
1. Dapat i-detalye nyo po kung ano ang inyong nararamdaman. Ibigay ang mga sintomas at kapag nakapagpatest o nakapagpasuri na ay ibigay ang diagnosis o resulta nito dito. O kung nais nyong gawing personal, i-message nyo nalang po sa akin.
2. Sagutin lang po ang mga tanong na ibibigay ko para sa ikadagdag po sa impormasyon tungkol sa inyong karamdaman.
3. Isang tanong lang po bawat isa para mapagtuunan po ng pansin lahat ng magtatanong.
Tandaan, kung kayo po ay may malalang kondisyon o sakit ay dapat magkonsulta po kayo sa doktor. Bawat payo na ibibigay ko po ay hindi nyo po dapat gamitin na kapalit sa pagpapakonsulta sa propesyonal sa larangan ng medisina. Ang doktor o espesyalista nyo parin po ang talagang makakapagbigay sa inyo ng tamang reseta o kung anong nararapat sa inyo kaya hinihikayat ko parin po na dumulog kayo sa kanila.
At panghuli, hindi po ako humihingi ng kahit ano man pong kapalit sa payo na ibibigay ko po sa inyo dito. Kaya wala po kayong obligasyon na magbigay po sa akin.
|
|
|
I-share ko lang po sa inyo itong bitcoin directory na gamit ko. Ang tawag po dito ay earnbitcoins.info. Kung mayroon po kayong [mga] website na nagamit po ng mga ad network, tulad nalang halimbawa ng AdBit, A-Ads, Mellow Ads, Coinmedia, Bitadvertiser, at iba pa, ay maganda po itong gamitin para makakuha po ng backlinks at traffic ang site nyo. Kung mayroon po kayong kahalintulad na gamit na directory, share nyo din po dito. Ty!
|
|
|
|