Since aware na ako sa pakulo ni Bitcointalk tuwing April fools, hindi na ako nagulat sa game na ito pero nung nakita ko yung spammer tag di ko pa rin naiwasang mataranta kaya biglang napadouble check ako sa forum at yun nga, confirmed na April fools' gimik nga ito. So for fun, nilaro ko pa rin yung captcha pero ang hirap talaga ng flappy bird na ito, ang sakit sa ulo. Lagi talagang nangpprank yung Bitcointalk tuwing April fools' so next year, alam na natin though nakakatuwa rin sa totoo lang.
Actually, nakakatakot nga noong una na makakita na may mga "this is a spammer" texts sa mga trusted DT members dito sa forum. Akala ko noong una, ginawa yung ng moderators to show and to warn others about sa post quality nila. Pero naisip ko din na magiging counter-intuitive ito especially na nakalagay ito sa mga DT and trusted members kaya naalala ko na April Fools pala yung araw na yun.
Kayo ba, anong mga April Fools na naranasan niyo dito sa forum? Naalala ko sa akin na a few years ago, gumawa ng post si theymos asking for KYC documents dito sa forum and sobrang nagulat ako.