Bitcoin Forum
August 18, 2024, 11:18:37 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: P64 sa isang araw, sapat na ba?  (Read 6 times)
peter0425 (OP)
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2744
Merit: 450

CryptopreneurBrainboss managerial service


View Profile
Today at 03:01:03 AM
 #1

Ayon sa NEDA, kung ang nagagastos mo daw ay P64 sa isang araw o P21 sa isang meal ay hindi ka na raw food poor.

Alam naman nating hindi talaga ito kasya pero kahit pa subukan nating pagkasyahin ang P21 bawat meal, hindi dapat ito ang maging batayan ng kung ano dapat ang kinakain ng isang pilipino. Oo, maaaring makakain na tayo sa P21 ngunit halos walang nutritional value ang mga pagkaing magkakasya sa gantong halaga. Binanggit pa nila ang instant noodles (na hindi naman akma ang sinabi nilang presyo) na hindi naman dapat ay laging kinakain ng isang tao dulot ng masamang epekto nito sa kalusugan. Iyan na ba ang basehan ng hindi food poor?

Nakalulungkot lang na ganito ang mga government agencies natin. Out of touch at hindi man lang isipin ng mabuti kung ano ang talagang kinakailangan ng mga pilipino.

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!