50% Binance boost deposit sounds like a true good to be true money again. I think ang mabibiktima neto ay yung talagang bago and wala pa alam sa crypto since for existing users, alam naman nila na malabo gawin ni Binance yung ganyan klaseng promotions. Kung sa gambling pa baka maniwala ako akso sa exchange platform and Binance pa talaga tinarget nila.
Yep tama ka dude yung mga virgin pa sa field ng crypto lang ang mabibiktima at mahahyped sa ganyang post. Madalas kung nadadaanan yansa public wall ko sa Fb pero hindi ko naman pinapansin kasi alam kung hindi ganyan ang binance ever since.
Sana wala ng mga kababayan natin na walang alam sa crypto ang mahulog sa patibong na yan para hindi na sila mabiktima ng pagkawala ng fund, grabe yang mga scammer talaga walang patawad, sobragn tyaga din nila makapangbiktima lang din talaga.
Malaki na din kasi yung 50% bonus kaya for sure talaga na may mabibiktima nyan. Kaya maganda to raise awareness sa ibang kababayan natin lalo pa sobrang dami pa namang baguhan ngayon sa mundo ng crypto lalo na sa social media. Kung di talaga sila mag iingat ay talagang mabibingwit talaga sila ng mga scammer/hacker na yan.
Active ang social media account ko sa Cryptocurrency at palagi ko itong nakikita at dahil sa mas komportable ako sa web based exchange kays sa software desktop hindi ko pinapansin ito, tsaka obvious naman sa domain name nila, ginamit lang nila yung Binance sa domain nila para mag mukhang legit kung hindi aware sa mga phishing site at tumingin sa domain name, malamang madale ka dito.
Palagi yan dumadaan sa newsfeeds ko kaya I assume na full blast sa pagpapakalat ng kanilang phising site at mang scam ng mga inosenteng tao. Kaya ingat at importante talagang mag research para maka iwas na maging biktima nila.
Haha. Parang casino lang na may deposit bonus e no pero ang pagkakaiba lang ay may wagering requirements ang casino para maka claim ng bonus while exchange usually nagooffer lng ng discount voucher para sa trading at walang ganitong obvious scam bonus.
May mabibiktima talaga ng ganitong scheme lalo na sa mga pinoy since hindi naman lahat informed sa phishing lalo na yung mga not well versed sa technology. Pero sobrang dali lang mspot na scam ito dahil sa link kung aware ka talaga sa phishing scam.
Baka sugarol din ang may pasimuno nyan kaya naisip na ganyan ang offer nila para mahikayat yung nagbasa para mag download at mag sign or register sa link na pinapakalat nila.
Meron at meron talagang mabibiktima nyan lalo na naka ads ito sa Mera o FB na ngayon. May mga newbie na aakalain na legit ito since nakita nilang naka advertise ito sa platform na yan.