Bago palang ako sa mundo ng crypto at forum kayat ngunit nais kong kumita ng masmalaki dito kayat isa ako sa nagnanais na mapuno ng kaalaman kong paano umiikot ang mundo ng crypto.
Tanong kolang sa mga expert dito anu po ang nagiging dahilan bakit may mga coins sa altworld na napakatagal ng panahon ay wala parin sa exchange kaya naman hindi maibenta upang maging pera at magamit sa pangangailangan?
Salamat po, sa sasagot sa thread na ito.
Maraming dahilan kung bakit may mga cryptocurrencies na matagal bago ma-list sa mga trading platforms meron nga hindi talaga nalilist, pero ang pinaka dahilan ay yung kakulangan sa demand, pag nakita ng mga exchanges na konti lang ang may interest sa coin or token na iyon, malamang hindi na sila mag aabala pa na ilista yun sa service nila, wala naman sila mapapala dun kasi wala din naman mag titrade ng coin na yun. May mga exchanges din na hindi basta basta nag lilist ng mga cryptocurrencies, meron kasing nanghihingi muna ng bayad sa mga developers ng coin para malist yung coin nila, so yung mga small time at mga projects na hindi masyadong kumita sa ICO, walang chance na makapagpa lista sa ibang exchange.