Dahil na nga po sa sobrang busy din sa trabaho, hindi ko po magawang paglaanan ng oras magbasa pa ng sobrang daming threads dito sa forum. Nung una ang pagkakaalam ko lang po mag eearn ka lang ng bitcoin thru faucet sites, trading at mining, pero nang nadiskubre ko po tong site nato nito lang week, nalaman ko na maaari pa palang mag earn sa iba pang paraan. Ang problema lang po ay hindi pa sapat ang pagbabasa sa limitadong oras para mas maunawaan ko pa ang pagbibitcoin. Dito sa office namin eh pinagtatawanan lang ako pag inoopen ko sa kanila ang bitcoin, hinahayaan ko na lang sila, ang gusto ko na lang po ngayon eh yung mapatunayan sa kanila na may magandang dulot ang pagbibitcoin para kumita pa kaysa umasa lang sa pangunguyakoy nila tuwing OT namin.
Kaya ngayon po, may willing po ba ditong makipagkita at turuan ako magbitcoin kahit every sunday lang po. Preferrably tuwing weekends lang po siguro. Need ko po talaga ng gabay at magtuturo ng personal, medyo slow ako umintindi pero matyaga naman po akong matuto. Libre ko na po pagkain natin pero sana po libre na yung pagtuturo, libangan na lang po natin siguro yung pagshare ng kaalaman. Yung kumikita ka na po habang nakakashare din ng idea. Pwede naman habang nagbibitcoin ka, papanoorin ko mga ginagawa mo. How about that po.
Sino po malapit ng Pasay, Makati or Parañaque. Sana po mayroong mabubuting loob dyan.
Regards and Thank you.
Hindi mo po need ng katulong kahit nag basa basa kalang dito sa forum at mag tanong tanong about sa bitcoin marami kang malalaman explore mo lang po lahat naman tayo inexplore ang bitcoin pero nalaman ko lang din ang forum na to ng dahil din sa kaibigan ko.