May ganyang case din sa ibang exchange tulad sa c-ce madalas ako makareceive ng failed authentication message dun saka minsan sa yobit din kaya okay talaga na naka on ang 2fa mo lalo na kapag may nakastore kang coins sa mga exhange kasi hindi safe. Paano kaya nila nalalaman yung log in details?
Possible na galing din sa ibang mga website or phishing or naka record talaga ang mga password at email natin sa mga sinasalihan nating gambling site exchange site or investment site. at ginagamit nila sa malalaking exchange or trading site..
2fa is always the best option sa ngayun dahil nasa sayu lang ang apps na para sa code..
Hindi phising, possible na data breach. Nangyari din sa akin yan nung October. Isang PC lang naman ang ginagamit ko pag i-access ko ang Polo, at secure din ang PC ko, pero may nakapaglogin pa rin from Dominican Republic at Koea. Buti wala ring laman ang account ko. Nagchange password at in-activate ko na lang yung 2FA para mas secure.