Ngayon ang iba sa atin ay nag-aaral patungkol at relate sa cryptocurrency at isa na dito ang trading, nais ko ibahagi ang isa sa mga stratehiya ko sa pag trade, marami tayong ibat-ibang trading indicators tulad ng Moving average (MA), Exponential moving average (EMA), Bollinger bands, Relative strength index (RSI) at ang isa sa nais kong ibahagi at ito ay ang pag gamit ng Moving average convergence divergence (MACD).
Sa pag gamit ng MACD ay isa isahin muna natin kung ano ang nilalaman nito
MACD Line Kung saan ito ay isa sa mga sensitibo pag dating sa market movement.
Signal Line Ito naman ay isang line kung saan mas mabagal ang pag pick-up ng data sa market.
HistogramGraph para malaman ang pag taas at baba ng presyo sa market. Sa pag gamit ng MACD kailangan mo tumingin sa zero line Figure (1) dito mo malalaman kung may pag babago nga bang nagaganap sa presyo.
Figure 1 Formula
MACD line= 12-peroid EMA - 26 perioid EMA
Signal line = 9 period of the MACD line
Histogram = MACD line - Signal line
Hanapin ang MACD sa trading indicatorsDito ay bibigayan tayo ng default na MACD (12,26,9)
Maari nyo ding ayusin ang kulay kung saan kayo mas kumportable.
Ngayon paano nga ba natin malalaman na kung ang graph ay uptrend at downtrend at kung kailan ka bibili or mag bebenta?.
MACD Crossover Ang MACD Crossover ay ang pag tatagpo ng MACD Line at Signal line pag ang dalawang ito ay nag tumawid sa isa't isa may mangyayaring pag babago sa market. Kung makikita nyo sa figure(2) ang unang naka bilog ay galing sa uptrend at nag MACD Crossover at ang kasunod na ay ang pag baba ng market. Ganoon din sa pangalawang bilog kung saan makikita natin ng mula sa downtrend nag MACD Crossover at ngayon ay papunta ng uptrend.
Figure(2) MACD DivergenceIto ay madalas nang yayari kung saan ang uptrend ay mag kakaroon ng dalawang magkasunod na peak ngunit ang pagalawa ang isang indikasyon na ng pag baba ng market price.
Ngayon ay mas nais akong ibahagi na kaalaman patungkol sa MACD na mas magiging maagap kayo sa susunod na galaw ng market ito ay ang setting na MACD(3,16,9) dito ay makikita ninyo agad kung downtrend or uptrend.
Kung makikita natin dito sa Figure(3) ay parehas lamang sila ng time frame pero dahil sa settings na MACD(3,16,9) mas makikita mo agad ang MACD Crossover at masaktuhan nating ang magandang movement at profit.
Figure(3) Sana makatulong ito sa inyo.