Dapat kasi kung wala naman silang namomonitor na unusual transaction ng isang account hindi na nila pinapahirapan sa mga requirements. Masakit kasi na matagal ka ng user at verified tapos kung anu-ano parin hinihingi nila na parang malalaking amount yung pumapasok at lumalabas sa account.
May protocol ata silang sinusunod kaya ang strikto nila pag dating sa mga requirements at additional verification sa mga accounts. Saka ang dami rin pinoproseso na pera araw araw tapos iba't iba pa yung mga payment methods. Kahit walang kakaibang nangyayari sa account natin hindi talaga maiiwasan ito baka nga napipilitan lang rin sila dahil kung hindi sila kikilos baka magkaroon pa ng problema sa side nila.