Bitcoin Forum
April 25, 2024, 02:55:13 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 [31] 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 ... 238 »
601  Local / Others (Pilipinas) / Re: [SUGGESTION] Isang problemang mapapansin sa Local Board natin on: May 25, 2020, 05:29:23 PM
Madami akong thread na nababasa sa Local Board natin na mas karamihan ay binubuo ng mga salita sa Ingles o hindi kaya'y Bilingual (pinaghalong Ingles at Tagalog). Nakakaalarma lang rin dahil napansin ko na kakaunti na lamang ang mga newbie na kapwa natin Pinoy na nakikilahok sa mga usapin sa Forum lalo na rito sa ating Local Board. Halos mga active Members at pataas na rank na lang ang active sa atin sa mga usapin at marahil may mga users na nahihiya magtanong. Ngunit nakakaalarma parin dahil sa katunayan, issue padin ang Wika sa bansa.

Sa tingin ko hindi naman "Language Barrier" yung problema kung bakit konti lang yung activity natin sa local board natin eh. Hindi naman ito parang English board na may magbabawal sa mga miyembro sa pag-gamit ng gusto nilang wika. At kung hindi nila maintindihan yung mga English word dun sa mga Filipino posts madali lang naman i-Google ito para makuha yung meaning, and to be honest masusurpresa pa ako na naka-abot kayo sa forum na ito ng hindi man lang nakakabasa ng mga English websites dahil karamihan ng nasa web ngayon ay nasa English language at kaunti lang ang mga Tagalog versions ng mga websites. Ako aminado ako Taglish (Tagalog-English) ako mag-salita sa local board natin dahil may mga salita talaga na mas ma-inam na hindi isalin sa wikang Tagalog dahil mas mahihirapan yung mga readers natin. Katulad ng mga salitang "Cryptocurrency", "Mixer", "Transaction Fees", "Network", o di kaya "Mining" pag ito pinilit kong Tagalugin baka mag-iba na yung ibig sabihin niya at baka wala ng maka-intindi. Hindi ma talaga pwedeng ma-attribute yung pag-baba ng activity ng local board natin dahil sa klase ng wika natin kasi pwede mag-tanong ang mga miyembro both sa post nila o di kaya sa pag-Google ng mga salita.
602  Local / Others (Pilipinas) / Re: Blockchain Technology "AMA" on: May 25, 2020, 12:43:05 PM
  • Basically gagawa ka lang ng legacy wallet sa Electrum kasi yung legacy wallet nila ay compatible sa pag send at received ng transactions with a bech32 address
Based kasi sa mempool napakataas ng transaction fee ngayon lalo na monday which is busy day for bitcoin users. I'll be sticking with addresses that starts either with 3 or bc1

Meron din isang option pero hindi ko mai-suggest is yung pag-send ng BTC mo sa isang crypto exchange na kayang mag-send sa mg bech32 addresses, pwede mo gawin ito if gusto mo maka-iwas ng fees pero wag mo itong gawin kung wala ka pang existing crypto exchange na account baka ma-freeze lang Bitcoin mo dahil gagamitin mo lang yung crypto exchange nila as a wallet.
Seryoso po ba yon? makakaiwas ako sa fee? I thought may tx fee pa din kasi wala naman siyang kaibahan sa normal na pag broadcast ng tx sa bitcoin network eh.

What I mean about this one is yung sagot ko sa second option na binigay ko which is yung Legacy Wallet to SegWit Wallet mo from Electrum to Electrum. Yes meron pa din fees involved sa crypto exchanges pero if meron ka ng crypto exchange na compatible sa pag-send ng withdrawals sa SegWit addresses pwede ka na mag-send ng BTC straight without creating a Legacy Wallet, yun yung ibig kong sabihin na "maka-iwas ng fees".

mukhang ang ginamit ni Maus0728 para ma-setup yung Ledger Nano S niya ay ang Electrum Wallet
Opo, gumamit ako ng Electrum as an interface sa Ledger  Cheesy



So ang naisip ko na lang po eh mag transfer ng funds from coins.ph sa existing mycelium account ko then sa Ledger Nano S.

This will also work, sorry if medyo complicated yung nabigay kong work around sayo hindi ako aware na may Mycelium wallet ka. Pero since may Mycelium wallet ka check mo yung post ni bL4nkcode after nung sakin yan din sana yung sasabihin ko, and ang alam ko supported na din ang SegWit addresses sa pag-setup ng hardware wallet. Sa tingin ko mas magiging convenient sayo yun kasi pwede sya mag change ng wallet type. May mga tutorial naman yung Ledger about using Mycelium para ma-setup yung hardware wallet mo, medyo outdated nga lang yung statement nila na "Please note that Mycelium does not support Segwit BTC addresses." dahil ang alam ko 2018 pa lang SegWit enabled na ang Mycelium wallets.
603  Local / Others (Pilipinas) / Re: Blockchain Technology "AMA" on: May 24, 2020, 08:26:43 PM
    Basically gagawa ka lang ng legacy wallet sa Electrum kasi yung legacy wallet nila ay compatible sa pag send at received ng transactions with a bech32 address
Or you can just use mycelium wallet, may feature si mycelium na kaya niyang ma change ang wallet address from legacy (1) to nested segwit (3) or to native segwit (bc1) just by taping the qr code see image.

You just need to import yung legacy private key sa mycelium and then you can either use yung segwit (native or nested) at legacy, same account ma rereceive mo btc mo whether you used any of those wallet address.

I was gonna suggest this too pero natandaan ko yung post ni Maus0728 about sa pagkaka-tanggap niya ng Ledger Nano S and based na din sa post niya sa Development and Technical Discussion board mukhang ang ginamit ni Maus0728 para ma-setup yung Ledger Nano S niya ay ang Electrum Wallet kaya binase ko nalang yung sagot ko dun sa current na sitwasyon niya. But kung may chance pa para mag-palit ng wallet setup si Maus0728 sa tingin ko din mas convenient yung Mycelium Wallet sa sitwasyon niya if he wants a SegWit address para sa kanyang Ledger Nano S.
604  Local / Others (Pilipinas) / Re: Blockchain Technology "AMA" on: May 24, 2020, 05:35:53 PM
Gandang gabi!

Ask ko lang kung pwedeng mag send ang coins.ph na may script type na Pay-to-Script Hash (P2SH) which starts with 3..sa Bech32 addresses na nag start sa bc1

From what I know SegWit (P2SH) addresses, yung kaparehas ni Coins.ph na nag-iistart sa (3) ay pwede makatanggap ng transaction from Coins.ph base na rin sa mga nakita kong experience ng ibang mga members dito tungkol sa address compatability ni Coins.ph. Pero kung straight naman from Coins.ph (P2SH) to a SegWit bech32 address (bc1) ang usapan ito ay hindi compatible. So para sakin meron kang 2 options o work around para ma-send yung BTC mo to a SegWit address.

  • Creating a P2SH SegWit Wallet - Which is really technical if i-coconsider mo yung Electrum wallet sa Windows, ang default kasi ng Electrum SegWit wallets ay bech32 addresses
  • Sending BTC to a legacy wallet that is compatible on sending in SegWit (bech32) address (Electrum [Legacy address] to Electrum [SegWit address]) - Pwede mo ito magawa sa software nila kasi pwede ka naman gumawa ng multiple wallets sa software ng Electrum. Basically gagawa ka lang ng legacy wallet sa Electrum kasi yung legacy wallet nila ay compatible sa pag send at received ng transactions with a bech32 address

Meron din isang option pero hindi ko mai-suggest is yung pag-send ng BTC mo sa isang crypto exchange na kayang mag-send sa mg bech32 addresses, pwede mo gawin ito if gusto mo maka-iwas ng fees pero wag mo itong gawin kung wala ka pang existing crypto exchange na account baka ma-freeze lang Bitcoin mo dahil gagamitin mo lang yung crypto exchange nila as a wallet.
605  Local / Others (Pilipinas) / Re: Online transactions and house bill #6765 on: May 24, 2020, 01:39:50 PM
Naiintindihan ko din naman ang magandang layunin ni Albay Rep. Salceda kung ito ay for the good cause para sa COVID. But then iniisip ko din, aside pa sa transaction fees ay mayroon pa tayong tax na babayaran if ever.

@OP and para na din sa ibang miyembro na makakabasa nito just a point of clarification lang, hindi sa atin ipapataw yung bagong mga tax na ito kung hindi sa mga sebisyo katulad ng Netflix at Spotify sa kanilang mga subscription based income at para sa Google, Facebook, at Twitter para sa kanilang mga ad revenue na hanggang ngayon walang tax na nakukha. Considering that all of these ay international company malaking yung kinikita nila sa atin pero walang kinikita yung bansa natin sakanila, yung punto lang naman ni Joey Salceda dito since na mababawasan yung corporate tax from 30% magiging 25% ay naghahanap sila ngayon ng bagong paraan para magkaroon ng tax yung mga malalaking kumpanya na ito.


clicking the images will direct you to the House Bill 6765's pdf file

Under the measure, digital advertising by Google and social media giant Facebook, as well as subscription-based services like Netflix and Spotify will be subject to value added tax.

Salceda noted that companies which offer streaming services do not pay taxes, while Google and Facebook are not subject to any VAT for advertising.

No new taxes here, we just want them to pay their fair share,” he said in a statement.

Inu-ulit ko lang ang tax na ito ay para sa mga kumpanya na nabanggit sa house bill for their digitized businesses and the proposed taxes sa bill ay hindi apektado ang mga users ng mga services na ito which I think is a good thing for us, right? I mean Facebook, Twitter, Instagram, and maybe even Snapchat will all be paying taxes, di nalang sila yung palaging kikita sa atin dahil tayo ang "product" ng mga social media websites na ito these companies don't have any offices in the Philippines pero they profit from us sa tingin ko yung tax na ito ay magbabago nun.
606  Local / Pilipinas / Re: Heads up! "Researchers in Philippines Track Crypto Use By Terrorists" on: May 23, 2020, 05:33:17 PM
Still kung gusto niyo magka-roon ng reliable source mag-hihintay nalang ako ng mga research o findings na nang-gagaling sa SEC o Bangko Sentral natin dahil sila talaga ang in charge pag-dating sa pag-bibigay opinyon sa mga mambabatas natin.
I strongly agree. Based nga rin sa ginawang pahayag ng PIPVTR, you could notice na they have shallow knowledge about cryptocurrencies and what they posted is just a rumour without cited sources to strengthen their allegations.

In terms of cryptocurrencies or Bitcoin, I don't think SEC and BSP are reliable, much less experts. Neither am I expecting them to be really objective. Kaya medyo mahirap kapag ang gumagawa ng batas eh yung mga nasa posisyon lang sa gobyerno. This has happened in other countries also. And the entire population as well as the reputation of crypto are affected.

Kaya nga yung fintech bill sa senado hindi umuusad kasi aminado sila, kasama na yung chair ng komite mismo na si Sen. Poe, na wala silang alam tungkol dyan. At malamang sa malamang nauna na nilang narinig ang Bitcoin na nagagamit sa scams rather than a decentralized currency using a peer-to-peer network. At dagdag pa itong mga ganitong articles na inassociate na naman si crypto sa mga ilegal na gawain bago man lang naintindihan yung pinaka-essence nya.

Yes I would have to agree on you on that one, hindi man sila masasabing "experts" pag-dating sa field ng cryptocurrencies sa bansa but the thing is sila ang na-atasan na government department to be in-charged with the crypto industry sa Pilipinas. For example of their power ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay meron ng Memorandum Circular, which sa bansa natin can serve as a temporary law, for crypto exchanges that alone ay nag-papakita na may kapangyarihan sila gumawa ng batas na patas without being an expert on their field. Pag-dating naman sa mga mambabatas natin na walang ka-alamalam sa cryptocurrencies masasabi ko na nandyan ang BSP, SEC, at chaka CEZA natin para i-guide na sila sa tamang direksyon especially nag-start naman ang Pilipinas openly about cryptocurrencies kumpara sa ibang bansa na panget tingin dito. I previously posted yung first major cryptocurrency related senate bill natin sa senado at ina-nalyze ko ito and generally wala naman akong nakitang negatibo para sa cryptocurrency at puro nalang regulation kung paano ito tatakbo sa Pilipinas. Kaya masasabi ko din na it's too late for PIPVTR to change a lot of heads at this point.
607  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Discussion] Bakit nagkakaroon ng plagiarism at paano natin ito maiiwasan? on: May 23, 2020, 02:41:57 PM
May 2 uri ng plagiarism - ayon kaytbct_mt2
Intensyonal - talagang intensyon ng poster ng kopyahin mula sa source ang text o paragraph. Nagsasalin ka ng parte ng isang post mula sa iba para maidagdag sa iyong post.

Ang intensyonal na plagiarism can be broken down into different types/kinds ng mga plagiarism na laganap dito sa forum.

  • Direct Plagiarism - Ito yung mga members na madalas na kumkopya nalang sa ibang mga miyembro o sa ibang mga sources online hoping na walang makakahalata sa ginawa nila.
  • Fake Paraphrasing - Ito naman yung mga members na gustong utakan yung ibang mga miyembro sa pagkaka-akala nila na pag magpapalit sila ng kaparehas na salita ay hindi sila mahuhuli. Madalas silang gumamit ng mga paraphrasing tool online para magawa yung plagiarism nila pero mahahalata mo din ito pag nakita mo na yung kinopyahan nila.
  • Text Spinning - Similar sa fake paraphrasing ang text spinning naman ay ang pag-kuha ng mga salita at ang pag-bago ng mga posisyon nito para hindi sila mahuli sa kanilang kinopya na post o article.

Now lahat ng ito na sinabi ko ay still counted as plagiarism kasi wala ka namang ibang ginawa kung hindi kumopya ng ginawa ng iba at wala ka naman dinagdag na bago maliban nalang sa mga rewording at pag-babaligtad ng mga sentences which is not considered as adding anything new dahil basically mga salita pa din ito ng ibang tao. Sinulat ko lang din ito para maging aware kayo na hindi lang isang uri ng plagiarism na ginagawa dito sa forum na ito kahit ang mga fake paraphasing at text spinning ay counted pa din as plagiarism ng mga admin kaya wag kayong mag-banta na gawin ito.
608  Local / Pamilihan / Re: Beware of Gcash Scammers on: May 22, 2020, 04:20:32 PM
They asked their victims of their personal details, including the account number, mobile personal identification number (MPIN), one-time password (OTP), authentication code, birthday and e-mail addresses. Believing they are for real, the victims gave the details needed to gain access to their accounts.

Madami ng beses ako ng nagkaroon ng account related concerns sa mga bangko at wallet apps and never tinanong sa akin kung ano ang password ko, OTP, o di kaya PIN dahil obvious naman na dapat ikaw lang ang nakaka-alam nito. Mostly ang tinatanong lang nila para ma-verify na ikaw kausap nila is yung email na ginamit mo, address na linagay mo, at yung birthday mo and siguro pag lumagpas na sila ng hihingiin sayo like answers sa security questions o yung mga personal details na dapat ikaw lang ang nakaka-alam dapat mo na silang pag-hinalaan. Kahit pa sabihin natin na nang-galing yan sa similar number ng Globe which is "2882" I'll assume pa din na hindi tama ito dahil hindi nila dapat tinatanong kung ano password ng account ko. Di ko man alam kung paano sila nagkaroon ng four digit number pero dapat nag-dodoble ingat ka na din lalong-lalo na pera mo yung pwedeng makompromiso.
609  Local / Pilipinas / Re: Ledger Nano S Package Review on: May 22, 2020, 02:38:17 PM
~snip
Hello mate yung whole package niya na whitebox may balot pa siya ng clear plastic usually almost same pagbumibili ka ng brand new cellphone na may plastic or yung mga food na naka styro na nakasealed ganun yung gamit nila. Sealed and very well intact siya. Yung pinaglagyan naman niya is parang same ng plastic ng lbc na naka tapped din na alam mo kung natampered or hindi kasu ang gamit nila is yung parang sa mga letter na ipangdidikit ( not sure tawag dun) for me ayos yung safety ng product.

Siguro kung walang plastic yung box of ledger yun magdududa na ko kasi madlaing iopen yun package kung wala nun eh.

I'm still uneasy about this one kasi if iisipin mo madali lang i-repack yung mga boxes ng mga gadgets using plastic at blow dryer hindi mo mahahalata yung original sealed plastic nya sa hindi, ito din ginagamit ng mga scammer sa Lazada at Shopee na nagpapalit ng cellphone sa sabon para pag-binalik nila yung cellphone for refund mukhang hindi pa nabubuksan yung package. Yung isa pa sa pinag-aalangan ko is from what I know walang mga tamper seals yung boxes ng ledger nano kaya dapat mag-rerely talaga tayo sa security software built-in sa hardware wallet nila.

Personally, I have ordered Ledger devices siguro 4 times na, every single package was still in it's plastic packaging. Buksan man nila, not sure what they could do with it in the first place. The likeliness na may magagawa ung mga tao sa customs sa device mo is too low na di na siguro dapat natin pansinin. And kung may magawa man silang hindi maganda to potentially steal your funds, ang Ledger ay may genuine check software so may extra layer of security there. But yea, kung gusto mo talaga ng extra safety(which is definitely not bad), It'd be better kung idaan mo nalang talaga sa kamag anak.

Yes I know about their software security sa mga hardware wallets nila pero I'm still not confident about shipping and ayaw ko mag-rely sa security lang ng ledger nano kasi pwede ito maging unsecure sa oras na may makitang vulnerability yung mga hackers. Sa akin point of view lang naman it's better to wait as well as be safe rather than sorry, so bale hihintayin ko nalang yung mga uuwi kong kamag-ank.
610  Local / Pilipinas / Re: Ledger Nano S Package Review on: May 22, 2020, 01:06:06 PM
Nasa around 3,500 PHP ung presyo niya, pero parang a few weeks ago lang 50% off siya.
Tama, almost 2,700php including the shipping fee and custom duties na.

Me and OP both availed the Ledger Halving Promo sulit talaga siya, actually kung kasama lang Nano X sa promos nila yun sana aavail ko pero okay na din yung NanoS kasi almost the same lang aside from the bluetooth function and more supported tokens and coins.

@Maus0728 at @cryptoaddictchie out of curiosity lang yung na-receive nyo ba yung package niyo (box and product itself) intact pa din sya and parang hindi na-tamper? Kasi from what I know lahat ng imports ay ini-inspect ng customs natin at alam naman natin na hindi masyadaong trusted ang customs officials natin sa mga ganitong bagay. Ito yung isa sa mga biggest gripes ko when it comes to buying internationally lalong lalo na kung electronic device kasi takaw mata, di ko din mapag-kakatiwalaan yung mga nagbebenta dito locally kasi hindi naman sila official retailers ng ledger so yung nakikita kong tanging choice ko nalang is maghintay ng kamag-anak sa US na uuwi dito sa Pilipinas which right now na postpone yung plano nila dahil na nga sa pandemic.
611  Local / Pilipinas / Re: BITCOIN MANAGEMENT FOR FINANCE-RELATED COURSES? on: May 21, 2020, 07:51:39 PM
Impormasyon ang pinakamabisang sandata. Hindi natin inaasahan na ang lahat ng mga tao kabilang ang matatanda ay makakagamit nito kaya't kailangan magkaroon ng pag-aaral kung paano nga ba ang transaksyon at pamamalakad sa paggamit ng Cryptocurrency. Sa panahon ngayon, hindi ba't nararapat lamang na umpisahan na rin ng mga tao ang pag-aaral tungkol sa bitcoin? Lalo na't sa mga finance-related courses. Tama na siguro ang pag-intindi natin sa mga lumang libro na ang tanging nilalaman ay ang mga lumang kaalaman din. Nag-aaral ang mga estudyante para maging handa sa hinaharap at hindi nating maitatanggi na ang Cryptocurrency/Bitcoin ay isang parte ng hinaharap ng mga Pilipino.

Hindi ko na mahanap yung lumang post ko dati related sa courses or programs about Bitcoin pero basically ito yung opinyon ko dito. Hindi pasok ang "Bitcoin" as a subject sa isang kolehiyo dahil kulang ito sa content lalong lalo na kung ang ituturo mo lang dun is basics sa apps at kung paano gamitin, kulang matutunan ng estudyante dito at masasayang lang yung units na naka-laan dito para sa isang term. Nung college student pa ako baka ang Bitcoin or Cryptocurrencies pwede pa maging isang student organization o club sa isang college dahil pwede syang ma-consider na special interest group (SIG) dahil na din madaming estudyante na aware dito. Katulad ng Stock Investment sa Pilipinas meron kaming student organization para sa mga estudyante na gustong matuto pa para dito pero never syang tinuro sa mga business related course namin in general. And honestly sapat na ang mga IT and Computer Science related courses para dito dahil mas gamay nila ang tech given na din sa nature ng pinag-aaralan nila.

Nagkaroon ng survey na 7 out of 10 Pinoy ay walang bank accounts. Kaya isang magandang paraan ang Bitcoin para magkaroon sila ng kapital para sa gustong mag-umpisa ng negosyo.

Not sure if I agree with this. Assuming na totoo na 7 out of 10 filipinos ay walang bank accounts, well, mostly hindi ito dahil wala silang access sa banks(unless ung mga nasa remote na lugar talaga), but most likely dahil wala silang mailalagay na pera sa banko in the first place dahil sa kahirapan.

Also, kung wala silang pera, paano sila magically magkaka capital through Bitcoin? It's not like may "Bitcoin organization" na magpapautang sakanila ng pera. They'd have to buy it in the first place to take advantage of the long-term price rise.

@mk4 unfortunately this is accurate may ginawa na din kasi akong topic tungkol dito at isa sa mga na-research ko is yung Financial Inclusion Survey na ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas na pinapakita na 52.8 million out of 68.57 million na Filipino adults ay walang proper bank account meant for savings sa isang bangko, this is roughly 77% ng populasyon ng adult sa Pilipinas. Keep in mind yung sample ng survey na ito ay 1,200 adults na nang-galing pa sa mga urbanized regions like Metro Manila at yung mga urbanized areas ng Visayas at Mindanao. Paano pa kaya kung mga remote areas? Malamang baka tumaas pa yung estimate ng mga unbanked na Filipino.

612  Local / Pilipinas / Re: Heads up! "Researchers in Philippines Track Crypto Use By Terrorists" on: May 21, 2020, 03:13:10 PM
While we cannot verify the veracity of this particular finding, the recommendations that this body might submit to the government authorities, regulating bodies, and legislative committees might present cryptocurrency or Bitcoin in a bad light. As a result, baka may paghihigpit na gagawin against cryptocurrency or Bitcoin in the coming months or years.

I wouldn't got that far, PIPVTR ay isa lamang independent organization at base sa description na sila mismo nagbigay isa lamang silang "non-government think tank" and afaik never silang ginamit ng ating gobyerno as a cornerstone o basis sa pag-gawa ng batas, hindi sila directly related sa gobyerno at registered sila sa SEC natin as a company not a government owned company. Isipin mo nalang na para syang Social Weather Stations (SWS) o Nielsen na nagbibigay ng research, survey results, o di kaya insights pero di naman sila ginagamit na basis sa pag-gawa ng batas sa Pilipinas. Still kung gusto niyo magka-roon ng reliable source mag-hihintay nalang ako ng mga research o findings na nang-gagaling sa SEC o Bangko Sentral natin dahil sila talaga ang in charge pag-dating sa pag-bibigay opinyon sa mga mambabatas natin.
613  Local / Pilipinas / Re: Cheapest way to send php to the Philippines via bitcoin? (normie-friendly) on: May 20, 2020, 08:34:45 PM
If I have to pay someone who is in the philippines and is a total normie not into crypto, I normally tell them to make a coins.ph account, tell me the bitcoin address associated to their account, and send them bitcoin which they now can directly convert into php.
Convenient, but very pricey in terms of fees and conversion rate.

Any other alternative you guys are aware of?

Not gonna try Abra as the people I send money to wouldn't know how to cash out.
My situation is simple. Even though I am familiar with bitcoin, the people I send money to aren't at all. Most Filipinos fall in that category.
The Abra guys could work on their user interface and making things easier for those people and they'd sure get a bigger slice of business.

I don't understand your reasoning here. You were just saying in your OP that you want "normies" to create a Coins.ph account even though they aren't aware of the app mostly yet you don't want them to try Abra which is the same and the closes competitor of Coins.ph, they are basically the same service and both of them if introduce to new people that are not into cryptocurrencies will just take the same time to learn the app/service itself. If you are looking for alternatives here for sending Bitcoin then this is the best thing you have as this is the only alternative for Coins.ph here in the Philippines. But if you still insists on not introducing Abra to your Filipino "normies" I guess your only choice left is a non-BTC transaction to send them money to like what I previously suggested.

Well, if you want to convert your bitcoin to php with cheap fee only, you can use gcash app. You just convert your bitcoin to php then transact it to
the gcash app. They don't have any fees that will lessen in your transact money.

What I need to do is specified in the OP. I want IT illiterate people to receive php from me while I send btc. Coins.ph so far seems the only method which is unfortunate due to the exorbitant fees and conversion rate.

Philippines is a country driven by remittances and overseas incoming funds, would be good to see some healthy competition in the industry.

And FYI you can send BTC to Philippine Peso in Abra because it has a Peso Wallet in-app. Here is also the full list of fiat currencies they have in-app for their international users.

Can someone send me Bitcoin if my wallet is not set to Bitcoin?

Yes, Abra will automatically convert Bitcoin to your current wallet's currency and apply the current exchange rate. For transfer between two BTC wallets, no conversion will be performed.

Please note, a sender will have to choose which currency wallet to send to.
614  Local / Pilipinas / Re: Small Business that accept bitcoin or cyptocurrency here in PH, worth it ba? on: May 20, 2020, 04:25:25 PM
Binasa ko yung article ng "Bitcoin Cash Jeepney" and isa sa mga naka-sulat dun yung author may na-diskubreng gas refilling station na tumatanggap ng Bitcoin payment sa Pilipinas, talagang nakakagulat ito dahil ispin mo ba naman madalas convenience/sari-sari store o di kaya kaininan yung mga tumatanngap lang ng Bitcoin pero ito isang gas refilling station ang tumatanngap. Hindi lang maliit na business ito kung hindi isang maliit na kumpanya na ang nag-hahandle nito, nasa Pangasinan man sya sa tingin ko nakaka-tuwang isipin na umaabot na ang Bitcoin payments sa mga malalayong probinsya ng Pilipinas.

What I discovered?

A gas station in the Philippines that accepts Bitcoin.

   

Ardy Mejorada, ASEAN Secretary of the World Blockchain Organization snapped a photo of Blockchain Fuel, a gas station that can be found in Matalava, Lingayen, Pangasinan that accepts Bitcoin as mode of payment.

Mr. Mejorada also shared his photo together with Sir Roger Ver


Nag-research din ako at nakita ko na may article pala yung Bitpinas dito and mukhang nung binisita ni Ardy Mejorada yung fuel station na dapat daw syang magbabayad ng Bitcoin ay hindi natuloy dahil ang tanging may-ari lang daw kaya mag-handle ng transaction. So nakaka-lungkot isipin na yung mga employees ng fuel station nito walang capabilities mag-handle ng mga customers na mag-bayad ng Bitcoin, pero last 2 years na yung article na ito baka may mga nag-bago na this 2020. @Asuspawer09 I think magandang isama ito sa OP mo kasi malaking bagay ito na naka-ligtaan ng marami sa atin.
615  Local / Pamilihan / Re: HELP po about sa Coins.ph on: May 20, 2020, 09:33:26 AM
Salamat po sa mga tulong nyo siguradong darating naman po ba yan diba? Kasi po ibibigay ko na sa kanya yung product. Maraming salamat po sa mga sumagot.

Walang kasiguraduhan ito, since until now 0 confirmation pa din sya ito yung pinaka-vulnerable sa attack ma-aaring mareverse yung transaction nito if talagang into yung pakay ng buyer mo. If I were you I'll wait nalang muna kahit ma-delay yung payment until I get 1 confirmation sa transaction na ito. I-explain mo sa buyer mo na kahit confirmed na ng Shopee yung payment dahil sa sobrang baba ng fees wala pang confirmation yung payment niya sa Bitcoin network, maiintindihan naman niya siguro ito if totoong buyer sya at hindi ka sinusubukan i-scam.

     

Also sinubukan ko i-accelerate yung transaction mo I don't know if merong epekto ito dahil sobrang baba ng fees ng nag-send sayo which is 8sat/B if titignan mo kung ilan kayong transactions na may 10sat/B or below makikita mo nasa may 20k+ kayo ang priority ng mga miners syempre yung mga matataas yung fees. Share ko lang experience ko about sa mga ganitong transactions ko na may mababang fees. Dati may mga transaction ako na 60-70sat/B for a .012BTC transaction for 2 weeks wala ako naging confirmation ni-isa so I doubt makakatulong yung mga free BTC tx accelerators dito. So siguro I'll wait for a week kung magkaroon man ako ng isang confirmation bago ako mag-decide kung i-sesend ko ba yung product for shipping.

616  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mga may pera sa stocks, kamusta? on: May 19, 2020, 08:28:31 PM
If I'm not mistaken, noong 2015, I withdrew all of my money from the stock market and invested all of it into cryptocurrencies mainly sa Bitcoin and ETH. Malaki yung kinita ko don nung last massive bullrun ng 2017.

As of the moment, I'm planning to invest again into Philippine Stock Market dahil sa mga sobrang bababang price ng stocks ngayon due to several factors happening in our country and the whole world. Pero, mas focused ako ngayon sa crypto and together with my day job, I don't have any extra time to put it into stocks trading. My plan for now is to invest my extra money into UITFs provided by different banks (I'm eyeing BDO). Medyo mabagal kumita sa UITF pero tinitingnan ko ito as passive investment.

Kindly look at my previous post dito sa thread na ito about sa UITFs, kasi sa tingin ko kailangan mo malaman na pag UITFs ang pinili mo wala kang option to invest kung saan yung option mo lang kung anong klaseng UITF yung pipiliin mo like money market fund or equity fund (stocks). Dun din sa post ko makikita mo yung latest performance ng BDO Unibank kung saan makikita mo negative earnings nila sa lahat ng uri ng UITF na ino-offer nila. Advice ko lang sayo if hindi mo kaya mag "trade" sa Philippine Stock Market I would suggest na mag "invest" ka nalang which is not as time-consuming as trading dahil hindi mo naman palagi imo-monitor yung market dahil mag value-oriented companies at hindi speculative stocks ang pipiliin mo. Kung talagang vinavalue mo yung pera mo sa tingin ko talaga investing directly sa stock market is the right thing to go kaysa sa ilagay mo sa UITF fund.
617  Local / Others (Pilipinas) / Re: Blockchain Technology "AMA" on: May 19, 2020, 03:21:12 PM
~
Anong wallet ba ang pwede na makapag-send ng bitcoin to a multiple address kabayan?
Kailangan ba lumikha ng panibagong wallet para dito?
I'm assuming questions 1 & 2 are related.

^ With both wallets, you can send to many using only one address. Meron silang "pay to many" feature.

AFAIK, wala pang mobile wallet ang kayang gumawa nito.

Alam ko mas may karanasan sila @mk4 o @bL4nkcode pagdating sa electrum or bitcoin core. Hoping they can add more.

Ito yung sagot para kay bisdak40

Can I do bulk payments with Electrum?
You can create a transaction with several outputs. In the GUI, type each address and amount on a line, separated by a comma.

@Bisdak40 hindi simpleng Bitcoin wallet ang Electrum in terms of sa commong UI pag-dating sa mga custodial wallet apps gaya ng Coins.ph so kung marunong ka mag-basa ng English I would suggest na basahin mo yung guide na ito na ginawa ni BitCryptex meron din syang advanced user guide kung gusto mo matutunan mag verify ng messag. If gusto mo matutunan yung bulk payments I would suggest na i-click mo yung link sa quoted message na binigay ko, madali lang naman ito dahil meron din nga example picture na binigay yung Electrum website.

AFAIK, wala pang mobile wallet ang kayang gumawa nito.

Alam ko mas may karanasan sila @mk4 o @bL4nkcode pagdating sa electrum or bitcoin core. Hoping they can add more.

Tama ka dito @Bittzed03 kahit yung mobile wallet app ng Electrum walang capacity to send to multiple addresses in one transaction hindi ka nga din pwede mag-sign ng message, lahat ng ito pwede gawin sa desktop version ng Electrum. Mukhang ang tanging purpose lang talaga ng Electrum Mobile app is gawing wallet sya for on the go payments at hindi meant for storing.
618  Local / Pilipinas / Re: Online platform offered Cryptocurrency and Blockchain to learn. on: May 18, 2020, 03:56:09 PM
Baka mag-taka kayo kung bakit mahal yung sa UNIC at sabihin niyo hindi makatarungan yung presyo, natural lang ito kasi hindi naman ito online class isa itong Master of Science degree (MSc) program related sa Cryptocurrency namely Master of Science in Blockchain and Digital Currency na tatagal ng 3 semesters. Hindi ito yung pang-karaniwang online course na pag natapos mo yung mga lesson may online certificate of completion ka ito pag-natapos mo yung kurso na ito may certificate of graduation at master's degree ka na considering na yung tinapos mong kurso for undergraduate studies is related sa MSc na ito.

Yung free courses naman nila, Massive Open Online Course (MOOC), ay open sa lahat and pa-ulitulit lang yung mga topics na dinidiscuss dito which napost na sa OP. The good thing about this one is yung mga previous lessons nito ay ina-upload sa Youtube kaya hindi mo na kailangan mag-register or maghintay ng schedule sakanila. The only downside it if pinili mo manuod ng previous lessons nila ay hindi ka enrolled, hindi ka pwedeng makapagtanong sa Instructor kasi hindi sya live, at wala kang makukuhang certificate after mo matapos yung mga video pero kung nandito ka lang para matuto sa tingin ko sapat na itong panunuod ng mga previous lessons ng MOOC nila. 


For the sake of your convenience hinanap ko yung mga latest session ng UNIC with regards to their free MOOC classes para sa course nila sa Digital Currencies.

Lesson # 1 : (Brief) History of Money
Lesson # 2 : The Byzantine Generals' Problem
Lesson # 3 : Digital Currency Basics
Lesson # 4 : Bitcoin in Practice – Part 1
Lesson # 5 : Bitcoin in Practice – Part 2
Lesson # 6 : Alternative Uses of the Blockchain
Lesson # 7 : Alternatives to Bitcoin
Lesson # 8 : Digital Currency and Central Banking
Lesson # 9 : Digital Currency and Financial Institutions
Lesson # 10 : Regulatory and Tax Treatment
Lesson # 11 : Digital Currency and Innovation
Lesson # 12 : Digital Currency and the Developing World
619  Local / Others (Pilipinas) / Re: Blockchain Technology "AMA" on: May 18, 2020, 01:28:07 PM
Yung iba makikita niyo dito - Informative threads in our local section

Pwedeng basahin mga topics dun. Kung may hindi covered o kung may karagdagang katanungan, comment lang natin dito.

@Bttzed I guess ito yung tamang gawin ng mga newbies, dapat matuto muna silang mag-basa ng mga topics bago sila mag-tanong posible kasing may naka-sagut na ng mas maganda o di kaya naipaliwanag na ng maayos sa mga in-depth threads na nasa listahan na yan. Dapat magsilbi yung thread na ito na lugar para sa mga katanungan na hindi pa nasa-sagot o yung mga sagot na nahihirapan yung mga members na intindihin. Para maiwasan na din yung mga low-ranking members na nag-popost ng walang sense o di kaya mga tanong na generic na o yung mga tanong na na-sagot na ng maraming beses, makikita mo kasi kung sino yung nagbabasa/nagre-research at yung hindi eh.

Aside sa Index natin for Local Topics meron din ginawang List of Guides si LoyceV kung gusto mong magbasa ng mga topics na nasa English Language.

Topic: [GUIDES] on Bitcointalk. Index thread (until there is a dedicated subforum?)

Pangungunahan ko na kayo kung yung threads na babasahin niyo is yung na-compile ni LoyceV mostly yung mga topics na kasama dito is dapat may kaunting ka-alaman ka na sa Bitcoin dahil hindi ito pang beginner friendly na topics katulad ng mga "What is Bitcoin?" o "Introduction to Bitcoin". Although merong topic na "Terminology" dito na ginawa ni yogi na nakalagay sa "Other" section karamihan ng topics dito ay hindi related sa introduksyon para sa Bitcoin. Aside from the OP ng thread na ito if titignan niyo yung post ng ibang members makikita niyo na nag-popost din sila ng ibang topics, nasa sainyo na yun kung gusto ninyong basahin o hindi may mga topics kasing hindi na-isama sa main post kaya i-check niyo nalang if sa tingin mo makakatulong sainyo.
620  Local / Pilipinas / Re: Ang tatlong posibleng scenerio pagkatapos ng Bitcoin halving on: May 17, 2020, 08:26:08 PM
I don't know if my answer will still be suitable for the question/survey of the OP but after several days of halving, I still strongly lean on "the FOMO event". Hindi ko kasi masasabi na nagkaron ng "huge panic selling" with the current price that we have ($9700 as of this writing from PREEV). At syempre, tingin ko hindi din mangyayari/nangyari yung "the boring scenario". Bakit kamo, well, para sa akin, pag usapang Bitcoin, walang boring na nangyayari.  Grin

At naniniwala talaga ako dun sa S2F model/chart. Really looking forward to huge price surge in the coming weeks/months due to FOMO by those normies.  

Meron na akong naging komento on both sa FOMO at yung Stock to Flow model ni PlanB dito sa mga related topics dito at I still stand on what I previously said. Ang term kasi na "FOMO" related sya palagi sa inevitable pump na mangyayari sa Bitcoin, oo yung gain na ito mabuti pero yung maidudulot nya sa market after ay medyo panget. If you look at previous FOMO na nangyari sa Bitcoin makikita mo na after a lot of traders have milked Bitcoin inevitable din na babagsak ang Bitcoin at after that we have to suffer the consequences of a long-term bearish period. Pagka mabilis ang galaw ni BTC pataas without volume backing it sigurado ako na may ilan-ilan lang na nagpa-pump sa BTC at naghihintay nalang sila i-push mga sell order nila.

Sa S2F model on the other hand kaya sa tingin medyo confident ka sa price increase ni Bitcoin eh si PlanB nag-predict ng price ng Bitcoin na magiging 288,000$ per BTC which is pretty bold considering na madaming factors si PlanB na hindi kinonsider, external factors such as laws, yung current pandemic, yung mga mining operations kung magiging stable ba ay walang binanggit sa model na iyon kaya medyo skeptical ako na accurate nga yung price prediction niya. Hindi naman sa pagiging negatibo pero dapat maging mapagmatyag tayo at hindi basta naniniwala o sumusunod ng sinabi ng iba, do your own research and be skeptical always para na din makita yung mga tama at mali sa sinasabi ng ibang tao.
Pages: « 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 [31] 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 ... 238 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!