Bitcoin, nagagamit daw sa pangsscam sabi ni Ted Failon? Anu po opinyon nyo dun? kakatapos ko lang kasi panuorin yung programa nya na "Failon Ngayon" akala ko good feedback about bitcoin yung sasabihin dun sa programa nya, yun pala sisiraan lang ang mundo ng bitcoin at paparatangan lang na "SCAM" daw.
Kasalanan po yan ng mga kunwaring kompanya at mga tao na nangte take advantage sa pamamayagpag ng bitcoin lalo na at mahirap ma trace ang mga transaction nito. Kung dati sa mga networking flat money talaga natin ginagamit at marami ring scam, ngayon updated na rin sila, bitcoin na rin mode payment nila. Kasalanan rin yan ng mga naniniwala sa mga ponzi scheme na yan, alam ng too good to be true e hala invest pa rin. Gusto kasi ng easy money, mga ayaw magtiyaga. Diba nga yong ininterview doon na nascam e magiinvest pa rin daw siya kahit na scam na siya, kulang pa yata sa research or tanga lang yong mga nagpapaniwala sa mga HYIP na yan.