Mga kabayan maitanong ko lang may mga legit bitcoin trading sites ba na Filipino owned and manage? Kung meron ano ano yun at may advantage ba yun sa ibang bitcoin trading sites na hindi Filipino owned and manage.? Ginawa ko itong thread na ito upang makatulong sa mga miyembro na gustong mag umpisa sa trading. Na baka pwedeng tangkilikin ang sariling atin. Upang tayo ay makatulong sa kapwa naten Pilipino.
Pinaka madalas ko na nakakasalamuha ay ang coins.ph, pero hindi ako sigurado kung pinoy ang may ari at nag-mamanage nito. Sana ay hindi mo gawing basehan kung pinoy ba o hindi ang may hawak ng platform at nag mamay-ari para pagkatiwalaan ito. Maari kasi na kahit na kapwa natin Filipino ang nag-mamanage ay may tiyansa parin na ito ay magamit pa4a makapanloko at makapanlamang ng kapwa, lalo na sa panahon ngayon na ang pinaka-inaatake ng mga cybercriminals at crypto theft ay ang tiwala ng mga users.