Mga Video ng Produktohttps://vimeo.com/159311771https://vimeo.com/160326041https://vimeo.com/162752720Higit pang mga paparating!
Ano ang GameBet.GG?Ang GameBet ay isang plataporma na nagbibigay ng tyansa para sa mga manglalaro na tumaya sa mga laban sa sports at eSports gamit ang Steam items at cryptocurrencies tulad ng bitcoin. Ang aming plataporma ay nagbibigay din ng namumukod-tanging bentahan na nagbibigay serbisyo para sa mga manlalaro na ibenta ang kanilang mga gamit sa Steam kapalit ng cryptocurrencies na hindi lang magdudulot sa cryptocurrencies na mapunta sa mga kamay ng bagong klase ng mamamayan pero upang maimpluwensyahan din ang mga susunod pang henerasyon. Libre lang sumali at kahit sino ay pwedeng sumali. Ang mga gumagamit nito ay pwedeng manuod ng streams direkta sa aming site para sa live na laban ng eSports (kung meron) sa tulong ng streaming platforms tulad ng Twitch, Azubu, etc.
Pananaw ng KumpanyaPlano sa Business: http://www.gamebet.gg/Content/BusinessPlan-Gamebet.ggv1.0.pdfAng pangunahing layunin ng GameBet ay magbigay ng komprehensibong sugalan sa mga gamers at sa mga sports enthusiasts. Lahat kami ay hanga sa paglago ng eSports at sa darating pang paglago nito na naumpisahan noong nakaraang dekada. Umaasa kaming mapalago ang aming kumpanya para matulungang lumago ang eSports at ibigay ang cryptocurrency sabagong grupo ng tao upang mapadami ang gumagamit nito at sila ay matutong gumamit ng cryptocurrencies.
Sa ngayon, kami ay gumagamit ng
parimutuel na sistema ng pagtaya pero kapag nakumpleto na ang pondo at nagkaroon na ng sapat na puhunan ay magpapalit na kami ng sistem ng pagtaya. Ito ay ang player vs house odds based betting o ang tradisyonal na pamamaraan ng pagtaya para sa sports at sa mga sikat na laro katulad ng CS:GO at League of Legends.
Ano ang GG?Ang
Gamer
Gold ay isang uri ng pera na ginagamit sa aming site na nakukuha sa pagdedeposit ng cryptocurrency at sa darating na panahon ay sa pagbebenta ng mga gamit sa Steam sa mga taong merong Gamer Gold. Ang Gamer Gold ay katumbas ng USD kapag ikaw ay nagdeposit, simpleng 1:1 lang ang ratio
(1 GG = 1USD). Ang GG ay pwedeng mawithdraw mula sa system na parang Bitcoin, ipangtaya, at pwede din namang ipambili ng mga gamit sa Steam Market Place.
Ano ang SS?Ang
Steam
Silver ay isang uri ng pera na ginagamit sa aming site na nakukuha sa pagdedeposit sa aming system ng mga gamit sa steam. Ang Steam silver ay katumbas ng USD
(1 SS = 1 USD). Ang Steam Silver ay pwedeng ipangsugal at pwede ding ipangbili ng mga gamit sa Steam Market Place. Sa nalalapit na hinaharap, magkakaroon na ng on-siteexchange para sa mga manglalaro na direktang sumulat ng listahan ng kanilang orders para sa Silver at Gold.
Ano ang GBT?Ang GameBet coin ay isang uri ng pera na ginagamit sa aming site na nakukuha mula sa paunang crowdfunding o sa mga cryptocurrency exchanges. Ang GBT ay gagamitin sa pagbili ng mga GameBet merchandise (sa hinaharap) at sa aktibong pagsali sa aming Loyalty Reward Program para kumita ng porsyento ng tubo ng kumpanya. Ipagpatuloy ang pagbabasa para sa ibang detalye ng aming Loyalty Reward Program.
Layunin ng InvestmentKami ay magbebenta ng pinakamataas na ang
10% ng aming kita na nanggaling sa mga pagtaya at komisyon sa mga nabentang gamit sa Steam sa GameBet. Kabuuan, kami ay umaasang makapag-ipon ng
$100,000 USD, ngunit kung ito ay hindi maaabot, may mga benchmark tayo
< $50,000.00 - 15%
$50,000.00 - $99,999.00 - 22.5%
> $100k - 30%
Kailangang tandaan na ito ay ang
paunang kahalagahan. Sa kabuuhan ng isang taon, ang value ng %-sold ay bababaan ng 33%, pinakamataas na ang mangyari ito ng dalawang beses. Halimbawa, kung 30% ang paunang nabenta, pagkatapos ng anum na bwan, ito ay babawasan at magiging 20%. Pagkatapos ulet ng anim na bwan, ito ulit ay babawasan at magiging 10%. Ito ay para pagtuunan ng pansin ang return-of-interest ng ating mga investors dahil naiintindihan namin na ang kita sa unang taon ay mas mababa kumpara sa mga susunod pang mga taon.
Depende kung magkano ang naipon, ang porsyentong nabenta ay ipamamahagi sa mga investors base sa sumatutal nilang hawak na GBT. Ang bayad ay ibibigay via Loyalty Reward Program, na in-explain sa ibaba.
Ang pondong naipon ay gagamitin para mas mapalawak pa ang pananaw para sa GameBet. Hahati-hatiin ang pondo para sa iba't ibang parte ng business tulad ng marketing, pagpapa-unlad nito, gastos sa server, legal, bankroll etc.
20% nito ay gagamitin sa marketing. Kasama dito ang press releases, eSports at Steam group advertising, Twitter at Facebook ads at malaking porsyento ng budget para sa marketing ay itatabi para sa marketing firm na mahusay sa larangan ng eSports at sugal. Inaasahan namin na 'yun palang ay 75% na ng paunang budget para sa marketing.
10% ay gagamitin para sa pagpapa-unlad. Kasama rito ang hinaharap na pagpapalawak ng site para sa mga updates tulad ng palitan ng Gold/Silver, fantasy betting at casino. Malaking parte ng pera sa pagpapa-unlad ay para masiguro na ang ating mga core developers ay mayroong oras at abilidad na tapusin ang paggawa ng platform sa lalong madaling panahon.
10% ay gagamitin para sa infrastructure ng server. Ito ay gagamitin sa pagbuo ng offshore server network na may kakahayang kalabanin ang mga pangunahing pagbabanta sa mga wallet at gambling service, na nagtutuon pansin sa mga DDoS attacks at sitwasyon tulad ng friendly DoS na maaaring maging resulta ng paglago ng ating kumpanya. Malaking parte ay igugugol para sa pagsubok ng penetration at black-box para masiguro na ang wallet RPC ay ligtas at para na din maging maganda ang experience ng mga customer.
60% ay gagamitin para sa legal, banking at bankroll. Nag-arkila kami ng dalawang law firms para masiguro na tayo ay laging nauuna sa laban, pagdating sa mga batas at regulasyon ng mga bansa at rehiyon na ating ino-operate. Ito ay para masiguro na kaya nating magpatuloy na magbigay serbisyo at experience sa ating mga customer at users. Ang pondong ito ay gagamitin din para sa ating bankroll sa hinaharap kapag ang site ay nag-expand na para sa player vs house odds based betting o ang tradisyonal na pagtaya.
Ang loyalty reward program ay para makapag-register ng GBT address ang mga users sa aming system at makatanggap ng buwanang bayad direkta mula sa tubo ng cycle ng bwan na iyon. Ang user ay pwedeng magregister sa aming system ng GBT address at pati na din ng BTC address (para makapag-payout) kung gugustuhin niya. Sa tuwing pagkatapos ng cycle, may darating na bayad base sa kabuuang supply at sa kung magkano (GBT) ang meron ang user sa kanyang registered address. Base dito, dito malalaman kung ilang porsyento ng tubo ang kanilang makukuha. Kung ang user ay piniling magregister ng BTC payment address, ang kanyang reward ay deretsong papasok doon. Kung hindi naman, makukuha niya ang reward bilang Gamer Gold (sa site) na pwedeng iwithdraw sa hinaharap bilang BTC.
Halimbawa:
Si Ryan ay may 1,234,235 GBT sa kabuuang 20,000,000 GBT na kasali sa Loyalty Reward Program. Ipagpalagay na ang payout structure ay nasa 10% level at ang kumpanya ay kumita ng $72,000.00 sa payout cycle, ibig sabihin $7,200.00 (10%) ay nakatabi para sa Loyalty Reward Program. Si Ryan ay makakatanggap ng ~6.17% ng $7,200.00 (~ $444.32) na ibabayan direkta sa kanya.
Kilalanin ang GrupoDaily M.https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=145371Isa sa mga pangunahing developer ng blockchain technologies at coin development. Isa syang gamer at taga-suporta ng crypto-currency sa loob ng maraming taon. Iginiguol ni Daily ang kanyang mga mapaghugis na mga taon sa pag-aaral ng lahat ng tungkol sa software development, at mabilisang ginamit ang kanyang kakayahan para mapag-unlad ang mga contact at resources na kakailanganin para makapagtayo ng matagumpay na business. Makalipas ang ilang taon at ilang pagkakamali, pagtatama at mga kung ano ano pa, si Daily ay nagbalik para maibahagi ang kanyang nalalaman sa core foundation ng coin project na ito. Ito ay nagpursigi sa kanya upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan sa pagpapa-unlad at pagpapanatili ng pinaka-advanced na crypto software.
John M.Isang mapangarap na developer na sa murang edad pa lamang ay nakapag-aral na ng Software Engineering sa Unibersidad ng Waterloo. Mayroon syang magandang experience sa pagtatrabaho ng mahigit 7 na taon sa Web Development (Flask, ASP.NET, JQuery, HTML/CSS), Python at C#. Pinagtrabahahuhan niya ang pagpapaunlad ng mga mobile habang sya ay nag-aaral sa BlackBerry, pero talagang mahilig sya sa Android. Mahilig din syang maglaro online tulad ng League of Legends, DoTA at matagal nang naglalaro ng mga MMORPGs katulad ng pinakabagong Blade & Soul (NCSOFT). Sya ang nagbigay ng ideya na ang Steam Items at Digital based economy ay dalhin sa mundo ng cryptocurrency para ang mga gamers ay magkaroon ng madaling paraan para magkaroon ng Bitcoin.
Rafi L.Nagmula sa Clark County, at isang propesyonal na manunugal na may kasanayan sa marketing at pagpapatakbo ng casino. Kasali din sa mga global na operasyon para sa live at online casinos at may maganda syang maitutulong sa grupo dahil sa hinaharap na expansion tulad ng casino at fantasy based betting. Isa syang susi para magkaroon ng koneksyon sa mga nangungunang gaming business.
Xypherhttps://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=741694Pangunahing research analyst para sa organisasyon at tumutulong na gumawa ng trade engine para magkaroon ng koneksyon sa pagitan ng in-game na ekonomiya at sa blockchain. Ang kanyang mga gawain ay nasa pagitan ng teknolohiya at finance. Naniniwala sya sa paggamit ng teknolohiya para makapag-imbento ng mga financial systems para mas mapalakas ang masa at mabago ang tingin natin sa mundo.
Tungkol sa KumpanyaAng GameBet ay isang organisasyon na nabuo upang tulungang umunlad ang eSports online gaming pati na rin mai-promote and Bitcoin at Cryptocurrency industry. Ito ay officially na nakarehistro sa Costa Rica bilang S.A. (Sociedad Anónima). Ang organisasyon ay nakarehistro sa ilalim ni Marielos Meléndez J.D. LL.D. ng Melendez and Bonzilla Law Firm.
Ang pre-launch alpha ay tumagal ng 7 na araw at binigyan ng tyansa ang mga user na subukan ang system para makapangolekta kami ng organic stats. Binigyan namin ang mga user ng balance na 100 gold (humigit kumulang 100 USD ng panahong iyon) at hinayaan silang gumamit ng alpha system hanggang sa gusto nila sa loob ng isang linggo.
Pagkatapos ng alpha perid 1, nakapangolekta kami ng stats para sa lahat ng users at ang resulta ay:
Bilang ng taya isang linggo: 764
USD: $14,227
GG: $14,227
SS: $0 (bawal pa ang magdeposit)
Pangalawang linggo, binawi namin ang mga libreng gold, binalik sa zero ang lahat ng accounts at pinagpuwede ang pagdeposit ng bitcoin; ang stats ay:
Bilang ng taya sa isang linggo: 337 (Hindi kasama ang sa bangka)
USD: 1187.65 (Hindi kasama ang sa bangka)
GG: 965.38640000 (Hindi kasama ang sa bangka)
SS: 222.2711146 (Hindi kasama ang sa bangka)
Bilang ng Users mula week 2: 161
Karaniwang taya (GG): 2.86 (Hindi kasama ang sa bangka)
Karaniwang taya (SS): 0.65 (Hindi kasama ang sa bangka)
Kinita sa week 2: $176.00 sa sugal at komisyon sa Steam Items
Pinasimpleng Ekspektasyon, Profit Margins
Isipin natin na sa unang "ideal" na pangyayari, na mayroon tayong 100 na taong nagsusugal. Kada tao ay tumataya ng $10.00 hanggang $50.00 (USD) na nagbubuo ng net-pool na $1,000.00 hanggang $5,000.00. Ipagpalagay natin na hinati ang mga taya kaya mayroong $500.00 hanggang $2,5000 na taya sa team a at sa team b. Kapag natalo ang team b, at ang bangka ay magkakaron ng 2% galing sa team na natalo, magkakaroon ng tubo na $10.00 - $50.00.
Ang Counter Strike Global Operative ay kadalasang mayroon 100 na laban na pwedeng pustahan sa loob ng isang linggo at ang League of Legends naman ay karaniwang merong 40-50 na laban kada linggo (LCK, LPL, NALCS, EULCS). Hindi natin isasama sa bilang ang ibang eSports games, kung ang 150 na laban ay mayroong 1,000 na users ang tumaya ng $5.00 kada isa, mayroong sumatutal na gross na $7,500.00 kada linggo.
Importanteng tandaan ang ilang bagay sa mga numerong aming binigay: ang numerong aming ginamit para sa simpleng profit margin ay napakamababa. Kung titignan natin ang Lounge ng CS:GO, kadalasang mayroon 8000-20000 na iba't ibang users na tumataya sa kada laban -- at hindi pa doon kasama ang ibang eSports o sports mismo! Kung mayroon 15,000 na users na pumupusta, at kada isa ay may karaniwang taya na $1.00 sa 100 laban gamit ang ideal scenario na inilarawan sa itaas, magkakaroon ng gross na $30,000.00 kada linggo.
Umaasa kami na ang aming ekspektasyon ay mas mahihigitan pa dahil sa suporta ng Sports based betting at sa hinaharap na expansion na nakadirekta sa Fantasy based betting kasama na din ang Casino based gambling.
Bakit ako dapat mag-invest?Kahit ikaw ay hindi isang gamer, ang eSports ay patuloy na lumalago nang dahil sa kanyang kasikatan sa industriya at isang dekada na itong sikat na sikat. Nasa punto na pati ang mga kilalang tao tulad nila Shaquille O'Neal at MLB Star Veteran Alex Rodriguez ay nag-invest ng malaking pera para sa League of Legends team Immortals.
Hindi kami nag-umpisa ng walang-wala at nanghihingi ng pera para makapag-umpisang magtayo ng isang bagay na kahanga-hanga. Naumpisahan na namin ang proyekto at gusto naming gawin kang parte nito. Karamihan sa ICOs, IPOs, at Crowdfunding dito sa Bicointalk ay talaga walang puhunan at walang patunay na talagang gagawin nila ito. Kaya ang mga investors ay walang ibang pwedeng gawin kung hindi hilingin na maging matagumpay ito, at kapag ang proyekto ay matagumpay, pakiramdam mo nadaya ka kapag hindi ka kaagad nakapamalita noong magsimula na ang investment.
Ito ay isang tunay na oportunidad na maging parte ng grupo ng mga dedikadong propesyonal na malaki ang tyansang maging matagumpay. Ang mahaba naming listahan ng mga partners ay tutulong sa amin upang masiguro na maabot ang mga layunin na ito sa lalong madaling panahon at higit pang matuto habang ginagawa ito. Pinakaimportante, tandaan mo - laging nananalo ang bangka.
Aming mga PartnersVPP Gaming Networkhttp://www.clanvpp.com/https://vppgamingnetwork.com/Ang VPP Gaming Network ay karugtong ng isang komunidad ng mga manlalaro na kilala sa pangalang Clan VPP, na binuo 12 na taon nang nakalipas ng isang maliit na grupo ng magkakaibigan na sinusubukang magkaroon ng palakaibigang gaming environment. Makalipas ang mga taon, ang komunidad na ito ay lumaki at lumawak mula Counter-Strike hanggang sa ibang laro tulad ng Day Z, Insurgency, at Team Fortress 2.
xTcR Gaminghttp://steamcommunity.com/groups/xtcrgamingIsang casual at competitive na grupo ng manlalaro ng 13 na laro, na mayroong mahigit 500 na active users kada araw, xTcR Gaming ay isang global na samahan para sa mga iba't-ibang uri ng manlalaro.
Bitsy Drone Serviceshttp://bitsydroneservices.com/Ang Bitsy Drone Services ay isang photo/video production at marketing company na mayroong matibay na kakayanan sa drone photo/video at pati na rin iba pang serbisyo na nakabase sa drone (aerial surveying/inspections/3D mapping/construction reporting). Ang pangunahing layunin ng Bitsy ay ang paggagawa ng marketing content (video production) para sa mga kliyente sa real estate market at para magpromote ng produkto o serbisyo ng kliyente. Ang Bitsy ay gumagawa ng custom content para sa mga social media accounts ng kanilang kliyente, online promotions, tradeshows, at general marketing campaigns.
Christopher Sandershttps://www.youtube.com/user/csandreasSi Chris ay isang manlalaro, fan ng anime, at motivational speaker na nagpo-promote ng kultura ng mga gamer/nerd at positivity gamit ang kanyang YouTube channel. Ang GameBet ay magi-sponsor ng mga video na related sa video games sa kanyang YouTube channel para makatulong ipromote ang site. Si Chris ay makikipag-partner sa GameBet para makapagbigay ng custom eSports videos sa ating komunidad at siya din ang magiging video face ng GameBet. Umaasa kaming magamit ang kanyang mga talento sa pagbubuo ng komunidad ng GameBet at para makapagbigay ng custom content sa komunidad na iyon.
GameBet sa ibang lenggwaheEnglish-
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1410287.msg14297793#msg14297793Italian-
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1413288.new#newSpanish-
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1417263.new#newRussian-
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1424312.new#newGerman-
https://bitcointalk.org/index.php?topic=1435702.msg14522439#msg14522439