Buying 300 pesos Smart Load paying via PayPal.
Why not in Bitcoin? Baka sa PayPalTalk meron nyan.
Hahaha Paypaltalk. lmao. Tulungan nalang natin siya kaibigan. Madali lang naman po makabili ng load gamit ang Paypal. Sundin lamang ang mga steps na nasa ibaba.
1. Gumawa ng Gcash account.
2. I-verify ang Gcash account sa pamamagitan ng
Gcash verification3. Matapos maverify ang iyong Gcash account, pwede ka bumili ng Gcash Mastercard sa Globe store para mailink mo ito sa paypal worth PHP150 or pwede ka rin gumawa ng Paymaya account dahil meron itong Virtual Card.
4. Kung gagamit ng Paymaya sa paglink ng account sa Paypal siguraduhin na may Php100 na balance na natitira sa iyong Paymaya account. Ito ang
steps ng paglink sa Paymaya to Paypal.5. Siguraduhin din na tama ang bawat detalye sa pagrehistro upang walang maging problema sa paglink ng account.
6. Kapag verified na ang iyong paypal, maaari mo na itong idagdag sa iyong Gcash account at ma-i-link ito. Ito ang mga sumusunod na hakbang sa
paglink ng GCash to Paypal.
7. Kapag nasundan mo ito ng tama, maaari ka nang bumili ng Globe or Smart load sa pamamagitan ng Gcash.
Sana nakatulong ako sa iyong problema aking kaibigan.