physical business nalang. ok ng start up capital yan.
pisonet biz
food cart biz
buy n sell ng mga gadgets.
mas ok yan kesa maginvest ka sa mga online programs,
I'm still a student kaya di ko pa siya finofore sight kasi ABM ang kinuha ko so pa graduate muna ko bago ako magtake ng business seriously, at isa pa mas gusto ko magtake ng risk sa investment, may source and information naman ako para sa mga project na scam kaya medyo ang risk ng lang kung hindi maging successful ang project.
Mas maganda talaga pre kung iisa lang ang iyong pinag-invest kasi iisa rin ang kita mo eh so hindi hassle pero ang hindi maganda diyan ay kapag ikaw ay namali, siguradong malulugi ka talaga or mawala lahat ng pinag-iponan mo pero satingin ko magaling kang mag-invest kaya iisa lang pre kasi kung marami nakakalito at pwede ka ring maubusan ng pera.
Oo nga eh, ayun din ang naiisip ko unang una less hassle at hindi ko kailangan na sundan pa yung updates ng iba pang project, at kung sobrang successful ng project mas malaki ang kikitain ko dahil mas malaki ang investment ko. Pero ang problema naman mas malaki yung chance na mabawasan ang pera ko ng malaki din.
"Don't test the depth of the river with both your feet while taking risk"
wag mo invest sa iisang project lng ang coins mo, ikalat mo ito sa 2 or 3 na projects siguro para kahit ano mngyari sa isa ay may maiiwan sayo
Maganda din yung suggestion mo, less risk kung ganto ang gagawin ko tataas ang chance of winning ko ang problema naman is mababa lang ang kikitain ko kung sakali na hindi lahat sila naging successful unlike pag ininvest ko sa iisang project mas mababa man ang chances of winning pero mataas nama nang profit kung naging successful isa pa pag 2-3 project hassle din sa updates.