Para sa akin hindi tamang tawagin na casino games ang online games or P2E dahil misleading yun. Casino games ay mga sugal at may kalakip na panganib. Pinopromte ito ng mga content creators ngayon na para bang isang oportunidad para kumita pero sa totoo lang, mas mataas ang chance na matalo kaysa manalo. Dapat maging patas sila sa sa mga impormasyon na nakukuha ng mga tao tuald na lang ng kung ano yung mga risk na kasama dito.
Kaya nga misleading talaga the way mag promote nung mga influencer makapang hikayat lang ng mag sign up sa link nila. Kaya dapat talaga maging alisto yung mga nanonood lalo na pag sobrang taas na at di makakatuhanan na talaga ang pinagsasabi nila.
...may na encounter din ako sa mga kakilala ko na sinasabi nila na may bagong play to earn na lumabas prinomote ni x content creator laruin daw nila para kumita pero nung tiningnan ko casino naman pala.
Can you tell anong site or casino games ito? Kase malaki pinag kaiba ng online games na p2e sa mga casino games. Casino games ay rekta bet, win or lose, this includes yung ibat-ibang category ng casino games na common sa atin like dice, slots, roulette, card games, (sports bet) etc. Pero if its like rpg, mission based, rts, pvp, etc. 'yan games talaga yan or pweding ma fall as one of P2E if pwede ngang makapag earn.
Pero ang tawaging P2E ang casino games para lang maka-iwas sa opinion ng iba na "eh wala ka ring pinag kaiba sa ibang content creator, puro sugal lang din pinipromote" ay kamangmangan yun, baka defence mechanism lang din ng content creator pala lukohin sarili niya na "ah di naman sugal ito kaya okay lang ipromote".
Usually tol yung illegal na mga casino yung mga walang license ayaw ko nalang e mention yung name baka magka exposure pa. Galing ata sa mga POGO yun at mga walang pakundangan na influencers lalo na yung nag cover ng sports update sa PBA at NBA ay madalas ko yang nakikita. Ang masaklap pa sasabihin nilang sobrang dali kumita dito sign up kalang sa link nila at tiyak ang panalo which sobrang kakupalan talaga.
Lately napapansin ko talaga na marami rami naring mga streamers or di kaya content creator na gumagamit sa online games or di kaya play to earn sa mga casino. At tingin ko isa yun sa humihikayat sa mga tao na maglaro lalo na nung nalaman nila na possibleng kumita sa paglalaro lalo na sa mundo ng crypto. kaya siguro tinake advantage ito ng mga promotor ng mgaa pasugalan para malinlang ang mga tao.
Kaya mainam talaga na tawaging casino games para hindi malinlang ang mga tao at tsaka ma separate ang tawagan ng isang bagay at maging accurate ang approach ng mga tao, may na encounter din ako sa mga kakilala ko na sinasabi nila na may bagong play to earn na lumabas prinomote ni x content creator laruin daw nila para kumita pero nung tiningnan ko casino naman pala.
Kaya dapat itama talaga tong mga ganito para hindi sila malinlang sa mga bagay bagay lalo na sa mga hard core promotor ng sugal na gusto lamang kumita sa kanilang mga followers.
Ano opinion niyo sa bagay na ito.
Para sakin ang define ng Play to earn is nag lalaro ka talaga for a daily basis and then may earning ka that day but in terms of casino you are playing but the earning is not assured. Halos lahat na nga ata ng mga streamers at nag lalaro na ng gambling casino kasi may double earning din sila dito which is yung affliate program tapos yung monthly or contract basis na nilang earning sa casino itself, yung mga nilalaro lang naman nila is halos mga demo account or dev account lang din na hindi pwede withdraw para magamit for advertisement.
Nauso na din kasi ang crypto at tsaka sobrang dami ng pinoy na na hook sa p2e games kaya nagka ideya yung ibang maliit na influencers na gamitin to para makakuha ng maraming referrals. At masaklap pa talaga dyan ay tinawag nila itong online games which is not good naman talaga since magkakaroon ito ng impression na parang nag risk ka sa isang laro at okay lang na matalo. Pero mas worse pa ang mangayayari kapag ni normalized ito ng mga tao at baka humantong pa sa addiction kaya habang maaga pa talaga mainam na tawagin ng tama at para walang lituhan na magaganap although nasa tao parin naman talaga kung magpapadala sila pero kung matic tawagin itong casino games for sure naman sugal agad ang maiisip ng mga tao kaysa normal na laro.