Tanong lang po para sa future kung bibili ako ng bitcoin, saan kaya makakamura pag bibili ng bitcoin? gusto ko sana mgkaroon ng btc. Parang gusto ko magcollect ng coins kaso nga lang pera eh. wala tayo nyan. LOL
Anyway, sa makakasagot salamat po in advance, at saka kung wala talaga sa coins.pg yung isang option mas madali kasi dun bumili medyo may tubo na nga lang at mahal2x ng konti kung sa ibang pamilihan bibili lalo na yung parea ay btc-usd pero Php sa atin kasi pano yan?
Isa pa saan ba pwde mg trade ng bitcoin?
Possible kayang kikita sa trading?
May tips ba kayo sa trading?
Ano po ba ang magandang coin para mg trading?
Suhestyon lang po. Salamat!
Kung magkakaroon ka na ng pera at balak mo bumili ng bitcoin siguro para sa akin mas maganda at pinakamadaling gamitin na platform ay coins ph. Pwede ka mag cash in halimbawa sa cebuana at kapag may laman na ang PHP wallet mo pwede mo etong edeposit sa coins.pro eto ang exchange ng coins.ph na kung saan pwede ka mag set ng buy order, bibili ka ng bitcoin sa price na gusto mo. Tip ko lang sayo kapag may bitcoin ka na at balak mo etong ehold ng ilang taon ay wag mong ilalagay ang iyong bitcoin sa coins ph mas safe kung ilalagay mo eto sa bitcoin wallet mo na hawak mo ang sarili mong private key.
tungkol naman sa tanong mo sa trading para sa aking ang magandang exchange ay ang binance para etrade ang bitcoin mo dahil mataas ang volume ibig sabihin madaming bumibili at nagbebenta ng bitcoin.
Posibleng kumita sa trading at posible ka ding malugi. Umpisahan mo munang magbasa ng mga libro tungkol sa trading at pwede ka din manood ng mga videos sa youtube na nagtuturo kung paano mag trade para magkaroon ka ng idea at kaalaman. Pero sabi nga experience is the best teacher kaya ang tip ko ay mag umpisa ka muna sa maliit na kapital habang pinag aaralan mo ang galaw ng merkado.
Ang mga magandang coins para etrade ay yung top ten crypto coins na makikita mo sa coin market cap. Eto kasi yung mga crypto currencies na matataas ang volume at market cap.