Mas maganda sir kung gagawa ka nalang ng bago sir kaysa mag manual whitelist ka
Yun nga yung problema. Kapag gumawa ka ng panibagong account sa parehong IP address, proxy ban pa rin ang makukuha mong resulta. Hindi ka pa rin makakagawa ng panibagong account. Kung gusto mo magpa-white list, may babayaran ka, maliit lang naman, ang mahal ay yung transaction fee. Kung gusto mo rin, try mo sa mga computer shop na may deep freeze o gumamit ka ng VPN. Subukan mo rin sa incognito window para makagawa ng account.
Tanong lang, bakit kailangan ng maraming account? Lalo pa ngayon, may merit system na. Hindi madaling magpa-rank up ng account, so para saan pa?