<snip>
Meron pong mga blockchain projects na nagmula sa Pilipinas. Non-Fungible Token sila at ang platform is dedicated for gaming, Cyber Rabbit. Check that one out. Hindi ko lamg alam ang updates sa kanila ngayon, pero ito yung site nila:
cyberrabbitnft.com. Meron din silang ginawa before, di ko lang maalala yung name ng NFT na ginawa nila. Talented team ang behind jan, gaganda din ng artworks.
Blockchain ba itong NFT na ito? Or they are just using the usual network like ETH?
Narinig ko na ito before pero not sure ako kung nakapagtry ako. If ever na blockchain ito then why not hinde sya nagboom? Probably hinde pa talaga sapat ang kaalaman naten when it comes to blockchain technology and we still relying to other network. If ever magkaroon tayo ng ganitong project, sana masuportahan ito ng nakakarami.
Sa pagkakaalam ko gumagamit sila ng Blockchain ng Solana, wala silang sariling Blockchain. Di naman kasi madali gawin yung Blockchain kaya prefer nung mga owner ng mga nft na gumamit nalang sila ng ibang Blockchain para na rin hindi sila mahuli sa trend.
Pero nakakamamangha isipin na may mga Pilipino pala na gumawa ng NFT, sana maging successful sila. Nagandahan din kasi talaga ako sa kanilang website.
Looking at the website, they moved to ETH network siguro for a reason na mas matatag ang ETH.
Siguro hindi ito pumatok sa Solana at naging idle ang project nila and ng magtransition ang ETH to POS, naisip nila irevive ang project. Anyway regarding this project, kahit na mga Pinoy pa ito, i would not recommend to invest in this one, reason : dev are anonymous. Hindi ko ibibigay ang pera ko sa mga hindi nagpapakilalang tao while nangongolekta sila for funding via selling ng nft's. Pangalawa ang system nila ay tulad din ng mga pumalpak na NFT games, so talagang hindi advisable na mag-invest dito.
Regardless, kahit na iilan lang ang mga blockchain project sa ating bansa, marami naman tayong mga company that has focus in integrating blockchain technology sa mga services nila. You can check the list here:
https://clutch.co/ph/developers/blockchain