Mahirap patunayan yan na madaling mabayaran ang gobyerno kaya magandang alisin na muna ito sa isipan natin. Siguro ang malapit-lapit na rason dyan ay mas maganda siguro ang representation nila kaya sila ang tinanggap ng gobyerno.
Hindi na kasi maiiwasan yung ganyang mindset lalo na kapag alam mo na madaming totoong kurakot sa bansa natin. Maganda ang pagrerepresent nila, walang doubt diyan kaya madaling nahikayat kung sino man ang namamahala sa mga ganitong transactions at bagay.
Dahil kulang na din sa kaalaman at walang parang tagapayo, kaya na tanggap mga ganitong kumpanya.
Siguro mag ingat nalang tayo at maraming maalam na mag warning para maka rating ito sa gobyerno para matanggal yang partnership na yan at hindi magkaroon ng negatibong impresyon ang crypto dahil sa mga maling gawain na posibleng magawa nila.
Malabo na yan, lalo na kung kasado na ang kontrata nila. Hirap din kasi sa ibang nasa posisyon, halos walang pakialam basta may pera at budget, hindi nila inaalam mga technicalities at hindi lumalapit sa mga experts.