Bitcoin Forum
July 08, 2025, 11:37:58 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 29.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: [1]
1  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Deceiving Rate of Bounty Campaign, New Form of Scam? on: June 05, 2019, 09:44:34 AM
Update:

I wanted to know your opinion regarding this matter, I am browsing bounty campaigns to kill time and possible project to invest in since I need to know the allocation of Bounty token since often times this influx of token saturate the market and caused the price to go down when I stumble on this bounty thread titled: (BOUNTY) 💰💰🔥 P2PS Bounty Campaign $450k Worth Of Token For Hunter 💰💰🔥  I noticed this thing..

The bounty,/ bounty manager priced the initial token price as $3  


Token Pool: 150K tokens (equivalent to $450K USD if computed with the base token price of $3 each).

150K tokens will be distributed to successful applicants of the Signature,  Facebook, Twitter, LinkedIn, Content Creation and Telegram.

This bounty starts on April 27, 2019, and ends when reach hunter $450k.


While the IEO price is $0.03





I would not mind if it is in stake distribution but the token reward is fixed.  I feel sorry for the bounty participant being deceived by this rate.  I have nothing against the bounty manager but I just feel that there is something wrong.  How can you clasified this kind of action?  I'm kinda confused because I believe, with deception hunters will end up nothing.  What can you say about this?  I need your input since I am confused.  Is this kind of deception allowed in the bounty campaigns?  Are bounty managers allowed to intentionally increase the price of token to attract more participants?  I think this is deception and should not be tolerated.
2  Local / Pilipinas / Mga Pagkakamali sa Trading, Sanhi ng Pagkalugi on: May 06, 2019, 04:36:52 AM
Karamihan sa atin ay naiinspire na magtrade dahil mayroong tayong access sa mga Token o Coins na maaring itrade sa isang palitan gaya ng Binance, Kucoin, Huobi, Coins.pro at marami pang iba. May mga tao na nagiging successful sa pagtitrade ngunit mas marami ang natatalo dahil sa kakulangan sa karanasan at hindi alam kung ano ang maaring maging sanhi ng kanilang pagkalugi. Tatalakayin natin ngayon ang ilang dahilan kung bakit natatalo o nalulugi ang tao sa kanilang pagtitrade.  

Narito ang ilan sa mga pagkakamali ng isang trader.

Hindi pagkakaroon ng plano bago pumasok sa pakikipagtrade

Napakalaking pagkakamali ang hindi pagkakaroon ng plano bago pumasok sa trading.  Narito kasi nakasalalay ang mga diskarte at mga dapat gawin habang nagtitrade at ang mga posibleng pamimilian kung may mga hindi inaasahang pangyayari.

Hindi alam kung kailan kukunin ang kanyang tubo o kita.

Karamihan sa trader ay walang basihan kung kailan nya ilalabas ang kanyang tubo sa trading.  Dapat ay mayroon tayong target profit na kung saan kapag nakuha ito ay ilalabas natin ang ating puhunan at tubo at maghintay ulit ng pagkakataon upang pumasok sa trading.

Hindi pagkakaroon ng exit plan kapag nalulugi.

Narito pa ang isang malaking pagkakamali ng mga trader.  Kapag nakikita nilang bumabagsak na ang kanilang tinitrade ay hindi nila alam kung paano lalabas ng may minimal na pagkatalo.  Wala silang ginagawang hakbang hanggang sa lubusang bumagsak ang value ng kanilang hawak at magpapanic sell sila na nagiging sanhi ng lubhang pagkatalo ng kanilang puhunan.

Hindi alam kung magkano sa kanyang kapital ang ilalaan sa pagtitrade

Napakaimportanteng alam nating kung ilang porsyento ng ating pondo ang ilalaan sa pagtitrade.  Karamihan sa mga baguhang trader ay tinataya lahat ng kanilang kabuhayan na kadalasang nagiging sanhi ng kanilang problemang pinansiyal.  Bukod dito, marami rin sa mga trader ang hindi alam na mas mainam na ikalat ang puhunan sa pagtitrade kaysa sa paglagay ng buong kapital sa isang buy wall o sell wall lang.

Hindi paglalagay ng "stop" (stop-loss) sa trading

Ang hindi paglalagay ng "stop" sa trading ay maaring makaapekto ng malaki sa inyong account at sa inyong emosyon.

Hindi pagkakaroon ng tamang Risk Management

Napakalaking bagay ang pagkakaroon ng proper risk management sa pagtitrade.  Dito nakasalalay kung paano natin paliliitin ang posibilidad ng mga pagkalugi o pagkatalo.  Maraming trader ang nagugulat na lamang na nalugi na sila sa isang pangyayari dahil sa kakulangan niya sa kaalaman  kung paano imamanage ang mga posibleng maging sanhi ng kanyang pagkatalo sa trading.

Pagtitrade ng wala sa kundisyon

Ang pagtitrade ay isang napakahirap na bagay kaya't nararapat na laging nasa kundisyon kung tayo ay nagtitrade.  Apektado ng pagiging wala sa kundisyon ang ating desisyon at alam naman natin na isang maling desisyon sa trading ay maaring mangahulugan ng pagkatalo ng ating buong kapital.

Pagiging ganid (greedy)

Heto ang kadalasanag nagiging main reason kung bakit hindi agad kinukuha ang kanilang trading profit.  Iniisip ng trader na tataas pa ang preyo ng kanilang tinitrade kaya sa halip na kunin na ang kanilang tubo o kita sa pagtitrade ay maghihintay pa ito hanggang bumagsak ang presyo at hindi na niya maibenta ang kanyang hawak na token o coins o kung maibenta man ay nasa mas mababang presyo na.

Halimbawa:
If you guys remember Banca. Nuon ako ay nag invest ng 20k php dito. Naging mainit ung token umabot ung 20k ko ng 250k kaso dahil sa wala akong plano, greedy at wala skong stop loss hinayaan ko lang sya gang bumaba ng bumaba ayun dumating sa punto na eto ngsyon ung 20k na nsging 250k ngayon 1.7k php nalang. Token paren sya hindi ko paren pinapapalit.


Sa nakita nating mga posibleng pagkakamali ng isang trader, mahihinuha natin na sa pagpasok sa isang pagtitrade ay napakahalaga ng mga sumusonod


  • Plano bago pumasok sa pagtitrade
  • Kailan natin kukunin ang ating kita
  • Kailan lalabas sa isang trade kapag natatalo na
  • Magkaroon ng "stop-loss" sa pagtitrade
  • Matuto ng tamang risk management
  • Isa-alang alang ang kundisyon ng katawan


Kung ikukunsidira natin ang mga bagay na ito bago tyo pumasok sa larangan ng trading, posibleng maiwasan natin ang mga pagkakamali na maaring ikalugi ng ating kapital o puhunan sa pagtitrade.

reference:
Trading Psychology (Wealthyeducation.org)



Sa mga kasamahan nating bihasa sa trading maari kayong magdagdag ng inyong nalalaman tungkol sa mga bagay na dapat iwasan sa pagtitrading at ibahagi sa mga kasamahan nating nagsisimula pa lamang matutong magtrade.
3  Local / Others (Pilipinas) / Plagiarism Indepth Discussion (Isang paalala) on: May 04, 2019, 07:35:24 AM

Narito ang isang thread para sa   [MGA TIP] para maiwasan ang plagiarism



Marami akong napapansin sa mga topic ngayon sa Bitcointalk na halos copy pasted ang content ng kanilang thread.  Nais ko lang na ipaalam na alam ko ang naisin ng bawat isa na magbigay impormasyon sa mga miyembro nito subalit nais ko ring ipaalala na maaring may katapat na responsibilidad ang mga gawaing ganito.  Maaring bumabagsak na pala tayo sa tinatawag na plagiarism  ng hindi natin nalalaman kung kaya ginawa ko ang topic na ito bilang paalala sa mga masisipag nating kapwa Pinoy member ng forum na ito .


Simulan natin sa definition ng plagiarism:

According to the Merriam-Webster online dictionary, to "plagiarize" means:
to steal and pass off (the ideas or words of another) as one's own
to use (another's production) without crediting the source
to commit literary theft
to present as new and original an idea or product derived from an existing source


In other words, plagiarism is an act of fraud. It involves both stealing someone else's work and lying about it afterward.

Masasabi nating meron namang source ang ginawa nati, pero ang tanong, nilagyan ba natin ito ng sipi ang bahagi na kinopya natin??

All of the following are considered plagiarism:
turning in someone else's work as your own
copying words or ideas from someone else without giving credit
failing to put a quotation in quotation marks
giving incorrect information about the source of a quotation
changing words but copying the sentence structure of a source without giving credit
copying so many words or ideas from a source that it makes up the majority of your work, whether you give credit or not (see our section on "fair use" rules)

Most cases of plagiarism can be avoided, however, by citing sources. Simply acknowledging that certain material has been borrowed and providing your audience with the information necessary to find that source is usually enough to prevent plagiarism. See our section on citation for more information on how to cite sources properly.

Subalit:

Bigyan nating pansin ang bolded part.
Masasabi palang plagiarism pa rin ang isang bagay kahit na binigyan natin siya ng credit o sinabi natin siya ay source kung ang malaking bahagi ng ating ginawa ay kinopya natin sa ating source, what more pa kaya kung iyon na mismo ang ating kinopya kahit na nilagay natin sila bilang source.

Para maiwasan na magkaroong ng Plagiarism:

The legality of these situations, and others, would be dependent upon the intent and context within which they are produced. The two safest approaches to take in regards to these situations is:
1) Avoid them altogether or
2) Confirm the works’ usage permissions and cite them properly.

Sinasabing mas mabuting iwasan ang gawain ng pangngopya o di kaya ay magpaalam sa may akda na iyong kokopyahin at huwag nating kalimutang lagyan ng sipi ang bawat talata o parirala na ating kokopyahin.

Maari nyong alamin ang higit pang detalye patungkol sa plagiarism sa site na ito: https://www.plagiarism.org



Ang pagsalin sa ibang wika ay hindi gawang plagiarism hanggat binibigyan natin ng credit ang orihinal na may akda.  


4  Local / Altcoins (Pilipinas) / Blockchain Payments Firm Bitspark Releases Stablecoin Pegged to Philippine Peso on: April 30, 2019, 06:10:24 AM
Nagpaplano ang Bitspark na magrelease ng stable coin na nakapeggeg sa Philippine Peso.  Ayon sa balita ang Bitspark ang  unang kumpanya na magrerelease ng stablecoin na Php pegged o isang coin na may nakapirming halaga sa Peso.  Ito ay inanunsyo sa isang press release na ibinahagi sa  Coindesk noong Abril 25 ng kasalukuyang taon. Mga karagdagang impormasyon sa balitang ito.  

Blockchain Payments Firm Bitspark Releases Stablecoin Pegged to Philippine Peso



Isang magandang balita ito sapagkat makikita na naman ang Pilipinas sa mundo ng cryptocurrency, ang nakakalungkot lang dito ay hindi mismo ang kumpanya na nagmula sa Pilipinas ang magsasakatuparan ng planong ito.  Mas maganda sana kung ang gagawa nito ay manggagaling sa ating bansa para mas makikita ng buong mundo na ang mga Filipino ay may kakayanang makipagsabayan sa Industriya ng Cryptocurrency.
5  Local / Others (Pilipinas) / Default trust TUTZ paano imodify on: January 23, 2018, 11:04:41 AM
Ito ay hango sa  thread na ito.. https://bitcointalk.org/index.php?topic=884881.0

Hindi naman sa pumapayag ako sa spam sa forum na ito ngunit may mga default trust na tao na nag-aabuse sa kanilang mga nakuhang prebilehiyo at nais kong malaman ninyo na ang Default Trust ay hindi standard o di dapat sundin sa forum na ito.  May mga sariling rules at regulation ang forum na ito na siyang dapat sundin, nagkataon lamang na sila ay napiling pagkatiwalaan ng trust network na nagmula kay theymos at masasabing mismong si theymos ay hindi nagtitiwala sa karamihan sa kanila dahil kung nagtitiwala si theymos sa lahat ng nandiyan ay binigyan na nya ng admin privilege lahat ng kasama dyan (ito ay haka haka ko lamang).

Para mamodify mo ang iyong trust list.. kailangan mong pumunta sa link na ito.

https://bitcointalk.org/index.php?action=trust

pagpunta mo sa link na ito ay makikita mo ang isang box na kulay puti na may nakalagay na Default trust at mga account na  nakalista sa network of trust na nagmula kay theymos.

Pwede mong tanggaling ang taong hindi mo pinagkakatiwalaan sa listahang iyon sa pamamagitan ng paglagay ng ~ sa harapan nito.

Halimbawa, kasama ako sa trust list na iyan at hindi mo ako pinagkakatiwalaan.. pwede mo idagdag ang ganito:

Code:
~Kualabit
at pinduting ang update.

Lahat ng binigyan ko ng red at green trust ay hindi magrereflect sa iyong trust system.  Ganun din kung nilagay nyo ang pangalan ng taong guston nyong tanggalin mula sa trustlist.



Pages: [1]
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!