Sa Bitcoin Discussion board, ang dami nang threads about the new ATH.
Naisip ko lang, dapat meron din tayong sariling usapan dito sa local section kasi marami rin naman sa atin umaasa na mag-ATH ulit si BTC.
Ngayon na tumama na sa $125K ATH, anong feeling nyo? Excited ba tayo gaya nung panahon na $20K pa lang ang pinag-uusapan?
May kaba ba na baka retrace lang ‘to, or confident na tuloy-tuloy na papuntang moon?
Share nyo mga thoughts, para may local flavor din ang hype.
Siguro masasabi ko dito na may regrets ako na nag sell ako ng era ng BTC around mga 70k bumili kasi ako ng phone nasira eh tas sinagad ko na sa Iphone haha, pero ayun nga isa sa regrets ko din iyon tas nag imbak na ako tapos pag ka reach ng 100k or mga 110 nag take profit na din ako kaya di nako nag taka or siguro nagulat around mga 120k kasi predicted ko din naman na talaga na sagad to pero di ko expect na aabot pa din sya ng mga around 125k imagine diba so goods pa din DCA ako but sell immediately for USDT and wait for the dump, if may pera lang talaga ako that time na nag 3k ung BTC hay nako.