|
October 02, 2017, 02:23:59 AM |
|
Kung sa tokens po, sa ngayon, mayroon po akong hawak na AdEx, IwT, TFL, HVN, CDT, IND, EVX, SNOV, HEDGE, DENT, IXT, POS, ICE, BAT, MTH, SUB, at iba pa. Bakit po ito ang hinohold ko, ito po ang mga dahilan kung bakit.
AdEx - Ang AdEx po ang isa sa pinakamalaking decentralized ad serving network na may partnership sa malalaki ring contract, na tulad nalang halimbawa ng NEO. Maliban pa sa partnership nila sa NEO, patuloy din po ang nangyayaring development sa naturang ad network kumpara sa ibang ICO project na hindi na nag-progress. Nito lang nakaraan September 27, halimbawa, nakipagpartner sila sa EloPlay na isang kilalang eSports platform na built on blockchain. At syempre, price-wise, hindi rin papahuli ang AdEx na sa kasalukuyan ay nasa $1.27 per token, na tradable sa mga exchanges na tulad ng Bittrex, HitBTC, Gatecoin, at EtherDelta.
HVN - Ang Hive-Project ang nanalo po nito lang 2017 sa competition na pinasinayangan ng CoinAgenda para sa mga Bitcoin investors. Sa kasalukuyan, katulad din ng AdEx, maraming nakahanay na development para sa naturang project, na karamihan ay naka-focus sa financing. Isa pa, malaki ang supply ng HVN kaya mababa pa ang presyo niya, na malaking bagay kung gusto mo ng mabilisan na kitaan.
EVX - Sino ba ang hindi nakakaalam sa Everex? Sila ang nasa likod ng Ethplorer na ginagamit ng karamihan para i-check ang kanila-kanilang hawak ng tokens. Para yang database ng Ethereum kung saan makikita yung mga listahan ng ERC-20 tokens na ginawa gamit ang Ethereum network. Ngayon, ang Everex po ang isa sa mga naging successful ICO project nitong taon. Umabot po sa $26-Million ang nakuha mula sa ginawa nilang crowdsale, na isa sa indikasyon na magagawa nilang maituloy-tuloy ang kanilang nasimulang proyekto. Sa kasalukuyan, ang 1 EVX ay katumbas na po ng $3.90.
Yung iba halos parehas lang din po ng rason, malaki ang kinita nila sa kanilang crowdsale, na ang ibig sabihin ay magagamit po nila yung kinita nila para ituloy ang kanilang sinusundan na roadmap. Habang yung iba naman, mabilis kasi maibenta o sabihin natin, profitable kasi mataas ang supply at mababa pa ang presyo.
|