Magandang araw sainyo.
Una po sa lahat gusto ko po sanang malaman kung ang local board natin ay tumatanggap pa ng moderator?
Natanong ko po ito dahil gusto ko po sanang tumulong sa mga moderator dito sa ating local board. Para kahit na papano ay may kasama sila o tumulotulong sa kanila na mag bura ng mga basurang post at umalalay sa mga bagong pasok.
Naisip ko po ito dahil alam kong maraming pilipino na kasali dito sa forum pero dalawa lang ang may kakayahang mag bura o mag kumpuni ng mga post ng bawat isa atin.
Hindi ko po sinasabing hindi nila kaya. Pero kung sakali man pong pwede ito. Handa po akong tumulong sainyo para sa mas ikakalinis nitong local board natin.
Inaamin ko sa lahat hindi ako masyadong magaling sa English at grammar pero nakakaintindi po ako. Malinis po ang aking intensyon kaya ko nagawa itong usapin na ito. Hindi ko ipinag mamalaki ang merit o post na nagawa ko para tanggapin nyo, pero kaya ko pong tumulong sainyo 24/7.
Halos sa araw araw na lagi kong online umaabot ako ng 9-12 na oras kada araw sa pag babasa at pag lilibot sa lahat ng seksyon dito, para makakalap ng mga ibat ibang impormasyon. Pero mas marami akong nakikitang mga spam at shit post na hindi naman dapat na pinopost. Siguro para tumaas agad ang aktibidad nila para mag rank up, (nung wala pang restriction ang newbie at jr member).
Kaya po sana kung ma aaprobahan ako kahit jr mod lang po. Gagawin ko ng maayos ang aking trabaho. Hindi ko po ipinangangakong makakapag post ako ng mga mgaganda at english., pero ipinangangako ko po na makakatulong ako sainyo sa paraang pag bubura ng mga basurang post at pag tulong sa mga bago.
Maraming salamat po.
Maganda naman ang iyong hangarin kung ako sa kanila ay tatanggapin kita, Pero ayon sa ating mga kababayan. Ang local board natin ay kaya ng patakbuhin ng isang mod lamang. Dahil ang isa naman ay para sa alt coin Philippines so better na mag isip kapa ng iba pang idea para mas makatulong ka kung ikaw ba'y gusto talagang makatulong. Hindi naman kailangan maging mod para makatulong. Kumbaga ay hindi mo kailangan maging mayaman para makatulong sa mahihirap. Sapat na patas ka at tapat na tao, Dahil para sakin ito ang kailangan ng ating local board para sa mas lumalaking komunidad.