Hindi naman dapat talaga tangkilikin ang mga hyip website at ponzi scheme na mga investment since sa una lang yan mag papayout. Kapag malaki at marami nang nakapag invest sa kanila na mga investors ay bigla na lang nila itatakbo ang pera at mag sashutdown na yung investments. Kawawa ang mga investors palage dahil sa mga gahaman.
Pero marame pa din ang kumakagat sa ganitong pakulo ng mga scammers kahit common na yung patterns and strategies nila sa panloloko, commonly dahil bago yung way ng pagkita at pasok na pasok sa kung anung trending ngayon sa mga tao sasabihin pa na may legal documents and permits sila para magmukhang legit, sasamahan pa yan ng pictures ng office kuno nila at office staffs with IT's, then the proof of payments and salary, kakagatin na yan ng kababayan natin, napakadame ng scammers ngayon nakakalula na at nakakabahala, nakakaisip na sila ng way para talagang magmukhang legit yung company nila, triple dapat and usisa and pagiingat sa mga ganitong schemes.
Madami parin kasi sila yong mga greedy kumita ng pera at kulang ang kaalaman sa ganitong mga scam business, kay hindi na uubos ang ganitong kalakaran sa online dahil may patuloy na tumatangkilik sa kanilang nakakasilaw na offer na talagang kung tutuusin mo is mabilis kang kikita ng pera pero ito ay walang katotohanan. Hindi na dapat ilista dito ang mga not recommended site like hype it should be ignore para magsawa silang mag market ng ganitong business.