Patuloy sa pag taas ang presyo ng bitcoin simula ng mga nakaraang araw. Pinapaniwalaang ang $6500 level na ang pinaka mababang level ng presyo ng bitcoin ang mararating nito at ngayon ay unti unti na itong nakakarecover. Sa mga oras na ito ay nasa $7800 na ang presyo ng bitcoin at tingin ko ay hindi na ito bababa pa sa $7,500 paglipas ng mga susunod na araw. Pero kung titignan mo ang 1 month chart ng bitcoin ito ay bumaba ng halos 30% kumpara sa nakaraang buwan ngunit ito ay nakarecover na ng halos 20%. ano sa tingin nyo ang magiging presyo ng bitcoin sa mga araw na daraan??
Para sa kin lang, gusto ko sana na yun na ang bottom ng presyo ng Bitcoin kaso walang kasuguraduhan na magiging tuloy tuloy na Ang hatak ng presyo neto. Sa aking palagay ito ay aabot hanggang $10k pagdating ng December, kaya hintayin muna natin kung ano ang posibleng mangyari pagdating ng panahon. Ilang oras nalang ay pasko na, malalaman natin anong mga kaganapan sa susunod na mga araw.