Hi, a few weeks ago humingi ako ng suggestions dito sa Philippines section kung magandang idea na gamitin ko yung ipon ko para kumuha ng CAD seminar at mag-freelance and based dun sa replies mukhang mas OK kung sa iba ko na lang gamitin yung pera. So ito manghihingi uli ako ng suggestion kung anong magandang gawin dito sa ipon ko.
Parang wala akong nakitang thread dito sa Philippines section tungkol sa mga IRL business so naisip ko baka maganda na meron place kung saan tayo pwede mag-post ng ideas para humingi ng suggestions galing sa ibang Pinoy members.
Hindi ko alam kung paano mas i-organize tong thread so siguro ang gawin na lang natin eh tuwing meron tayong ipopost na bagong business idea, bigyan na lang natin yung negosyo ng pangalan at lagayan ng glow yung business name. That way siguro pwedeng maglagay ng reviews sa multiple businesses ng hindi na gagamit ng maraming quotes. Anyway, I'll start..
merchantofzeny's Iced DelightsOK, summer ngayon at nagplaplano ako maglagay ng maliit na stall ng halo-halo at shakes dito sa gilid ng bahay. Nag-canvas ako ng equipments sa Lazada at meron sila 1L ice crusher for 1,700 at 4-speed blender for 1k. Hindi ko pa nasusubukan bumili ng items online, safe ba dito sa Lazada? Yung ice crusher kasi, wala akong makita sa mall.
Good idea na rin ba tong ice crusher to begin with? Ang reason ko kasi eh kapag summer medyo pahirapan bumili ng crushed ice. Meron akong tita dati na reseller ng tube ice. 1-2 sacks naman binibili nya palagi pero kapag summer minsan hindi na siya nadi-deliver-an. Siguro inuuna nila i-fill yung large orders kaya nawawalan yung tingi.
Kinwento ko sa family ko tong plan ko, ok naman sila pero nung una sabi nila blender lang daw bilhin ko, and then de kaskas na ice shaver na lang kaso parang nakakadiri naman yung block ice nila sa palengke. Palagay nyo guys? Bilhin ko na ba pareho?
Anyway regarding yung products, bale ang ang iniisip ko eh halo-halo and then yung mga hielo dessert variant gamit yung ibang ingredients, so may kasamang mais con hielo, saba con hielo at ube-keso (yung ube tapos may cheese shreds na binuhusan ng condesada
). Yung shakes bibili na lang ako nung powder sa palengke and then siguro haluan ko na lang ng sago or gulaman. Kapag gumaya yung kapit-bahay saka na lang ako magdadagdag ng buko pandan at coffee jelly pero imbis na puro jelly yung serving, bale gagawin na lang silang topping sa shaved ice.
Speaking of shaved ice, may kilala ba kayong distributor ng snow cone syups? Yung dito lang sana sa QC na nagbebenta ng kahit small orders lang.