So far sa nakikita ko puro active ang EOS sa dapps, ang dami nilang mga games na integrated sa blockchain, kung hindi lang naglilimit sa CPU/RAM/Network at need magstake, mas maraming mga tao ang matutuwa dito but then I realized ginawa iyon for the ecosystem of the cryptocurrency.
Medyo mahirap magbenta ng mga parts dito sa EOS racing, since newbie pa lang ang level ko dito, kadalasan sa mga nakukuha ko ay puro patapong parts ng sasakyan na binibigay sa pagsisimula ng laro. Need talagang maglaan ng oras dito dahil may cooldown every 5 race na 1 hour if i am not mistaken. Kapag sumali naman sa tournament ilalampaso lang ng kalaban dahil mabagal pa ung car na pang race.
Kaya minsan kapag dumaan yung oras na maraming users ang sabay sabay na gumagawa ng transaction ay nagiging congested ang network.
Kung saan ang may mga mas malaking nai-stake ang magkakaroon ng priority.
Nariyan ang mga REX (Resources EXchange) sites na maaasahan sa oras ng pangangalaingan.
Maaari kang makahiram ng "staked EOS" sa murang halaga.
Halimbawa na lang nito, nakahiram ako ng "361 EOS staked" sa loob ng 30 araw sa halagang 0.1 EOS lamang.
Ang 0.1 EOS ay maliit na bagay na kumpara sa maaari mong magawa dahil hindi ka na limitado sa resources.
Mahirap na nga makabenta ng parts sa EOS racing.
Madalas kasi yung "tier 2" pataas na ang binibili nila.
Saka karamihan sa mga players ay bumibili ng upgrades para manalo sa competition.
Talagang nag-iinvest sila para makuha ang 1st prize.
Sino ba namang hindi matatakam sa 20EOS na 1st prize.
Kaya di na sapat yung skills lang ang puhunan.
Pero may ibang way naman para kumita pero mabagal syempre.
Laruin lang ang 5 matches kada 2 oras.
Tapos kapag naubos na ang fuel ng kotse ay i-disassemble para makakuha ng 100 fuel.
Sigurado naman kasing may mabubuo ka na ulit na kotse mula sa mga nakukuhang parts sa matches bago maubos ang fuel ng main car mo.
Ayun repeat the process hanggang makabuo ng higher tier na kotse at ibenta sa market.
Sa ngayon yan na lang ginagawa ko kasi di na talaga kayang makipagsabayan sa mga tier 2 pataas na fully upgraded.
Kaya bentahan na lang naten sila.