Habang nag-brobrowse ako sa internet, may lumabas na ad banner and dinirect ako dito sa website na ito na sinasabing in-eendorse daw ni Financial Secretary Carlos Dominguez at ni Vic Sotto ang
BITCOIN CODE.
Para mas maintindihan, ang
BITCOIN CODE ay isang website na nirerequire kayong mag-withdraw ng minimum na $300 or P15,000php at yung website na mismong mag-aauto trade sa pera mo. Sinasabi ng website na
EASY MONEY daw ito at palalakihan daw nito ang pera mo sa loob ng maikling panahon.
Archive ng website:
https://archive.fo/9fpUH
BABALA: Ang BITCOIN CODE ay miisleading at ito ay punong-puno ng fake advertisers. Isa rin itong PONZI SCHEME na malaking potential na mawalan po kayo ng pera. Nag release na din mismo ang Rappler at ang Philippine Inquirer na false endorsement ang project na ito at mismong si Financial Secretary Carlos Dominguez III ang nag sabi na scam ito. Mag-ingat po tayo sa mga ganitong website at parati po nating i-double check ang mga sources para maiwasan po natin ma-scam at magkaroon ng problema.
References:
https://rappler.com/newsbreak/fact-check/dominguez-endorses-bitcoin-trading-programhttps://business.inquirer.net/303805/dominguez-seeks-doj-help-vs-bitcoin-scammers