Bitcoin Forum
June 17, 2024, 11:17:59 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Mga address ng BTC na nagsisimula sa "3" anong ibig sabihin? ipaliliwanag.  (Read 192 times)
yazher (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2226
Merit: 586

You own the pen


View Profile
April 19, 2019, 03:27:53 PM
Last edit: April 19, 2019, 03:44:38 PM by yazher
Merited by cabalism13 (1)
 #1

Minsan kapag gusto mong mag-aplay para sa isang signature campaign, hihilingin sa iyo ng Manager na gamitin ang isang Segwit address, sa topic na ito hindi ko na idedetalye kung ano ang Segwit o kung paano ito gumagana.

Napansin ko madalas pinaguusapan ito tuwing may open spot ang ChipMixer signature campaign, si @o_e_l_e_o ay gumawa ng isang magandang  paliwanag kung ano ang ibig sabihin ng unang Simbolo sa address ng BTC, ngunit nagpasya akong ipaliwanag ito ng sa ganon kahit isang Newbie na walang ideya tungkol dito ay magkaroon ng idea kung ano ito.

Addresses which start with "3" are P2SH and may or may not be Segwit. You can't tell for sure until coins from that address have been spent and you check the transaction's scripts.

sa simpleng Salita sa itaas ay nangangahulugan na ang address na nagsisimula sa 3 ay maaaring Segwit, o isang Multi-signature Non-Segwit address (ito muna ang dapat mong maunawaan sa ngayon)

kaya paano mo malalaman kung ang iyong address na nagsisimula sa "3" ay talagang segwit.

Karamihan sa mga wallet na nagbibigay sa iyo ng isang address na nagsisimula sa "3" ay talagang isang Segwit address na kilala bilang (P2SH-wrapped segwit) at hindi isang Multisig address. unless, ipapaliwanang ko ito.

ngunit upang maging 100% Sure ka, kailangan mong mag send ng BTC mula sa address na iyon, pagkatapos mong gawin, sundin ang simpleng gabay na ito (Salamat kay @ DarkStar_) https://bitcointalk.org/index.php?topic=1935179.msg50604626#msg50604626



1- Pumunta sa blockchain.com o btc.com
2- kopyahin at i-paste ang transaction id


at ganito ang makikita mo






pansinin kung paano ang 3rd address mula sa itaas ay nagsisimula sa "3" at ang mga script ng input ay nagpapakita ng (Witness) na nangangahulugang ito ay isang segwit address.
sa ilang mga explorers hindi ipinapakita ang salitang "Witness" kaya kailangan mong hanapin ang (P2SH).



-Tandaan mo na ang mga Campaign manager ay hindi gagawin ito sayo sa pagkat wala itong pagkakaiba sa kanila sa terms of fees, ikaw ang makikinabang sa mga discount sa fees kapag ginastos mo na ang iyong BTC.

-Gamit ang Segwit address na nagsisimula sa "3" maaari mong i-save ang 26% sa mga fees, gamit ang segwit address na nagsisimula sa "bc1" na kilala bilang (Native Segwit) na i-save mo ang 38% sa mga fees.

-Ilan sa mga Tao ay nag aakala hindi sila makaka sign message gamit ang Segwit address at iyon ang dahilan kung bakit hindi nila ginagamit ito, pero hindi ito totoo, pwede kang mag sign message kahit pa ang gamit mo ay Segwit address parehong nagsisimula sa "3" at "bc1".



All Credit to Sir: mikeywith
Original Topic: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5133475.0
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!