Marahil ay pamilyar na tayo sa mga coins at tokens ng cryptocurrency pero alam nyo ba na ang mga ito pala ay may mga uri? Ayon sa
article na aking nabasa, ito ay nauuri sa mga sumusunod.
Currency Coins/Token : tulad ng nabanggit ito ay nagfafunction bilang pananalapi bilang pangbayad at store of Value. Ang Bitcoin ang isa sa mga halimbawa ng ganitong uri ng coins. Maari rin nating sabihin ang mga stable coins ay katulad nasasama sa ganitong uri.
Utility Coins/Token: Ang ganitong uri ng cryptocurrency ay nagbibigay ng pagkakataon upang maaccess ang mga serbisyo at produkto sa isang platform. Ang halimbawa nito ay Utrust kung saan maaring gamitin ang token na ito upang magavail ng mga serbisyo at produkto sa knilang platform ng may diskwento.
Security Coin/Token : Bukod sa pagkakaroon ng access sa platform at mga produkto, ang ganitong uri ng cryptocurrency ay nagbibigay ng pangakong may babalik na investment return at pagtaas n g value ng hawak na token. Kinakailangan ng approval ng SEC o ng institution para maglunsad ng ganiton uri ng coins.
Asset Coin/Token : ito naman ay ang isang digital na representasyon ng asset sa isang kumpanya o organisasyon.
Equity Coin/Token: Ito ay nahahalintulad sa isang stocks kung saan magkakaroon ng pagmamay-ari ng share ang isang cryptocurrency holder sa capital ng naglunsad ng proyekto.
Reward Coin/Token : Ito ay tulad ng isang loyalty points ngunit ito ay gumagamit ng blockchain technology. Ang halimbawa nito ay ang Loyalcoins.
Meron pa raw isa pang klase at ito ay ang dividend Coin/token kung saan ang dividend token ay binibigyan ng kita ang isang holder habang hawak niya ang token na ito. Ang isang halimbawa nito ay ang mga POS coins na kung saan nagbibigay ng karagdagang coins habang ito ay hawak lang.
Sa mga nabanggit na uri ng coins/token, ano sa palagay nyo ang pinakamagandang paglagakan ng investment?