Bitcoin Enthusiast si John McAfee at tiwala siya sa bitcoin. At ito naman si Jamie Dimon paniguradong may plano itong mag hoard at malawak ang kaalaman niyan. May naalala ako nagsabi na fraud din ang bitcoin dati pero ngayon nasa bitcoin na din siya, kilala din yun sa finance industry kaso yun nga lang nalimutan ko yung pangalan niya. Tignan mo magsalita si McAfee chill lang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.
Tingin ko kaya nagbitaw ng statement ng ganito si Jamie Dimon dahil palugi na rin ang kumpanya nya na JP Morgan at kung lalong magiging mainstream ang Bitcoin lalo silang lulubog. Nabasa ko na kasi dati sa dyaryo yan malapit na sila mabankrupt. Yung isa pa na sinasabi mo tingin ko ay si Warren Buffet na nagsabing wag maginvest sa bitcoin pero hindi nagtagal nung naintindihan nya kung ano ba talaga ang Bitcoin ngayon isa na rin sya sa big investors ng Bitcoin. Di ko sya masisisi dahil medyo may edad na sya at sinabi nya na di sya nagiinvest sa bagay na di nya maintindihan.