Bitcoin Forum
May 11, 2024, 04:54:58 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 [19] 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 »
361  Alternate cryptocurrencies / Bounties (Altcoins) / Re: [BOUNTY] ⚫⚫⚫ ETH, USDC, TKP, KCH [KEEP CALM and HODL] ⚫⚫⚫ on: January 01, 2021, 06:07:09 AM
#PROOF OF REGISTRATION
Bitcointalk Username: Chrisculanag
Telegram Username: @christopherlobo
Participated Campaigns: Signature campaign
Eth Wallet address : 0x1eDC150031BC695DFEaac59b061f5bDd84D441BC
362  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mga galawan ng mga scammer sa social media on: October 06, 2020, 12:31:14 AM
Kung susuriin natin mabuti madali lang naman malaman kung scam o hindi ang mga iniindorso nila . Karamihan sa mga scam ay nagpapakita ng double o mas higit pa na kikitain sa ilang araw lamang. Madalas na mabiktima ng mga ganito ay yung mga baguhan at mga mahihilig sumugal sa mga panandaliang investment na kung saan ay mabilis nilang makukuha agad ang kanilang kita.

Nasa atin na rin ang desisyon kung papatulan ba natin ang mga panghihikayat nila, mag-isip muna ng ilang beses at mas mabuti na suriin bago pasukin. Ingat na lang tayo kabayan sa mga desisyon na ating gagawin.
363  Local / Pilipinas / Re: Kasikatan ng crypto , tinangkilik na ng mga sikat on: September 30, 2020, 11:54:51 PM
marami na din sikat ang tumangkilik sa cryptocurrency isa na dyan si manny pacquiao ,jack ma at marami pang iba ,talaga naman nakaka akit ang ang crypotcurrency dahil sa angking nitong lagandahan lalo na pagdating sa investing at trading at pagbili mula sa mababang halaga patungo sa pinaka mataas na halaga

Kaya sa tagal ng panahon mas makikilala pa ng mundo ang crypto dahil nga sa tulong din ng mga kilalalang personalidad at dagdag pa natin ang pangyayari sa kasalukuyan . Mahiwaga talaga ang crypto hindi lang sa pag iinvest at trading pati na rin ang proyekto na magagawa nito na maaaring makatulong sa atin mga users at investors. 
364  Local / Pamilihan / Re: GCash, PayMaya, and banks to bring beck Pesonet and Instapay fees on: September 30, 2020, 12:41:34 AM

Kahit sino ata magagalit dahil kung kailan na pandemic tayo ay saka pa nila ito binabalik , ang masakit pa " convenience fee " daw pero kung tutuusin napakalaki na rin ang makukuha nila dahil kung mas malaki ang ilalagay mo ay mas lumalaki ang makukuha nila. Tama ka diyan , mas kailangan ng tao ang ganitong serbisyo sa panahon ngayon kaya alam na natin kung bakit din nila ito ibinalik.


Kung sa side naman nila ay tama nga naman dahil napakaimportante din sa kanila ito at marami talagang trabaho ang mapupunan dahil dito.

Yeah yun na din nasa isip ko talaga kasi sa sitwasyon ng Pilipinas kahit ang mga malalaking kumpanya ay nasa survival stage na din, medyo naiintindihan ko na din kasi kalagayan nila na madami na ding mga kakilala ko personally na nawalan ng trabaho dahil kahit yung kumpanya nila ay nag da-downsize na or di kaya magsasara na ng tuluyan. Alam naman siguro ng mga kumpanya na ito na magagalit ang kanilang mga user mismo pero mukhang wala na talaga silang choice kung hindi gumawa ng other modes of revenue. Gaya nalang ng ginagawa ng gobyerno natin na kung saan ay naghahanap ng mga panibagong buwis, parang ganito din ginagawa ng mga malalaking kumpanya.

Kaya nga kailangan matuto na rin tayong mag-adjust at umintindi  , sa sitwasyon ngayon kailangan talaga nila mag apply ng mga ganito at alam naman natin na kailangan din nilang tumibay ang kanilang pundasyon para makapagserbisyo sa mga tao. Kaya nga lahat na ng malalaking kumpanya ay ginagawa na ito para makasurvive at higit sa lahat ay maipagpatuloy pa ang kanilang serbisyo satin. Katagalan pag ayos na ang lahat pati na ang ekonomiya ay baka alisin rin nila ito , sa ngayon kailangan natin magtiis sa panahon na ito.

Hindi naman gaano kalaki dahil 15 pesos per transaction lang naman for bank transfer.

How about sa coins.ph kung mag cash out ka to GCash, may bayad na ba yun guys? Ngayon kasi free pa lang.

Totoo nga naman maliit lang pag Bank transfer transaction pero kung OTC cash in naman ay medyo mataas na kasi may range sila per cash in , kapag medyo malaki na ang nilagay mo at lagpas na ito sa limit  ay madadagdagan ang percent ng fees na kailangan bayaran.

Pagkakaalam ko ay free parin ang cashout ni Coins.ph to Gcash , kung titignan natin bank transfer fee lang ang ibinalik . Tignan na lang natin sa susunod na mga araw baka magkaroon narin.
365  Local / Pamilihan / Re: GCash, PayMaya, and banks to bring beck Pesonet and Instapay fees on: September 29, 2020, 08:52:33 AM
Madaming nagalit sa social media tungkol dito and karaiwan nilang argumento is tungkol kung bakit nila ito tinatawag na "convenience fee" kung ang kanilang serbisyo ay pasok na sa new normal, diba parang tine-take advantage nalang nila yung sitwasyon na kung saan gipit yung tao dahil alam nilang wala na silang gagamitin na iba kung hindi yung serbisyo nila.


Kahit sino ata magagalit dahil kung kailan na pandemic tayo ay saka pa nila ito binabalik , ang masakit pa " convenience fee " daw pero kung tutuusin napakalaki na rin ang makukuha nila dahil kung mas malaki ang ilalagay mo ay mas lumalaki ang makukuha nila. Tama ka diyan , mas kailangan ng tao ang ganitong serbisyo sa panahon ngayon kaya alam na natin kung bakit din nila ito ibinalik.

 

Alam ko dapat magalit tayo dito pero sa panig din naman ng isang kumpanya maiintindiahan ko din na natamaan sila ng pandemic kaya nila ginagawa ito, ini-isip ko nalang yung mga trabahong maliligtas dahil sa ginawa nilang ganito.

Kung sa side naman nila ay tama nga naman dahil napakaimportante din sa kanila ito at marami talagang trabaho ang mapupunan dahil dito.
366  Local / Pamilihan / Re: Ang UnionBank at si Mr. Ron Hose ng Coins.ph on: September 29, 2020, 04:22:14 AM

 May bagong independent Director ang Union Banks walang iba kundi si Mr. Ron Hose  CEO  ng Coins.ph. Magandang hakbang ito dahil isang former CEO ng crypto wallet ang director ng isang prestigious banko dito sa Pinas. We can also see these partnerships will have many positive impacts towards crypto industry here.


Magsisilbi itong stepping stone para mas maiangat ang crypto sa ating bansa , alam naman natin na ang Union Bank ay isa sa mga pinagkakatiwalaang bangko dito sa Pinas. At kung magpapatuloy pa ang kanilang partnership at maging matagumpay ito ay baka magkaroon din ng mga interes ang ibang mga bangko na makipagpartner sa mga crypto wallets dito sa bansa.


 Hindi rin kasi lingid sa atin na isa ang Union bank sa pro bitcoin sa Pilipinas. Meron na rin silang bitcoin ATM.


Tama ka diyan , talagang makikita mo na ang pagsuporta nila kay bitcoin ay napakataas kaya pati bitcoin ATM ay inilabas nila.
 
367  Local / Others (Pilipinas) / Re: Vlogs on how to earn in Bitcointalk on: September 28, 2020, 09:37:40 AM
wag niyo ng paasahin ang iba na kikita dito sa forum dahil pahirapan at unahan sa sig campaigns.

dahil pansin ko dumadami ang campaigns na para lang sa hero member and above sa sobrang dami ng users namimili na rin sila ng rank baka sa hinaharap, restricted na sa mga legendary ranks

  Same thoughts as you, sir. Ang dami nga pong sumasali dito at umaasang kikita talaga sila in just posting. I mean, yes meron. Pero habang mas tumatagal forum's implementing rules na to minimize and/or eliminate yung mga spam postings. Ang hirap na rin para sa mga higher ranks sumali kasi nga ang tataas na nung ranks na need din ng mga campaigns to avoid yung sht posting.

Hindi na gaya ng dati itong forum na napakadali lang mag rank kaya kung magiinvite ka ng sasali ay dapat isama mo ang mga requirements at mga rules na kailangan sa mga campaigns. Importante sa mga campaigns ay ang mga high rank poster dahil mas mabibigyan ng magandang resulta ang pagcacampaigns at gaya nga ng sabi mo ay iwas shit posting ito.

Pero kung may mga interesado naman talaga matuto bakit  hindi natin turuan . Ang mahalaga lang ay ibigay ang mga detalye na kailangan pati na rin ang mga do's and dont para naman wala rin silang masisi sayo kung magkakamali sila.
368  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC? on: September 28, 2020, 01:28:15 AM
Gaya nga ng sabi ng iilan, ang coins.ph o abra ang pinakamabilis at pinakamadali para magkaroon ng bitcoin, una ang paglagay ng peso sa pamamagitan ng pag top-up sa mga piling merchant store at remittances at pagkatapos ay iconvert ito to bitcoin. Ang problema nga lang sa ganitong palitan ay napakalaki ng conversion fees nila at doon palang ay talo ka na kaya halos karamihan ng mga baguhan ay umaatras dahil dito.
Para saakin mas madali at mas mabilis magpasok ng pera sa Coins.PH upang makapagconvert o makabili ng bitcoin dahil kailangan mo lamang magpasok ng pera gamit ang iyong bank account, o pagpunta sa mga piling remittances o kaya sa cliqq machine sa 7/11. Ang proproblemahin mo nga lang ay ang conversion fee ng Coins.PH dahil medyo malaki ang halaga nito depende sa amount na i-coconvert mo.
Totoo naman na itong si coins ay napakabilis pag-usapang conversion dahil makikita naman natin na malaki ang kanilang kikitain sa palitan palang kaya pag dating sa ganun ay siguradong hindi ka nila pag hihintayin. Yun nga lang malaki talaga ang mababawas sayo lalo na't malaki ang pinalit mo at kung baguhan ka ay baka magulat ka sa naibawas sayo. Masakit pa dito kung ang plano mo ay paghohold lang ng bitcoin para kumita dahil alam naman natin na ang bitcoin ay sobrang mahiwaga at hindi natin alam kung kailan ba ito muling tataas , at kung sakaling dumating man yun ay siguradong panalo ka na.
369  Local / Pilipinas / Re: Kasikatan ng crypto , tinangkilik na ng mga sikat on: September 27, 2020, 11:32:07 PM
marami ng nagtangkilik ng cryptocurrency lalo na ang mga negosyante o maging mga sikat ay humahanay na din sa mundo ng cryptocurrency dahil sa mabilis na transaksyon at agaran pagtugon ng mga namumuhunan at mga nakikipagkalakalan.asahan na ang posibleng pagdami ng mga nahihikayat dahil sa kasalukuyang panahon ng pandemic


Kaya mas lalong lalaki ang mga tatangkilik sa crypto dahil nga sa kanila , tama ka rin na ang pangyayari ngayon na ating hinaharap ang siyang magbubukas sa isip ng iba na para pasukin at alamin ang kahalagahan nito at kung bakit ito ay buhay parin kahit na maraming mga naglalabasan masamang balita tungkol dito.

may mga celebrity na din ang tumatangkilik sa mundo ng crypto dahil nalalaman nila na mas malaking income ang maibibigay sa kanila lalo na kung lehitimo ang kanilang paglalaanan ng kanilang puhunan. isa na ditong halimbawa na celebrity na si manny pacquiao isa na din syang isa sa may ari ng tokne na ang tawag ay pactoken

Nasubaybayan ko ang balita kay pacman tungkol nga dito . Alam naman natin na kahit mahina sa edukasyon si pacman ay napakatalino niya sa pagsasaliksik at may puso siya sa mga tao . Higit sa lahat bago siya pumasok sa mga bagay bagay ay pinag-aaralan niya muna ito at kaya niya ginawa ang pactoken ay para makatulong at matutunan rin ng iba ang kahalagahan ng crypto kahit marami parin na sumasalungat at sinasabing ito ay isang cash grab lamang. Ang mahalaga dito ay ang patuloy na pag-angat ng mga pursigidong alamin ang crypto na kahit anung estado ng buhay ay sinusubuk pasukin ito.
370  Local / Others (Pilipinas) / Re: Misleading headline ng mga media on: September 26, 2020, 05:40:17 AM
Totoo ito, ang madalas mabiktima ng mga scams yung gustong kumita ng easy money. Wala naman talagang easy money at ang mga pinapakita sa online ay talagang pinaghirapan nila yung through referrals. Kahit sa mga investment na pyramiding ay hindi din easy money dun sapagkat kailangan mo rin magpursigi at humikayat ng maraming tao para kumita ng pera. Hindi ba't mas mahirap ang ganung sistema kung puro panghihikayat lang ang nagagawa. Kaya lugi talaga yung mga nagiinvest na nahihirapan humikayat ng maraming maisasali sa pyramiding schemes.
Ang ending mas dumarami ang naloloko dahil yung mga sumasali ay pilit na gustong maabot yung malaking kita na pinangako ng investment company kaya pursigido silang manghikayat ng mga maisasali nila. Hindi na rin talaga maalis yung mga refferal system na yan sa mga investment company dahil yan ay isang pinakamabisang paraan nila para makaenganyo pa ng mga sasali.
Mas mainam talagang suriin mabuti ang papasukin na investment pati na rin kung lehitimo ang mga taong nag-ooperate nito.
371  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pinakamadaling paraan ng pagconvert from PHP to BTC? on: September 26, 2020, 02:16:55 AM
Gaya nga ng sabi ng iilan, ang coins.ph o abra ang pinakamabilis at pinakamadali para magkaroon ng bitcoin, una ang paglagay ng peso sa pamamagitan ng pag top-up sa mga piling merchant store at remittances at pagkatapos ay iconvert ito to bitcoin. Ang problema nga lang sa ganitong palitan ay napakalaki ng conversion fees nila at doon palang ay talo ka na kaya halos karamihan ng mga baguhan ay umaatras dahil dito.
372  Local / Pamilihan / Re: Ako si Dogie's Channel Hacked and became a Crypto Channel. on: September 25, 2020, 07:11:55 AM
I think minimal damage lang ang matatanggap ng cryptocurrency in terms of reputation dito kasi onti lang naman ang may alam kung ano ba ang nang hack at baka isipin lang ng mga tao ay normal hacker lang ito na gusto manira ng tao since ang pangalan na pinalit ay "Live News". Most likely na mag-seserve lang ito as reminder na kahit anong platform pa ang gamitin nila, hindi 100% safe ang mga account.

Though good news na nabawi na niya ang kanyang account.

Yun na nga maliit lang pero masama parin , ang masama pa rito mas nadadagdagan lang ang masamang balita dahil sa ganitong pangyayari. Tamang walang kasiguraduhan ang anumang mga account at kahit pa gaano tayo kaingat ay maaring ito ay maglaho ng parang bula sa isang pagkakamali lang. Magsilbi sanang babala ang ganitong pangyayari , at sana lagi tayong mag-ingat sa anumang aksyon na gagawin natin. Pagdating naman sa pagrecover ay siguradong mababawi ni Dogie ang kanyang Channel dahil kahit papaano ay marami naman siyang nalalaman online kaya hindi na ako nagulat nang nabawi niya agad.
373  Local / Pamilihan / Re: [Babala]: SEC naglabas ng abiso sa isang cloud mining company - "Mining City" on: September 22, 2020, 02:36:53 AM

The difference between Hashocean at yung Mining City na ito is yung Mining City ay mga local team na nag-propromote sakanila in the Philippines as compared sa Hashocean na tanging mga users lang nito nag-propromote by way of sending their referral links sa mga Social Media websites. Kaya naging involve kaagad ang SEC dito kasi obvious violation ito ng isang illegally operating company na wala naman silang proper registration and permit para makapaglakad ng serbisyo dito sa bansa. Kaya makikita mo yung mga scam websites like Bitcoin Revolution na may local team na nag-propromote dito ay bistado kaagad kasi ang SEC mismo ang makakakita ng violation.

Mas uunahin nila na habulin ang mga illegal na nagooperate sa bansa dahil mas madali yung matukoy at masabat ang mga local team nito gaya ng Mining city at syempre basta company dapat may permit at rehistrado ng SEC para daw safe tayo at higit sa lahat may komisyon sila .Ito namang Hashocean sabi mo nga ay pang buong mundo means hindi natin alam kung nasaan nga ba sila at kung paano sila ng mahahabol ng SEC.


Pero yung mga scam websites na nag-ooperate internationally at mga tanging users lang na Pinoy ang nagpro-promote dito asahan mo na walang kibo ang SEC natin.


Alam naman natin kung bakit hindi nila hinahabol ang mga ganito , dahil " wala silang mapapala ".


 
374  Local / Others (Pilipinas) / Re: [NEW] Netflix phishing e-mail on: September 21, 2020, 07:14:22 AM

Halatang halata na gusto lang makapanloko. Hindi man lang pinag isipang mabuti kung tama ba ang grammar or hindi.  Ang modus nila ay mgsend ng email na nag expired na ang subscription at my phishing link na andoon mismo sa email. Kung hindi mag iingat at maclick ang link, mapupunta sa phishing website. Let's always make sure na tama ang url na pinupuntahan natin.

Ganun na lang ata talaga ang paraan nila para kumita, gagawa ng mga phishing site o fake email at isesend sa mga email add na alam nila. Karamihan sa mga ganitong phishing site o link ay madaling mapansin hindi lang sa wrong grammar pati na rin kung kanino o saan galing ang link. Mapapansin mo na may pinagkaiba kung palagi mo naman siyang nare-receive . Ganun talaga dapat laging mag dalawang isip bago mag click ng ano-ano at gaya ng sabi mo laging tignan ang Url na mabubuksan natin. Lagi lang tayong magbahagi ng makakatulong dito sa komunidad lalong lalo na tong mga ganitong klaseng pangloloko.

 Kodus sa mga nagbabahagi ng ganitong paksa. At para sa atin magdobleng ingat na lang tayo.
375  Local / Pilipinas / Re: Kasikatan ng crypto , tinangkilik na ng mga sikat on: September 21, 2020, 02:27:16 AM

Alam naman natin noong mga nakaraan ay mayroon nang mga sikat na tao na nainvolve sa cryptocurrency pero karamihan ay scam lang o cash grab lang.

 Pero kung may isang platform na legit na sasali ang mga celebrities o mga sikat na tao na may kaugnayan sa cryptocurrencies ay naisip na ba natin kung ano ang magiging impact nito sa bitcoin. Syempre positive impact eto sa bitcoin dahil madami na ang makakakilala sa bitcoin sa buong mundo. Ang bawat celebrities ay mayroong milyong milyong fans na kung saan posible din nilang malaman ang bitcoin ng kanilang mga fans o tagahanga.

Mas madali kasi silang makahakot ng mga investors at mga fans na makakaambag sa kanilang proyekto at idagdag pa yung mga plano nila na kapakipakinabang sa mga investors at sa mga tatangkilik nito kahit na ang lahat ng yun ay palamuti lamang para makakulimbat ng malaking halaga na pwede nilang maitakbo.


Ang proyektong GCOX na kung saan kasali si Manny Pacquiao ay tunay talaga na pinopromote ni Pacman, kung tayo ay magreresearch ay talagang mapapatunayan natin na talagang kasali dito si Manny Pacquiao at hindi ginagamit lang ang kanyang pangalan tulad ng ginagawa ng Bitcoin Revolution. Pero naiisip ko din na maaaring kinuha lang o binayaran lang ng GCOX si Manny Pacquiao para magamit ang kanyang pangalan pero sa kabilang banda naiisip ko din na mayroong inaalagaang pangalan si Pacman dahil isa syang senador ng Pilipinas at napakayaman nya na para ipagpalit ang kanyang pangalan sa isang scam lang.

Bilang tagahanga ng bitcoin, oo sinusoportahan ko talaga etong pactoken ni Manny Pacquiao dahil naniniwala ako na malaki  ang maitutulong ng mga celebrities para sa pagpapakilala ng bitcoin sa buong mundo.

Tungkol naman dito sa sinasabi mo ay nasubaybayan ko rin ito at isa rin akong tumangkilik at sumuporta nito , totoo naman na hindi basta nagpapagamit si idol sa mga scam gaya nga ng sinabi mo . At marahil ang isang dahilan kaya nga hindi masyadong pumatok ang plano ng platform ay mistulang cash grab lang daw ito ng mga celebrities dagdag pa ang kakulangan pa ng inpormasyon ng mga tao tungkol sa mga ganitong sistema.

Marami pang panahon ang dadaan hanggang makilala na ng karamihan ang kahalagahan ng crypto sa bansa .
376  Local / Pilipinas / Re: Brazil Central Bank ay naghahanda na raw sa pag-gamit ng Digital Currency on: September 20, 2020, 04:03:54 AM
Ayun din talaga ang pinakasagabal sa mga ganitong plano ,

Hindi naman siya sagabal sa plano, sadyang marami lang ang kakulangan sa bansa natin at karamihan sa atin ay nahihirapan pa rin mag-adapt sa paggamit ng digital money. Simpleng GCash at Paypal, karamihan ay nalilito gamitin lalo na't matanda. Ang mga business dito ay mas prefer ang pagtanggap ng fiat, kailangang makabawi sa puhunan araw-araw dahil doon sila kumukha pambili ng kanilang necessities. Malayo pa ang development na kinakailangan ng ating bansa para dumating sa punto na yan.

Iba lang ata ang pagkakabigay ko ng kahulugan ng sagabal sayo.  At tama ka naman na mahirap pa talagang iadapt ang ganitong sistema lalo na sa mga matatanda at yung mga problema na nabanggit mo gaya ng mga payment system ay hindi napakadali sa mga individual lalo na't napakahirap pa ng ating internet connection sa bansa. Pero kahit papaano ay mapapansin natin na may mga ilan na nag-aadjust na rin sa panahon ngayon at sumasabak na rin sa online business. Totoo nga naman na marami pang panahon pagdadaanan ang bansa para maging progresibo ang ganitong sistema , at ang magagawa na lang nila ay mag indorso ng alternate na sistema na pwedeng pang fiat at pang online gaya ng mga iilan payment system.

Okay naman ito kasi it helps educate people of how digital currency works. Ang problema lang this "digital currency" is regulated by the central bank. Eh 'di ba bitcoin is created to help people move away from banks, let alone the "central bank"? It is created to decentralize the financial system. So, even if it is "digital" like bitcoin, I don't think it offers the same solution. Ang mangyayari niyan regulated pa rin, hindi maaalis yung mga major extra steps sa transaction process.

If digital transactions lang din ang usapan mas preferable gumamit nalang ng gcash or coins.ph, kasi I agree na wala namang masyadong pinagkaiba, same solution and no benefits at all.
Mas mainam talaga yan  , napakadali pang gamitin kung usapan digital transaction at marami na rin nagtitiwala sa ganitong mga payment system na kailangan natin sa araw araw.
377  Local / Pilipinas / Re: Kasikatan ng crypto , tinangkilik na ng mga sikat on: September 19, 2020, 04:10:47 AM
Kaya itong pag-adapt ng mga kilalang tao dito sa ating bansa ang magsisilbing stepping stone natin para mas magkaroon pa ng malawakang paggamit nito. Minsan ang tanging dahilan kaya bakit hindi nila maintindihan ang ibang context dahil wala talaga silang alam at nakukulangan sa pagsearch. Kaya minsan dapat mas ugaliin din magbasa basa ng mga articles tungkol sa mga makabagong teknolohiya kaysa magbabad sa mga social media platforms. Mas mabuti na mayroon din tayong ibang reliable at legit source bukod sa mga news media dito sa ating bansa dahil pwede ding maging bias o kulang sa pagsisiyasat kaya negative ang mga information.

 Tama ka na ang mga personalidad ay ating steppingstone sa pagpapalawig ng kahalagahan ng crypto sa bansa kahit na maraming tumututol dito ay meron parin papaanong naghahanap ng magandang idudulot nito.Ganun talaga mga pananaw nila sa bitcoin at mga altcoins , hindi rin natin sila masisisi dahil biktima siguro sila ng mga mapanglinlang mga investment na involve ang cryptocurrency. Kasama pa dito ang mga media na halos puro negatibo ang inuulat tungkol dito at mga nagsusulputan mga investment sa mga social media , dati na rin negatibo ang tingin ko dito pero napag-isip-isip ko na subukan at alamin ang kahalagahan nito sa mga tulad natin at kung bakit ba tayo naging parte nito.

378  Local / Pilipinas / Re: Kasikatan ng crypto , tinangkilik na ng mga sikat on: September 18, 2020, 02:54:14 AM
You might be wondering why others celebrities here in the Philippines are not still in crypto even though pacman already started the hype of how good cryptocurrency is. Well in my opinion, that is because no matter how popular you are, you cannot still convince people to use cryptocurrency because they still afraid that it is just a scam like in the news.

Others are still close minded about it, only those who are capable of critical thinking are the ones who accepted bitcoin as a fate changer in their life.

Thats true , bad news about cryptocurrency is one of the reason why others still not accepting this . Like your said others are so afraid in losing or scam in crypto and there's only a little count of people that open minded about this.

For me , ill still fate in crypto even i live in the province that has a very low internet connection and im still glad to share the good of using this. Like others big and small names in crypto are still contributing the goodness of the crypto in there place.
379  Local / Pilipinas / Re: Brazil Central Bank ay naghahanda na raw sa pag-gamit ng Digital Currency on: September 17, 2020, 02:31:51 AM

Sa katulad ko naman gusto ko din naman maging successful ang kanilang plano to have their own digital currency. Pero ang Brazil kasi parang Pilipinas din yan na "cash is still king" pag dating sa ating daily transactions. So aside sa gawin nila itong economical solution for their citizens I don't see a big benefit for it especially kung wala naman masyadong tao na gagamit sa kanilang digital payment system na itatambal sa digital currency. What's the use of a digital currency sa isang bansa kung ang mismong citizen mo ay gusto pa ding fiat ang gamit sa pagbayad? Unlike China where they actually planned ahead of digitalizing payments with the help of WeChat and Alibaba sa kanilang mga payment getaways wala kang makikitang balita na ganito sa Brazil when it comes to the preparation of their own cryptocurrency.


Ayun din talaga ang pinakasagabal sa mga ganitong plano , gaya ng sabi mo ang fiat parin ang pinakauseful ng mga tao sa kanila pero kung makokontrol ng bansa nila ang kanilang nasasakupan at ipilit na gumamit ng ganitong sistema dahil na rin sa pandemya.Kung ang plano naman ng Brazil ay mapapaliwanag ang magandang maidudulot sa kanilang bansa ay hindi na tayo magtataka kung matupad man ang kanilang plano . Tungkol naman sa China malaki talaga ang pagkakaiba nila dahil nga sa laki rin ng populasyon ng China ay marami rin talagang gumamit ng kanilang mga digital payment at kitang kita naman natin talaga. Maganda na lang ata natin gawin ay mag antay ng resulta sa plano nilang gawin sa bansang Brazil kahit na alam naman natin na wala pang balita na pag-sangayon ang kanilang sinasakupan. Sa haba ng panahon ay marami ng pagbabagong mangyayari na hindi natin alam at malalaman na lang natin kapag naisa-balita na ito.
380  Local / Pilipinas / Re: Kasikatan ng crypto , tinangkilik na ng mga sikat on: September 11, 2020, 01:11:24 AM
Napakadami pa actually ang mga sikat na popularidad sa industriya ang open minded sa mga ganitong mga kapaki pakinabang na oportunidad tulad nitong cryptocurrency. Ang iba ay nagpahayag ng direktang pagsuporta at pangtangkilik sa pag invest ng cryptocurrency.

At kung magiging maganda ang progreso ng kanilang proyekto ay mas lalong lalawak ang crypto at mas marami pang tatangkilik nito. Nagiging masama lang naman ang tingin ng iba ay dahil na rin sa mga naglalabasan na crypto na nasasangkot ang mga kilalang personalidad na kalaunan ay biktima lang ng mga mangloloko para makahatak ng maraming mga investors.


 Magandang layunin ito upang kahit papaano ay maibsan ng agam agam ng mga kapwa natin dahil sa maling paniniwala nila na scam ang bitcoin. Kung ang sikat na tao ay maipakitang legit ito, maaaring makahikayat at maging aware ang iba sa pag gamit nito.


Kung itong binabalik ni Akon ay maging maganda at nagawa niya ng maayos ang balak niya sa proyekto niya ay baka mag-isip isip na ang ilan na tangkilikin ang crypto kahit na yung mga iba ay nag-iisip parin na baka cash grab lang balak niya sa proyekto. Halos kalat na rin ang balita about sa proyekto ni Akon at may nabasa na rin ako sa kamakailan lang social media news tungkol sa kanyang proyekto. At dahil dun mas maraming mangngangalap ng impormasyon kung ano nga ba ang mga magagandang maidudulot nun at pati masama. Mag antay na lang tayo ng magiging resulta nito.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 [19] 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!