Mayroon pa ba kayong nakatago na Gamebo console sa collection nyo? Ito na ang chance nyo gamitin ito muli at gawing hardware wallet at the same time. Nakita ko lang ang project na ito sa post ni @dkbit98 dito
https://web.facebook.com/profile.php?id=100064176361570 at bilang isang fanatic ng Gameboy console ay sobrang nahype nanaman ulit ako para sa aking mga collection.
Madalas pa din kasi akong bumili ng cartridge at game console para sa personal collection sa mga mini con. Sya nga pala bago ang lahat, Sa mga nais bumili ng console ay mas mainam na suportahan natin ang Gameboy minicon natin. Follow lang sa page
https://web.facebook.com/profile.php?id=100064176361570 para sa mga schedule. Mura at sobrang daming pagpipilian kaya sobrang sulit.
Back on topic.
Ang Project na
Keyp ay nagdedevolop ngayon ng paraan para magamit ang iyong Gameboy na maging secured offline cold wallet. Maaari ka na mag generate ng seedphrase para magamit mo bilang storage ng Bitcoin at Ethereum.
Alam naman natin na walang internet connection ang Gameboy console kaya maari natin itong iclassified na airgapped device. Take note na Open Source Code ang project kaya matitiyak natin na safe ito gamitin. Wala ng firmware update ang wallet kahit kelan kaya makakatiyak ka na safe ang wallet mo pang matagalan. Ang mga update ay ilalagay sa ibang cartidge bilang ibang games kaya nasa sa iyo kung gusto mo mag update o hindi pareho lang din naman silang gagana di gaya ng ibang wallet na hindi na gumagana kapag hindi updated ang firmware.
Opisyal na Website:
https://www.gamewallet.gg/Maari na magsign up sa whitelist upang makareceive ng first batch ng cartridge! Check nyo lang yung official website.