Sa dinamidami ng airdrop ngayon halos lahat pang display nalang sa madaling sabi walang value or kung hindi naman hindi ka nakatanggap ng token/coin kahit na sinunod m lahat ng task. Para sa akin mas madali kang kikita kung sasali sa airdrop for holders .
Ano ang airdrop for holders : Ito ay isang uri ng promotion o giveaway ng isang crypto . Depende sa kanila kung ano ang magiging rules nito pero kadalasan hanggat nasa eth address mo ito at hawak mo ang private key ay makakatanggap ka nito . Mayroon din silang tinatawag na snapshot na kung saan mag tatakda sila ng araw kung kelan nila isasagawa ang pag snapshot sa mga holders . Magbibigay din sila ng takdang araw kung kailan ipapamahagi ang nasabing airdrop for holders. Mayroon din itong kaukulang ratio na kung saan malalaman mo agad kung ilan ang makukuha mo na airdrop. Sa dami ng invest mo sa paglaki ng makukuha mong airdrop.
Isa na dito ang narasan ko sa airdrop for holders ng EQL . Ang investment ko ay umabot ng 40k php dahil sa ito ay nais ko lamang subukan . Sinabi nila na ang kabuuang matatanggap ko ay 80 percent ng aking investment . Pagkaraan ng 3 araw nagulat nalang ako na umabot ng 120k php ang aking pera . Dahil ito ay unang subok ko lamang hindi talaga ako makapaniwala . Kaya simula noon ay naghahanap na ako lagi kung saan may airdrop for holders .
Sana po makatulong itong naranasan ko sa mga hindi pa alam ang ganitong airdrop.